At di nga ako nagkamali. Tinawagan pa siya nina Kuya J para tanungin kung nasaan ako. Mabuti na lang talaga nakausap ko siya agad kaya siya na ang nagsabing tulog kunwari ako. Ang swerte ko talaga kay Louie. Nayakap ko nga siya eh, hehe.

"Napaka-urgent ba niyang graham balls mo at kailangang ngayon mo na bayaran?" tanong niya habang nanonood kami ng NBA.

"Ahhh ehh...sabi kasi ni Ate Peachy, 'pag marami akong nakuhang order, bibigyan niya ako ng libre," paliwanag ko bago sumubo ng limang fries.

"Bukod pa 'yon sa maraming order na babayaran ni Hiro eh ikaw din ang kakain non?" di-makapaniwalang tanong niya. Hindi ako makasagot dahil puno pa rin ng fries ang bunganga ko kaya tumango na lang ako. "Grabe talaga 'yang tiyan mo. Magpatingin ka na nga."

"Gurabe ka naman bespren, wala naman akong sakit. Sadyang gutumin lang talaga ako." 'Di ko rin alam kung bakit ba hindi ako tumataba. Di rin naman ako ganun kapayat. Sabi ni Mama, natutunaw daw agad lahat ng kinain ko kasi sobrang daldal at likot ko, hehe.

"Sino-sino ba ang nabentahan mo na?"

"Hmmm...mga friends ko sa FB. Tsaka pala sina kuya ko. Lahat nga sila nag-order eh. Si 'Ya Macoy, isa... pangtawid-gutom daw sa duty. Si Chino, isa rin...ibibigay daw niya kay Ate Llana. Si Kuya Mac-Mac, tatlo...ibibigay raw sa mga nililigawan niya..."

"MGA nililigawan?"

Tumango na lang ako ang pinagpatuloy ang pagbibilang kung ilan ang order na nakuha ko. "Si Kuya Chad, lima...kasi ipapakain daw niya sa mga co-student teachers niya, si Mase...isa..."

"Kumakain pala yung kuya mong 'yon ng matamis?"

"Sakto lang. Hindi lagi pero kumakain kung meron. Sabi ko lang bumili siya ng graham balls para ibigay kay Sapio Girl niya para sagutin na siya."

Halos maluha si bespren nung mabilaukan siya sa iniinom niyang tubig. Tingin ko nga lumabas yun sa ilong niya eh, hahahah. Nung makahuma siya, saka lang namin tinuloy ang usapan.

"Kilala mo ba 'yon bespren? Pakiramdam ko kasi, ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya eh."

Habang nagpupunas siya ng bibig, tumango siya.

Napasinghap talaga ako nang malakas. Muntik pa ngang malaglag yung nginunguya kong fries eh. "Talaga?! Sino siya?!"

"Bakit naman gusto mong alamin?" tanong na naman niya tas uminom ng tubig.

"Sasabihan kong sagutin na niya si Mason." Pagkasabi ko nun, naibuga niya sa mukha ko yung tubig. "Bespren naman...kadiri..." angil kong ipinunas yung mukha sa damit ko.

"Bakit kasi sasabihan mong sagutin na si Mase eh hindi pa nga nanliligaw."

"BAKET ALAM MO?!"

"Ha? N-Nasabi lang sa'kin ni Sapio Girl," bulong niya tapos nag-iwas ng tingin. Nakakapagtaka.

"Close kayo ni Sapio Girl bespren?"

"'Wag ka ngang maraming tanong! Ikaw 'tong nagkukwento ah!" asik niya. "Sino pa ba ang nag-order?"

"Ay onga pala... si Henry tsaka si Nile umorder din," pagtutuloy ko.

Tinaasan ako ng kilay ni bespren. "Wala bang graham balls sa Baguio at nag-order pa sa'yo? Mas mahal pa ang courier service kesa sa bayad sa order."

Nilunok ko yung huling piraso ng burger na nginunguya ko. "Ay hindi mo ba alam? Lumipat siya sa UP netong school year lang. Nagkasalisihan kasi kayo nung birthday ni Mase eh. Pumunta rin siya don."

"Alam nila kuya mo 'yan?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Sempre naman bespren. Diba kumpleto sina kuya ko nun? Nakakwentuhan nga rin siya nina Mama eh."

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now