*~*
CHAPTER 2:
PROBLEM CARRIER
*~*
MYRTLE'S POV
"HOY SPONGEBOB!" sigaw niya
Nabalik na ang utak ko sa reality sa sigaw ni Charity. Ang sama nya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi ako bingi Charity!" sigaw ko.
"Hindi rin ako bingi" sabi niya "Like Hello! Kanina pa kita tinatawag pero pre-occupied ka" sabi nya
"Ganon ba?" tanong ko at napakamot na lang ng ulo.
.
Iniisip ko pa rin kasi yung kanina sa school. Nakakatakot yung Allen Darwin na yon. Ngayon ang dami ko ng problema. Ang sama ng araw ko! >____< Paano ba nangyari toh?
"Ikaw naman kasi, bakit mo ginawa yon kay Darwin? Eh ang famous pamo non" sabi nya
"Wow Charity ang galing mo magcomfort!" sarcastic kong sabi.
Nang nakarating na kami sa bahay nila kaagad kaming sinalubong ni Tita Claire. Pinatuloy niya kami. Ang cheerful talaga ni Tita. Minsan lang ako pumunta dito kasi madalas sa bahay nila si Claude. Nahihiya rin naman ako kay Claude noh. Nagrereport sa akin si Charity if wala sa bahay nila si Claude.
.
"Wow.. Sakto Myrtle, magfamily dinner pa naman kami ngayon" sabi ni Tita
Napatingin naman ako sa tabi ko. Nakangiti siya. Alam ko naman na hindi lang basta nagkataon ito. Sinadya ito ng babaeng Patrick na ito. Kaasar.. Baka interviewhin pa ako ni Tita. At baka madulas ako at masabi kong gusto ko si Claude.
"T-Tita, may gagawin pa po kasi ako eh" sabi ko
"Naku, ganon ba.." sabi niya
*grrrrrrr*
Napatingin naman ako sa tiyan ko. Tunog yon ng tiyan ko. Kumakalam na ito. Nakakainis, ipinapahamak talaga ako ng mga cobra ko sa tiyan.
"I'm home" sabi ng isang napakagandang boses na lalaki.
Ginawa ko nang laghat para itago ang sarili ko sa kanya. Nandito siya. Wahh! Nahihiya ako. Tinusok naman ni Charity yung tagiliran ko. Wahh! Kaya lumapit siya sa akin.
"Myrtle is that you?" he asked
Napaharap naman ako sa kanya kaso lang nakayuko ako. Woah! Nakakaasar naman kasi tinatamaan na naman ako ng kahihiyan syndrome.
"Ki-Kilala mo ako?" nauutal na sabi ko
"Of course, you're my sister's bestfriend" sabi niya
.
Ay ang tanga mo naman Myrth, oo nga naman bestfriend ko yung kapatid niya. Nakangiti siya. Nakikita ko sa peripheral vision ko. Tumawa na lang ito ng mahina. Niyaya na ako ni Tita Claire. Nakakahiya naman sa kanila. Family Dinner nila ito pero nakisali ako. Si Charity naman kasi sinadya nya siguro ito.
Nagpray muna sila kasama si Tito Carl ang galing kasi si Tito naka-skype lang ito at kumakain din doon. Nasa Dubai kasi siya. Para sa family business nila. Then nagsimula na kaming kumain.
.
"So, kumusta school mga anak? Myrtle?" tanong ni Tita Claire.
"It's fine" sabi ni Claude
"Mama! Ang saya po kasi ang daming nangyari!" masayang sabi niya. Kahit ano sinasabi niya. Ang kulit lang talaga niya. Grabe naman. Kulang na lang icover mo ng masking tape yung bibig niya.
Napatingin ako sa tabi ko. Seryosong kumakain lamang si Claude. Napansin yata niyang nakatingin ako sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin. Nginitian naman niya ako. Namumula na yata ako ngayon.
"How about you Myrtle?" Ani Tita
"P-Po?" tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi naman yung nangyari sa school kanina ang sama sama. "Ayos naman po Tita Claire" sabi ko
Ayan! May kasalanan na naman ako, nagsinungaling ako! Ang sama ko, paano ba naman kasi yung Allen Darwin ba yun. Ang sama niya, sabi nya magiging miserable daw yung buhay ko sa school. Wahh! Ano nang gagawin ko? This can't be happening.
"Alam mo Myrtle, bagay kayo ng Claude ko" sabi bigla ni Tito
Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. Wahh! Namumula na yata ako ngayon. Nakayuko lang ako.
"Dad, we're too young for that" sabi ni Claude
Napatingin naman ako kay Claude , wow naman, nakakainis naman kasi tong si Claude. We're too young too young. Ako nga gusto kita eh.
"Bakit offended ka? Guilty ka ba anak ko? Sabi lang naman ng Dad mo na bagay kayo" sabi ni Tita Claire
"Yah! Bakit nga ba Kuya?" tanong ni Charity.
Inaasar na naman niya ako. Hay naku. Bagay ba talaga kami ni Claude? Bakit hindi nya ako ligawan? Chos!
"Look, Myrtle is not comfortable of our topic, just stop it" sabi ni Claude.
Nakatingin naman ako kay Charity na ang lapad ng ngiti. I knew it! Inaasar na niya ako sa mga ngiti ng babaeng ito. Grabe lang.
.
Hindi na nila pinagpatuloy yung topic kaya lang gusto ni Tito maging close daw kami ng Anak niya maliban kay Charity. Kung hindi lang ako nahihiya. Nang matapos na kami nagpahinga muna ako at nagpaalam na kay Tita na aalis na ako.
Nagpaalam na rin sila. Ingat daw ako. Nang makauwi na ako nakasalubong ko ang kapatid kong lalaki.
"Bakit ngayon ka lang Noona?" tanong niya
"Pumunta ako sa bestfriend ko, si Charity, diba nagtext ako sa'yo" sabi ko
"Nagtext, nagtext! Nakikipagdate ka lang! Isusumbong kita kay Mama" sabi niya. "Nakikipagdate ka kay Kuya Claude" sabi niya at tumakbo papunta sa loob.
Hinabol ko naman siya. Grabe lang, may lahi pa itong cheetah? Ang bilis tumakbo eh! Hanggang sa sinuway na kami ni Mama.
Nagpaalam na rin ako sa kanya na pupunta ako sa kwarto ko at binuksan ang facebook ko.
O_________O
No! This can't be! Sa news feed ko! Yung nangyari kanina wahhh! Ang sama! Ang sama!! Bakit ba nandito toh!
May isang video Na kuha lahat ng nagyari simula sa pagsipa ko sa kanya. Nakita ko yung mga comments nila.
'Sino ba siya para ganunin si Allen Darwin?'
'She's desperate'
'Magiging miserable na ang buhay ng babaeng toh'
'Di nya alam pano magalit si Allen'
'Wow.. Tapang'
'Goodluck'
'Goodluck'
Puro goodluck ang mga comments.
"Patay na ako" bulong ko sa sarili ko.
*~*
ESTÁS LEYENDO
Wrong Send (on going)
Novela JuvenilPaano kung dahil lang sa isang wrong send na text message may mabuong Love Story?
