CHAPTER 2

37 2 1
                                    

CHAPTER 2

"Kung puro galit ang nasa puso mo hindi ka magiging masaya"

-------------------------------------------

Pagkagising ko sa umaga ginawa ko na lahat ng ritwal ko, kumain, naligo, nagayos. Sinuot ko yung color white kong beats at nagpatugtog ng kanta ng paborito kong banda na 5SOS. Nakakagoodvibes kasi yung boses nila jusko. Pag naririnig ko mga kanta nila napapangiti nalang ako bigla.

Sana nga ganito nalang lagi e yung masaya, walang problema, parang nung bata pa ko puro laro lang inaatupag tapos ang pinoproblema ko lang nun e kung paano ako tatakas kay mama para lang makapag laro sa labas. Pero ngayon, sobrang daming problema. Well, that's life. I should deal with it. Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit sobrang sakit pipilitin kong maging okay, pipilitin kong maging masaya. Alam kong di ako agad makakamove on pero tiwala lang. kayang kaya ko to ako kaya si Julienne Alcantara.

Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan kong lalake para makigulo hanggang sa napunta yung topic namin sa punyeta kong ex.

"Julienne anong nangyari sainyo ni Ezekiel?" tanong niya sakin

Bigla nalang tumulo luha ko kasi naaala ko nanaman

"Shhh. I'm sorry." Sabi niya habang hinahagod yung likod ko. Narinig ko pa siyang bumulong ng "tanga mo, jasper"

kinwento ko na sakanya lahat nang nangyari iyak parin ako ng iyak

"Jasper *sobs* tell me ano pa bang kulang sakin? *sobs* may mali ba sakin? *sobs* tell me!"

"Shh stop crying. Wala namang kulang sayo actually madali ka lang mahalin tanga nalang siya kasi ginago ka niya" sabi niya sakin sabay yakap sakin ng mahigpit

"Hindi pa ba ako sapat sakanya? *sobs*"

"E-ewan. siya dapat ang tanugin mo dapat mag usap kayo"

"Wag na muna siguro. Sobrang sakit pa e. Di ko pa ata kaya *sobs*"

"*sigh* sige basta julienne lagi mong tatandaan nandito lang ako sa tabi mo ah hinding hindi kita iiwan"

Ayoko ng maniwala sa hinding hindi kita iiwan dahil sinabi narin sakin yan ni ezekiel ayoko na pero syempre ayoko naman sabihin yun kay Jasper kaya tumango nalang ako at nagpasalamat sakanya

"Lee ano nang balak mo ngayon?"

Yeah you heard it right lee tawag niya sakin minsan ewan ko ba dito siya lang daw pwedeng tumawag sakin ng 'lee'

"Kakalimutan ko na siya. Iisipin ko nalang na ito ang pinaka masamang panaginip ko"

"Sige tutulungan kita lee" sabi niya sabay abot sakin ng tubig "uminom ka muna oh"

"Salamat talaga jasper "

"Basta ikaw lee!" Sabi niya sabay kindat hahaha

"Wag mong kalimutan to part na ng buhay ang masaktan kahit na ayaw mo mangyayari parin sayo hindi mo maiiwasan na hindi ka masaktan kasi parte na ng pagmamahal yun. At pag nasasaktan ang isang tao nagiging matatag sila" sabi niya magaling talaga to sa nga advices ewan ko ba dito ang daming alam eh

"Opo boss tatandaan ko yan"

Pano kaya kung si Jasper nalang ang minahal ko? Di kaya ako masasaktan ng ganto? Hindi niya kaya ako sasaktan? Haynako julienne wala namang gusto sayo si Jasper tigil tigilan mo nga.

(A/N: ang pagbasa po sa name ni julienne is julyen or juliyen bahala na kayo kung anong gusto niyo )

Marami ring nagkakagusto dito kay Jasper eh mabait kasi siya gwapo din tsaka may respeto talaga siya sa babae at higit sa lahat ayaw niya na nakakasakit siya ng babae kaya ang swerte lang talaga ng mahal nitong si Jasper.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now