Chapter 45

10.7K 196 2
                                    

John Caleb's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang pag kainis at galit ko dahil sa ginawa niya.



How dare her to keep my son from me, matagal na kaming nagkita pero ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa bata.





Kung hindi ko pa siya sinundan noong nasa resto kami baka ngayon clueless pa rin ako tungkol sa anak ko.



Flashback.



Agad akong lumabas para sundan siya pero pag kalabas ko wala na akong nadatnan sa kanya.



Nilibot ko ang buong paligid nagbabakasakaling makita ko siya.



Hindi nga ako nag kamali nang makita ko siya papasok sa kanyang sasakyan kaya agad akong pumunta kung saan naka park yung kotse ko.



Nakita ko ang pag alis nun kaya pinaandar ko na yung kotse ko at pinatakbo ito kung saan siya papatungo.



Makalipas ang ilang minuto na pagpapatakbo nakita ko siyang tumigil sa isang restaurant.



"Don't tell me may kameet na naman siyang ibang lalaki?" Natanong ko na lang sa aking sarili.



Pero agad akong umiling dahil alam kong hindi siya ganung klase ng tao.



Bumaba na siya sa kanyang sasakayan at pumasok sa loob ng restuarant.



Tahimik lang akong lumabas sa kotse ko at sinundan siya sa loob ng restaurant.



"Mommy!" Sigaw ng isang batang lalaki that I think he's four years old na patakbong lumapit sa kanya.



Nabato ako sa aking kinatatayuan habang pinag mamasdan ko silang dalawa na magkayakap sa gitna.

I'm Married to a Millionaireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن