"Hindi ka sanay sa gawaing bahay?" Aniya.

"Uh... Nagluluto po ako. Pero hindi gaanong naglilinis."

Tumango siya at tinignan ang platong sinasabunan.

Ako yata ang sunod na sasabunan dito.

"Naipakilala mo na ba si Wade sa mga magulang mo?"

"Uh... H-Hindi pa po." Shiz! Pati kaluluwa ko lumipad na sa kaba. Nauutal na ako.

"I see. Hmmm. Hindi ko alam kung gaano mo na kakilala ang anak ko... pero sasabihin ko na sayo, maraming na li-link sa kanyang babae dito."

"Alam ko po iyon." Simple kong sagot.

Nagsasabon parin siya ng mga plato.

"Alam mo na, may hitsura, matalino, musikero tsaka magaling mag football, maraming nahumaling sa kanya. Itong anak ko, mapusok kaya pinapatulan." Sumulyap siya sakin.

Para bang naghahanap siya ng butas sa akin.

"Kahit naman sa Manila, ganun din siya kung maka apekto sa mga babae."

Tumango ulit ang mama niya, "Okay lang ba sayo yung mga nakaraan niya?"

"Oo naman p-po."

Binaba niya ang basong sinasabunan niya at hinarap ako.

"Sa totoo lang, hija, hindi ko inakala na mabilis siyang makakahanap ng babaeng tulad mo. Matayog ang mga pangarap niya. Matalino siya kaya kaya niyang mangarap ng malalaki. At wala sa utak niya ang pag ibig. Puro lang siya... alam mo na." Nagkibit-balikat siya. "Kapusukan." Tumango siya dahil sa nagtatakang reaksyon ko, "At open kami sa mga bagay na ito. Tapos, ngayong nalaman kong mayaman ka... hindi kaya mahuhusgahan siya sa pamilya niyo? I mean, hindi naman sa sinasabi kong nanghuhusga kayo."

Umiling ako, "Hindi naman po."

I feel so guilty.

"Mabuti sana kung ganun. Alam mo na, probinsyano." Tumawa ang mama ni Wade.

Hilaw din akong ngumisi.

"Close parin ba sila ni Zoey?" Tanong ng mama niya at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga pinggan.

"H-Hindi na yata masyado."

"Ganun ba?"

"O-Opo. Yun ang pansin ko."

"Ewan ko kung alam mo o dapat ako ang magsabi sayo nito. Wa'g mo na lang sigurong banggitin kay Wade pero... si Zoey ay may gusto kay Wade."

"Alam ko po yun."

"Pero walang gusto si Wade sa kanya. Talagang mapusok lang ang anak ko. Tsaka... si Zoey kasi ang nakasama niya sa Manila, kaya mas lalong naging close sila."

Tumango ako.

"Mahirap mahalin si Wade... Kasi maraming babae ang kakabit sa pangalan niya. Lalong lalo na sa isang tulad mong mayaman."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now