Napakalapit lang ng distansiya namin dahilan para mas malapitan ko pang makita ang sugat nito sa kaliwang braso. Dahil nababasa ang boung katawan nito dahilan para mas kumalat pa ang dugo nito sa puting long sleeve niya.

"Fuck!!" Daing niya nang mahawakan ko ang kaliwang braso nito. Pinukulan niya ako ng masamang tingin pero wala akong pake. Gawin kong fishball yang mata niya't makikita niya.

Aalisin ko na sana ang long sleeve nito ng bigla-bigla ulit sumabog na napakalakas na sa tansya ko malayo ito sa kinalalagyan namin pero sa lakas ng impack nito ay abot rito sa kinatatayuan namin dahilan para yumanig ang boung cruise ship. Sabay kaming napamura ni hilaw.

"Shit. We have to leave this place..."sabi niya sabay higit sa kamay ko.

Agad niyang binuksan ng marahas ang pinto gamit ang paa nito.

"Shit!" Aniya. And I gasps.

Anak ng nanay mo naman oh!

Jayson's POV


NAKAPAMEWANG ako habang hinihintay sina Jakie na makarating dito sa Upper deck. Pero ilang minuto na wala parin sila. Umaangal at natataranta na ang mga kasamahan ko rito kung nasaan na sila.


Napabaling ang tingin ko sa nagiisang tao na hindi man lang natataranta. At ang walang hiya nakapag yosi pa sa gitna ng mga taong nagp-panic. Siningkitan ko siya ng mata at nilapitan.

"Hoy!!" Sabi sabay batok sa kanya. Nailuwa niya tuloy ang yosi.

Pinukulan niya ako ng masamang tingin. "The heck?!?" Singhal niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Come on dude, alam kong nag-aalala ka...hindi sa nagy-yosi ka diyan"

"Hindi ako nagaalala..."tipid na sagot nito. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Weeh? Di nga?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya at nilibot ang paningin ko sa paligid. Papatungo sa life boat ang mga tao. Sinasalba ang mga sarili sa papalubog na barko. Mga taong ganid at uhaw sa kapangyarihan. Siguro, tama lang sa kanila ang nangyaring ito para mabawasan naman ang masasama sa mundo. Masama na kung masama, yun talaga ang gusto ko.

Nang hindi ko pa rin marinig ang sagot ni Kevin humarap ako sa kanya na ngayon ay may malalim na iniisip.

Kevin's POV

NAG-AALALA?. Hindi lang pag-aalala ang meron ako ngayon. Parang gusto kong pumatay ng tao mailigtas lang si Jakie. Pero wala akong magawa. Lumaki akong duwag. Pero ng mangyare yun 13 years ago pinangako ko sa sarili ko na magiging matapang ako at mahanap ang kapatid kong matagal ng nawawala.

Ngayong nahanap ko na siya. Tangina lang hindi ko pa rin magawang iligtas ang kapatid ko.

13 year's ago...

"Mum! Si Kevin oh!!" Galit na sigaw ni Jakie na abot hanggang kapit-bahay namin ang sigaw niya. Nagmamadali itong bumaba sa staircase.

Habang ako naman ay prenteng sumusunod sa kanya na ngiti sa labi. Ang sarap talagang pikonin ng kapatid ko.

"What is it, sweetie?" Bungad ni Mum na katabi si Dad.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon