TG15

3.8K 123 2
                                    


"Shitt, Tanya are you okay?" nag- aalalang tanong sa akin ni mariel ng makapasok na kami at nila- lock na ngayon at tinatabunan ng malalaking cabinet nina L, kyo at kei ang malaking pintu- an para di makapasok ang mga lobo sa loob.

"Look what happened to you!, Bat kanaman kasi nagpa huli ng pasok hah." Napatingin kami kay jiro ng marinig ang malakas at tila galit na boses neto.

"Maliit na sugat lang ito, di ako mamamatay.." naiiritang sambit naman ni stone sa kanya.

"ganun na nga kung hindi pa kita hinigit papasok ay patay kana at hindi lang yan ang nakuha mo!" sigaw neto ulit, halos lahat sa amin ay nakatingin lang sa kanila at ang iba ay nanginginig pa sa takot at ang iba ay umiiyak, na trauma ata ang ilan sa mga kaklase namin.

"pwede ba, hindi naman ako namatay hah,. Eh kung hindi ko ginawa iyun edi sana tatlo na sa atin ngayon ang patay!!" malakas na sigaw ni stone dahilan para tumahimik ang lahat.

"A- anong.. p- patay..??" umiiyak na sambit ng isang kaklase namin.

"Yung dalawang kaklase natin,. Yung babaeng blonde ang buhok at yung lalaking kasama niya palagi. Patay na sila." Wlang gatol- gatol na sambit ni stone at tumayo na at tumalikod sa amin.

Bigla namang umiiyak yung nagtanong at halos kami dito ay tahimik dahil sa nangyari.

"You shouldn't done that." Mahinang sambit ni emp at sinundan si stone sa kung saan man ito pumunta.

"Check every room guys and find something we might need. Bumalik nalang ulit kayo dito sa baba after 2 hours." Sambit ni kyo kaya nagsi alisan na sila, naiwan nalang dito ay kami nina kyo, kei, L, mariel, jiro at yung kaklase naming katabi ni stone sa bus.

"nag- aalala lang naman ako sa kanya eh." Mahinang sambit ni jiro habang tinatapik- tapik ni L ang balikat neto.

"Magiging okay din kayo ni stone, kilala mo naman siya eh. Di ka nun matitiis." Sambit ni L at umalis na din at umakyat sa hagdan.

"Where's everyone?" gulat na tanong ni stone na kararating lang at may benda na ang kanang paa niya at naka- alalay si emp sa kanya.

"Don't go there!!" malakas na sigaw ni stone kay L ng mangalahati na si L sa hagdan.

"AAAhhhhhhhh!!!!" magtatanong pa sana si L kay stone ng marinig namin ang malakas na sigaw at sinundan pa ito ng ilang mga sigawan sa itaas.

"shitt!!" mahinang sambit nina emp at stone at dali- daling lakad- takbo ang ginawa ni stone papunta sa hagdan.

"What's happening??" nalilitong tanong ko sa kanila at halos walang may nakarinig sa akin at nakatingin lamang sila kay stone at emp na nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Dali- dali kaming sumunod sa dalawa sa itaas at halos masuka ako sa nakikita ko ng makarating na kami sa ikalawang palapag ng mansion.

"Who the hell did this??" yun ang namutawi sa labi ni jiro.

"were late.. they're gone!" mahinang sambit ni stone at naglakad na pababa kaya napasunod naman sila sa kanya.

Halos mapuno na ng mga dugo ang buong pasilyo ng ikalawang palapag at may ilang gutay ng mga damit at laman ng mga tao ang nagkaka sabit- sabit sa mga figurine, sirang dingding at pasilyo.

Medyo madilim na din ang pasilyo dahil sa nasira ang ilang ilaw dito.

Kahit naman kasi sabihing may araw pa sa labas ay madilim talaga ang paligid ng mansion at loob neto, kaya din ba tinawag na black mansion eto?

The Grail (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon