SC: Sky Zeiron and Red Zyanix

6.1K 178 2
                                    

Sky's POV

Nandito ako ngayon sa main mansion nila Red at hinihintay sya hanggang sa naisipan kong kalikutin ang picture albums na nakadisplay sa isang cabinet..

Bubulsan ko na sana nung narinig kong pababa sina tita at tito..

"Oh son-in-law koooooo!!!!" sabi ni Tita Trix sabay lapit sa akin at pinagpyestahan ang pingi ko

"T-tita ahh masakit po" sabi ko habang nasasaktan agad namang tinanggal ni Tita Trix ang kamay nya sa pisngi ko

"hehehe... Sorry son-in-law... Ansarap mo kasing kurutin eh.. Hahaha bagay na bagay talaga kayo ng baby Cyan ko hahaha!!!!" masiglang sigaw ni Tita

"Alam ko po tita" proud na sabi ko

Eh talagang bagay naman talaga kami eh..

"Uh ah.. You can call mr now mom or mama... Magiging asawa ka rin din naman ni Cyan eh... You can call Zach too as dad or papa if u want... Wag kang aangal ah.." sabi ni Ti- este mom

"Sige po mom, dad" sabi ko habang nakangiti

"Picture album ni Zyan yan nung bata sya ah... Bat mo hawak???" tanong ni dad

"Ah eh po... Gustp ko po sanang tignan eh.." sabi ko habang kinakamot ang ulo ko

"Ahhh sure you can.. Oh sige we need to go... May date pa kasi kami ni Trix eh" pagpapa-alam ni dad

Pagkaalis nina dad at mom ay sinimulan ko nang buksan ang album...

Una kong nakita yung picture ni Red na nakayakap sa black teddy bear at nakatingin with her cold eyes..

Hayyy pati ba naman nung bata sya napakacold nya... I think she's 4 years pld way back then..

Tingin lang ako ng tingin ng picture nung napatigil ako...

I think she was 6 years old dito... Stolen shot lang to... Nakaupo sya ng side view... Pero eto ang ikinagulat ko... Yung background nya nasa Death Palace sya... Ngayon alam ko na...

Sya yung batang babae na nakasabay ko nun nung pumunta kami sa Death Palace bata pa lang ako nun.. Sya rin yung batang babae na pinagtawanan ako dahil sa pagkakahulog ko sa hagdan... Sya rin yung batang babae na tinuring kong kaibigan dun sa Death Palace na bigla nalang nawala... At ang batang babaeng yun ay ang taong minamahal ko na ngayon...

"S-sky... Ano yang tinitignan mo dyan..." nagtatakang tanong ni Red

"Ikaw pala yun.." sambit ko

"Huh???" naguguluhang tanong nya

"Ikaw pala yung batang babae sa Death Palace na nakasabayan kong pumasok nun bilang trainee gangster.." sabi ko at kita ko ang gulat sa mga mata nya

"A-at... Ikaw rin yung batang lalake na lalampa-lampa, tapos ikaw yung batang lalakeng nahulog sa hagdan na pinagtawanan ko???!!!" di makapaniwalang tanong nya

"Oo eh.. Tsaka di na ako lampa Red.." sabi ko

"Kaya pala pamilyar ka nung una kitang nakilala.." sambit nya

"Ikaw nga rin eh.. Kaya pala pamilyar ka nung nakita kita... Matanong ko lang bago tayo umalis... Bakit bigla ka nalang nawala nun sa Death Palace???" tanong ko

"Sa totoo lang ayaw ko nun sa mga Gangster.. Kasi mga puro angas lang kayo.. Yun yung alam ko... Nung una nga napilitan akong sumali sa inyo nun... Pero habang nagtatagal naging masaya ako na kasama kayo.. At yun yung iniiwasan ko nun pero mukhang di ko naiwasan... Nung umalis ako sa Death Palace pumasok ako bilang Trainee Assassin nung 7 years old ako... Hanggang sa lumakas ako.. Gumawa ako ng organization kasama sina Kuya Rex at Kuya Ted.." pagpapaliwanag nya sa akin pero may lungkot pa rin tuwing binabanggit nya yung pangalan ni kuya Ted

ASSASSIN turn to be a GANGSTER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon