TG6

4.2K 148 14
                                    

"I said, who the fuck are you?" ulit pa na sabi ng isang anghel na nilalang na ito. Shit na... Hang gwapo ni kuya infairness kahit na mukhang mangangain na siya ng tao sa kaseryosohan niya. At oh lalalala...

Napatingin ako sa katawan niyang nakabalandra ngayon sakin. Ulam baby!!.. The abs, eight packs at ang V- line. Oh shitttneess....

"Tsk.. Stop drooling lady." napatingin ako sa mukha niya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"Di kaya!" sambit ko pero nag smirk lamang ito sakin. My gashh... Ang hot niya', puta stone.. Get a grip of yourself.

"Whoa.. What are you doing lady?" gulat na tanong nito sakin nang bigla kong kinuha sa kamay niya ang polo niya. I think school uniform niya to, yung white longsleeve niya.

"Isn't it obvious dude? Nakatapis lang ako oh! Pahiram muna hah.. Babalik ko nalng mamaya." pero di ko pa nasusuot ng maayos ang polo niya ng hawakan niya ako sa braso.

"Oh no.. That's mine and isn't it obvious too na wala akong damit pang itaas!" nag smirk pa ito sa akin pero mabilis lang akong umikot at pinasok na ang isang braso ko sa mahabang manggas ng polo niya.

I stick my tongue out tsaka mabilis na tumakbo palayo sa kanya habang ibinu- butones ko na ang polo niya. Mabilis din niya akong hinabol at hahawakan sana ng sipain ko siya pero nahawakan niya ang paa ko.

"Akala mo hah!" pero nag smirk lang ako sa kanya at binawi ang paa ko at aambahan sana siya ng suntok ng bigla siyang umikot sakin habang hawak pa din ang kamay ko. Mabilis ko namang ginamit ang tuwalya ko at pinatid siya gamit neto gamit ang isang free hand ko. Pero dahil sa nakahawak pa siya sa isa kong kamay ayan napasama ako sa pagbagsak niya.

"Oh... Porn!!" napalingon kaming dalawa sa pintuan ng bigla itong bumukas.

Oh shitness .. Nakapa ibabaw pala ako sa hunk na to at my gash... Ngayon lang ata nag sink in sakin ang lahat, naka topless siya at ako naka polo niya lang at teka may undies kaya ako.. Pero I thought ni lock ko ang pinto kanina?? At as if on cue nakita ko ang susi sa kamay ng naka red haired guy.

"So??.. Wala kayong ganang tumayo diyan sa sahig?? At tsaka may sofa naman, bat sa sahig talaga??" sabi ng isang blonde hair guy na may piercing sa tenga. Mabilis naman akong tumayo tsaka inayos ang polo ng hunk nato.

"So.. Emp??" tanong naman ng red hair guy at umupo na sa sofa habang tiningnan ako.

"Ah.. Dude',.. Ano, geh alis na ako hah.. Balik ko nalng to bukas sayo.. Bye!!" mabilis kong sabi sa kanya at tumakbo na sa pintuan pero di pa ako nakakalabas ay may isang kamay na namang humawak sa akin. At pag lingon ko...

"Where do you think you're going?" sabi nito habang nakakunot ang noo niya, napatingin naman ako sa dalawang gwapong nilalang sa likod niya pero parang aliw na aliw pa silang nakatingin samin. Napaismid lamang ako.

"Dude naman... Ayaw mo naman sigurong maglakad ako ng nakahubad diba?"


"Tsk.." napahinga ako ng malalim ng bitawan niya ako pero agad ding kumunot ang noo ko ng makitang nilagyan niya ako ng posas.

"Dude naman.. Isasauli nga diba' di na kailangan ng posas dude." pagmamaktol ko pero parang wala lng siyang narinig.

Nilagay niya ang isa sa kabilang kamay niya. Napatingin lang ako sa kanya ng nagsimula na siyang maglakad.

Kinakaladkad na niya ako pabalik sa locker room. Napatingin lamang ako sa malapad na likod niya dahil medyo nauuna na siya sa akin.

"Ang ganda palang tingnan ng mahabang buhok mo dude. Parang mas silky pa kesa sakin eh." di ko mapigilang sabihin. Eh sa maganda talaga siya eh..


"Tsk.." yun lang ang narinig ko sa kanya at bigla nalang kaming nag stop. Nasa harap ko na pala ang locker ko.. Teka di ko naman sinabi ang locker number ko hah.

Mabilis ko nalang binuksan ang locker ko at kinuha ang damit ko dahil baka bumalik na naman ang limang babaeng baliw mamaya dito.


Binuksan na din ng hunk nato ang posas kaya dali- dali akong pumasok sa isang cubicle at nagbihis tsaka pag labas ko di ko na nakita ang hunk na yun. Napakamot lamang ako sa batok ko.

So iniwan niya lang ako dito? At di niya manlang hinintay ang polo niya? May topak din ata ang isang iyun.. Sayang type ko pa naman siya.

********

"Oh emp, saan na yung chicks mo?" tanong sakin ng kumag na to ng makapasok na ako ulit sa loob ng HQ namin dito sa university.

"Tumahimik ka kei." malamig na sambit ko dito at ang gago nag pout lang. Di ko na siya pinansin at umupo na ako sa isang pang single na sofa dito.

Di pa rin maalis sakin ang mukha ng babaeng yun kanina. Isusuot ko na sana ang polo ko ng biglang may pumasok sa pinto. Naka sibilyan kasi ako kanina noong pumasok ako dito.

Pero na sorpresa ako ng makitang isang nakatalikod na babaeng may violet na mahabang buhok at nakatapis pa ng puting tuwalya ang bumulaga sa akin. Akala ko sina kyo at kei lang ang pumasok, di pala. Kaya tinanong ko kung sino siya.

Pero mas lalo akong nasorpresa ng makita ang kanyang mata. Mga matang matagal ko nang nakikita...

"Wala pala dito si jiro." napabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang sabi ni kyo.


"Matindi talaga si jiro. Sino ba talaga ang binabantayan nun?" rinig ko pang sabi ni kei. Si jiro na sa pag kakaalam ko ay isang matinding reaper. Isang mabangis na reaper na kinatatakutan ng ilang mga mafia clan at may nag iisang bestfriend na ang pangalan ay L Laweit na isa ding mabangis na reaper. Ang dalawang magigiting na reapers ng dragon empire clan.


Ang isa sa tatlong malalakas na mafia clan sa buong mundo.

The Grail (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon