[6] Null and Void

16 2 0
                                        

*~*

CHAPTER 6:

NULL AND VOID

*~*

MYRTLE'S POV

"You just need to rest Ms. Del Puerto.. Sige aalis muna ako, sa kabila lang naman, sige" sabi niya at hinarap yung tingin sa kasama kong Asungot "Ikaw naman Mr. Williams, ingatan mo yang girlfriend mo" sabi niya.

Nanlaki naman pareho yung mga mata namin ni Allen. Grabe! Girlfriend niya ako? What the! Umiling nalang ako.

"Naku Nurse! Hindi po! Hindi nya ako girlfriend nagkakamali kayo" sabi ko

Napatawa na lang siya. "Ganon ba? Haha! Bagay kayo.. Aasahan ko yung lovestory nyo ah" sabi nya then nagpaalam na at lumabas.

Napaupo naman si Allen sa tabi ng upuan. Nakatingin lang siya sa akin.

"Kung hindi ko lang kasalanan kung bakit ka napilay at nasugatan hindi kita tutulungan eh" cool na sabi nya.

"Pero, kasalanan mo eh" asar na sabi ko "Ayan tuloy nakapagcut na naman ako ng class" dismayadong sabi ko.

"So ganon? Ako pala ang may kasalanan kung bakit ka nakapagcut ng class?" asar na tanong niya.

"Urgh! Kasasabi mo pa lang diba na kung hindi mo lang kasalanan kung bakit ako naganito hindi sana nangyari toh" asar na sabi ko.

"Tsk! Ewan ko sa'yo" cold na sabi niya at iniwan na ako. Kaasar siya.

Ngayon lang ako naasar sa mga lalaki maliban sa younger brother ko. Nakakaasar kaya sila. >____< Mabuti na lang at medyo okay na ito. Hindi ako nakapasok sa umaga kaya hapon na lang ako papasok.

Nang tinignan ko ang cellphone ko. >___< Ang daming text ni Bestfriend.

'Hoy! Spongebob! Papasok ka ba?'
'Uy! Nasaan ka na?'
'Nakidnapped ka na ba?'
'Wahhh! Bestfriend! Nasaan ka?!'

Halos ganyan ang mga text nya. Wah! Nakalimutan kong magtext tungkol sa nangyari sa akin. Kapag lunchbreak na lang ako pupunta sa school.

Nagpahinga pa ako ng ilang oras dito. Nang oras na, lumabas na ako palabas ng clinic. Grabe naman...

Kaso lang nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Hindi naman ito poste or pader. Nang tumingala ako. 0/////0 Humarap siya sa akin.

Siya ba talaga ito? Wahh!

"Sorry..." sabay naming sabi.

"Ay.. Sorry Myrtle, ang taas ko kasi masyado..." sabi nya sabay kamot ng buhok niya.

"Ay hindi, hindi mo naman kasalanan kung bakit biniyayaan ka ng height ni God eh at ako hindi masyado" sabi ko

Napatawa na lang siya. Grabe sya oh. Masyado siyang mataas at ako okay lang naman. Di naman ako pandak eh.

"Teka lang.. Galing ka ba dyan?" tanong niya haban turo turo yung clinic.

"Ah oo eh" sabi ko

"Anong nangyari sa'yo?" ako lang ba o nagaalala siya. Wahh! Masyado akong assuming!

Napangiti nalang ako sa ilalim ng ilong. Gets nyo? Yung pasimpleng ngumingiti.

"Di ka pumasok ng umaga?" tanong pa nya

"Hindi eh" sabi ko "Ikaw?" tanong ko

"Oo.. Tinamad kasi ako atsaka pinuntahan ko pa yung lola ko sa hospital" sabi ko

Nakaospital pala yung lola niya. Hindi ko alam eh. Nagkasabay na lang kaming pumunta sa school. Hindi na masyadong masakit yon atsaka kailan ko na ring ipraktis yung paa ko.

Wrong Send (on going)Where stories live. Discover now