Ipagpalagay natin na ikaw (na nagbabasa nito) ang estudyante't ako ang teacher. Ipagpalagay din natin na unang araw ngayon ng pasuka't bagong lipat ka lang sa paaralan. Kung ikaw ang estudyante, alin sa dalawa ang tingin mong mas angkop na gawin, or to make it short, mas maganda sa'yo:
a. Papasok ako (ang iyong teacher), magdadabog sa lamesa't magsusulat ng sandamukal na equations sa board. Ipapasolve ko sa inyo 'yon sa loob ng limang minuto't ang hindi makakapagpasa'y ibabagsak ko kaagad-agad; o,
b. Papasok ako (ang iyong teacher), magpapakilala't sasabihin ang mga requirements, grading system, house rules, at mga bagay na inaasahan ko sa inyo bilang mag-aaral at hihingi'n ko rin ang inaasahan niyo sa akin bilang guro upang makilala ko kayo bago ako magsimulang magturo.
Marahil, may iba sa inyo na ang sagot ay A dahil mga pilosopo kayo. Hindi, biro lang. Pero hindi ba, mas maganda ang B? At least, alam mo na ang dapat at inaasahan mong gawin bago ka magpatuloy sa pag-aaral. Hindi ka aanga-anga, mangangapa, at magugulat 'pag isang araw ay bigla ka na lang binagsak ng teacher o professor mo. Kahit naman sa trabaho, may orientation muna bago ka magtrabaho. Kung server ka sa isang restaurant, hindi ka naman basta-basta pwedeng isalang sa front of the house pagkatanggap pa lang sa'yo. Dadaan ka muna sa orientation, observation, at marami pang iba. Depende na 'yon sa kumpanya.
Teka, ang dami ko nang sinasabi. Baka nga nag-skip ka na sa next part, eh. Basahin mo naman 'to, pinaghirapan kong i-type 'to.
Ang punto ko lang naman dito, kailangan mong basahin at unawain ito't ang mga susunod pang kabanata (huwag kang mag-alala, maiikli lang naman ang mga 'yon) upang hindi ka malito, mangapa, o mapatalsik (oo, nagpapatalsik ako... ng laway) sa komunidad na ito. Para itong "handbook" sa mga paaralan, kailangan mong basahi't unawain upang hindi ka makagawa ng mali.
Sige na, tama na 'to. Punta ka na sa next chapter.
BINABASA MO ANG
TFC: The Guide Book
RandomGusto kong maging maayos at matiwasay ang komunidad na ito, kaya gumawa ako ng mga set of rules para sa ating lahat. Tayo'y magkaisa, tayo'y magtulungan sapagkat tayo'y mga Pilipinong manunulat!
