Thomas: Introduction. Duh.

Ara: Eh eto din 'yung nakasulat sa likod ng libro eh, ni-rephrase mo lang. Nahiya ka pa, sana kinopya mo na lang word-per-word.

Thomas: Nakakaantok basahin eh. (sumandal sa chair niya na parang nakahilata na)

Ara: (binato 'yung libro kay Thomas) Ulitin mo! (bumalik na sa pagsusulat)

Thomas: Aray naman! (kinuha 'yung libro at kunwari nagbabasa pero nakatingin lang kay Ara) 

 .

Ara: Ano ba 'yan, bakit ba kanina pa nakatitig itong lalaking 'to? Kung sa tingin niya ay madadaan uli niya ako sa kacute-an niya ay nagkakamali siya. Over my dead body! (tumingin kay Thomas) May problema ba? Masyado ba akong maganda at hindi ka makapag-concentrate diyan sa ginagawa mo?

Thomas: OO! ... Sh*t... Did I just say yes?

Ara: What the?! Seryoso ba 'to o trip lang ako nito? ... Tsk tsk tsk. Sorry, nasa'yo na dati, nawala mo pa. (nagbasa na ulit)

Thomas: Sa pagkakatanda ko, ikaw ang unang bumitaw, hindi ako.

Ara: Nope. Your fault.

Thomas: No, your fault. Hindi mo ma-- san ka pupunta??

Ara: (tumayo) May gagawin pa ako. Ipakita mo na lang sa'kin bukas sa class 'yung nagawa mo. Bye! (sabay alis)

Thomas: Tssss. Bakit ba laging nakawalk-out ang babaeng 'yun? Haaaay..... Nakakatamad naman gawin 'to. *tiiing* Ay teka, para saan pa ang internet kung hindi naman magagamit sa mga ganitong bagay. Hehe.. Hellooo Wikipedia...

 .

***

 .

@GYM - Basketball Training

 .

Jeron: Oh bro! Kamusta ang first day with the EX? (laughs)

Thomas: Shh! I-announce ba, baka gusto mo pa ng mic?

Jeron: Chill. Malayo naman sila eh. I'm guessing it didn't go well?

Thomas: Of course it didn't go well, pare, what did you expect?

Jeron: Sparks and fireworks? (kumanta) "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..."

Thomas: G*go! Diyan ka na nga.

 Jeron: Affected. (sabay tawa)

 .

Lumapit na ang dalawa sa ibang Green Archers, dumating na si Coach Juno at nagsimula na mag-training. After the practice -

 .

Coach Juno: Okay guys, listen up. Basketball season is up first so we need to work double time with our trainings. Starting tomorrow, we will have twice-a-day five-times-a-week training, am I clear?

Green Archers: Yes coach!

Coach Juno: Good. Now, huddle up!

All: 1-2-3-ANIMO!

Coach Juno: O, wala munang suitor / boyfriend duties ah.

Norbert: Don't worry coach, marami naman dito ang single and looks like wala naman mga nililigawan, palibhasa mga torpe. (laughs)

Rest of MBT: Weeeeeh?? Bakit ikaw Kap, meron?

Coach Juno: O, tama na 'yan. Dismissed. (sabay alis)

 .

Jeron: Kap! 

Norbert: Bakit?

Jeron: Who's the girl?

[1] To.get.her Back AgainWhere stories live. Discover now