Dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis niya gamit ang tip ng t-shirt niya na siyang dahilan kung bakit umalingawngaw ang tili ng mga babaeng nasa gilid.

Napapikit ako habang pinupunasan niya ang pawis niya. Kitang kita kasi ang heat-inducing abs niya. Pawis na pawis pa ito at mas lalong nag fi-flex dahil sa mabilis niyang paghinga.

"WADE!"

Dumilat ako at naabutan siyang dinudumog ng mga babae. Nakalapit na pala siya ng konti sakin pero hindi siya nakapagpatuloy sa paglalakad dahil sa mga babaeng yun. Kay aga-aga ang iiksi na ng shorts at naka tube lang.

"Wade! Mamaya ah?" Malambing na boses ng isa sa pinakamatangkad na babae.

Kumunot ang noo ko nang nakita kong hinaplos ng babaeng iyon ang braso ni Wade. Napalunok si Wade nang nakitang nakatingin ako at agad umatras sa kanila.

"Wade... pupunta ka bang farm mamaya?" Tanong ng isa pa.

Nakita kong hinaplos ang pisngi niya ng babaeng iyon. Nakita ko rin ang pagtalon niya sa ginawa ng babae.

"Wade, bakit? Wala ka bang gana ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya halos lahat ng mga babaeng ito ay nakatikim na kay Wade?

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Tinignan ko sila isa-isa. Makikinis, magaganda, may mga mukhang mayaman. Kung nandito si Zoey, sasali siguro iyon dito! Grupo ng mga babaeng naka one night stand ni Wade? OMG!

Napalunok ako ng mga halos sampung beses bago tumalikod sa kanila. Umuurong yung sikmura ko sa mga iniisip ko. Hindi ko alam kung natanggao ko na ba ang parteng iyon sa kanya. Na marami siyang naging babae. Alam kong hindi niya naman minahal ang mga iyon pero sa ngayon, hindi ako sigurado kung alin yung mas mabuti, yung marami siyang babae o may isa siyang minahal ng sobra (at naging loyal dito) bago ako. Hindi ako fan ng mga playboys. Nacurious ako sa kanya dahil buong akala ko ay mahal niya ng tunay si Zoey, pero nawindang at halos mandiri ako nang nalaman kong ibang klaseng ugnayan pala ang meron sila.

Umiling ako at tinalikuran sila.

"Reina!" Pabiglang sigaw ni Wade sa kalagitnaan ng mga pagsasalita ng mga babae.

Hindi ako agad lumingon.

"REINA!" Sigaw niya ulit.

Nararamdaman kong papalapit na siya sakin kaya nilingon ko na siya. Natahimik ang mga babaeng kumakausap sa kanya kanina. May nakita pa akong umiirap at nagtataray habang tinigtignan akong nilalapitan ni Wade.

Tumigil siya sa paghahabol sakin nang hinarap ko na siya. Hinihingal pa siya at kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya.

"A-Ang dami mo palang fans dito." Sabi ko nang di makatingin sa kanya.

"Uhmm..."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon