TSG#36

12.1K 313 7
                                    

Chapter 36

NAKAYAKAP parin ako kay hilaw habang nakapikit ang mga mata. Pilit na inaalala kung saan ko ba narinig ang boses ng batang iyon.

Nabalik ako sa sarili ko ng mapagtanto kong nakayakap ako sa kanya.  Mabilis akong lumayo sa kanya at napatuwid ng tayo. Tangana!  Para akong tanga nito! Bakit nga ako nakayakap sa kaya?

Napaka-awkward nito.

Tumikhim ako. "uuhmm.. " tinignan ko siya ng may pagkailang. Pero napakunot-noo ako ng makita ang kaliwang braso nito.

Marahas kong inabot ang coat nito at hinubad. Napasinghap na lang ako nang makitang napakaraming dugo ang kumalat sa kaliwang braso nito pababa.

"What the?!" Bulong ko na maririnig din nya. Hahawakan ko na sana ang braso niya nang pigilan niyang akong mahawakan ang braso niya dahilan para masama ko siyang binalingan ng tingin.

"Don't, I'm fine.." anito na parang wala lang sa kanya. Sabagay immune sa siguro siya sa mga bagay na ito. Anak ng kalabaw lang!! Pero para sa akin hindi siya okay.. Paano kong mamanatay na lang siya bigla diyan tapos ako pa ang sisisihin edi nganga ako? Baliw ba itong lalakeng ito?

"Anong it's-fine-it's-fine ka diyan kung batukan kaya kita?  Tignan mo nga yang kaliwang braso mo kung makalabas ang dugo parang wala ng bukas?  Yan ba ang it's fine?" sarkastikong pagsesermon ko sa kanya.  Aba! Wag niyang lokohin ang lelang niya. "Kung gusto mong magpakamatay mag-isa ka, wag mo akong idamay sa kabaliwan mo!" ani ko.

"tss... " yun ang ang sinabi nya sa napakataas na speech ko. Lumapit siya ng ilang metro sa akin at aabutin sana ang mukha ko ng mapigilan ko siya.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya habang nakahawak sa kamay nito. Pero ang gagu tinampal ang kamay ko at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Inilapit niya ng konti yung mukha niya sa mukha ko at pinapahiran yung dulo ang labi ko ng may bakas na dugo dahil sa pakipagbakbakan ko kanina sa kung sino mang yung bobong babae na yun na kapatid ni Em.

Bigla ko nalang naalala ang pinagsamahan namin ni Em noon. Simula pagkabata hanggang ngayon tinuring ko siyang parang kapatid kahit may pagkabaliw din ang isang iyon. Kahit na binubully ko siya minsan mahal ko parin ang bruhang iyon. Pero ang hindi ko lang matanggap ay yung hindi pagsabi sa akin na may nakakatanda siyang kapatid at pata ma-inform naman ako. Yan tuloy na-shakira ako sa nalaman ko. At doon rin sa sinabi niya tungkol sa tiwala.

"What are you thinking, Rose.?" naputol ang iniisip ko ng biglang magsalita si Drexel na ngayon ang mariin akong tinitigan habang nasa gilid ng labi ko ang hinlalaki niya. Hindi ko pala namalayan na malalim na ang iniisip ko.

Hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko "Plano ko kung pa'no ka katayin.. " sagot ko. 

"I'm not joking here, Rose" seryosong sabi nito sa akin at mariin parin akong tinitigan. Pinantayan ko naman ang pagtitig niya sa akin.

"Hindi rin ako nagbibiro" aniko at nakacross-arms. Tinaasan ko ito ng kilay.

"tsk..." Bigla nalang niya akong hinigit at ipinagpatuloy niya ang pagpunas sa ilang sugat sa mukha dahilan para mapa-aray ako sa sakit.

"Shit! Ano ba! Dahan-dahan naman!" sabay tampal ko sa kamay niya pero hindi ito natinag. Ang tigas din ng mukha nito. Kaya ako na ang sumuko dahil hindi rin siya titigil. Tsk!

Napakalapit ng mukha niya sa akin. At hindi ko alam kung anong nangyayare sa puso ko kung bakit napabilis ng tibok nito. Parang galing ako sa marathon ng mga baliw na zombie dahil sa bilis ng tibok nito.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora