1

15K 399 53

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

1

Inis na nag doorbell si Charles Jeffrey Suarez, ang init – init at feeling niya pati balat niya ay tinamaan na ng El Nino sa ilang minutong pagkakatayo sa gate ng magandang bahay na 'yun. Ang sabi ng kanyang nagbalik loob na kaibigan (actually, hindi sila masyadong close pero alam niyang mabait ito at mapagkakatiwalaan) may magbubukas ng pinto sa kanya dahil pinapunta nito ang kanyang kasambahay para maglinis. Nilinaw niya rito na dapat mapagkakatiwalaan rin ang kasambahay na 'yun dahil balak niya ng lumabas sa kanyang cocoon at tuluyan ng maging magandang butterfly.

Sa bahay kasi nito siya pansamantalang tutuloy, silang apat na magkakaibigan na susunod lamang sa kanya. Para naman hindi nakakahiya, pinilit niya si Elvin na magbayad sila ng renta habang wala pa siyang nabibiling property sa Davao, at magbubukas pa lang naman silang magkakaibigan ng pinapangarap nilang business .

"Hay naku! Kakalbuhin talaga kitang chuckie dreyfuss (pangit) na nasa loob ng bahay! Hindi pa naman ako nakapag apply ng sun block!"

ISang pindot pa sana ng bumukas ang gate.

"Hilu!" Nakangiting bati ng babaeng kitang-kita pati bagang sa mga ngiti nito. Pulang – pula ang suot nitong damit na mas lalong nagpainit sa paningin niya.

"Hi." Nakuha pa niyang sumagot sa pagbati nito. Pinilit niyang pigilan ang makapal na kilay na tumaas, pero hindi niya nagawa, kusang loob nitong tinaasan ng kilay ang makupad pa sa pagong na babaeng nasa harap niya.

Hingang malalim, Charrie! Bawal ang bad vibes sa unang araw!

"Hilu, Ser!"

Mag ha-hi at hello na lang ba sila till eternity?

"Hi, I'm Elvin's friend, ako yung titira sa bahay niya." Nakapagsalita pa siya in a friendly tone.

"Ah, opo, ang sabi nga ni Ser, darating daw po yung frend niya. Ser, can I have your name?"

Inglisera lang ang peg ng chimi-aa ng kaibigan niya?

"I'm Charles Jeffrey Suarez, Elvin Yue's friend."

"Ser, can I see your I.D.?"

"Ano itey? School? No ID, No entry?" Imbiyerna (inis) na siya. Ang init – init kaya, nalapnos na ang makinis niyang balat samantalang ang kaharap niya ay kuntodo payong!

"No Ser, but I want to be sure! You know, budul budul gang." Labas bagang na ngiti pa rin ang kaharap niya. Hindi yata nahalatang nagsisimula ng kumulot ang buhok niya. Inis na hinawi niya ang kanyang invisible bangs.

"Akesha! Member ng budul budul? Imbiyerna! Sandali nga." Inilabas nito ang cellphone at idi-nial ang numero ng kaibigan. Ramdam niyang nagsisimula ng kumulot ang dati ng alun-alon niyang buhok.

"Unsa ni ante! Ang imong maid, nangayo ug ID!( Ano ito, auntie! Ang iyong kasambahay, nanghihingi ng ID) School na ba ang bahay mo? No ID, No Entry lang ang peg?"

Tawa lang ang narinig niya. Pagkatapos ay inutusan siyang ibigay ang cellphone sa babaeng kaharap. Pagkatapos ng sandaling pag-uusap ay ibinalik nito ang cellphone sa kanya.

WABFIL 2 - A Change of HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!