The One With The Bad Habit(Pilot)

30 0 8
                                    


♫ Pretty Woman - Roy Orbison  ♫

It feels like I'm in heaven.

Pero bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang di ako natutuwa na tumama sa eyes ko ang beautiful beam of sunshine on a Sunday morning.

Nakakairita ayaw ko pa gumising, galit ako sa mundo ayoko muna ng kausap!

Ay may hangover lang pala ako.

Now thats a good way to start up your morning, medyo ginawa ko na nga syang habit eh.

Napasobra nanaman ata ako sa alak kagabe. Oh how I love Saturday Nights! Walang pasok halos lahat ng barkada kinabukasan eh.. Anu ba ang nightly activity pag Saturday? Ayun tamang tambay lang, kwentuhan pero dapat may kasamang alak yan, Brandy lang ok na mas maganda pag may panapos pa na beer. Hehehe

Eh ayun napasobra nanaman ata ako sa alak. I'm just forcing myself to get out of bed and wake up. Eh minamagnet ata ako ng bestfriend ko. I'm referring to my bed and pillows.

Well whats not to like about bed and pillows? Andami kaya they're soft, pwede mo higaan ng walang reklamo, and sa pillows pwede mo sila ihug ng di sila na babastos. Well enough with that crap anyways.

Gusto ko pa matulog, give me 30 more minutes ikiclear ko lang tong brandy at beer sa ulo ko. Just as I close my eyes. May dumadagundong sa pinto ko ng sunod sunod.

Kaasar lang. "Treeeevvooorrr! Wala ka bang balak kumain ng almusal?!"

"Eto na po babangon na! Saglit lang naman po!" Ang sweet naman ni mother, she never forgets to wake me up for me to eat breakfast. Kahit na minsan eh ayaw ko talagang gumising lalo na pag may ganitong happening, ang ginagawa ko pag ganun tulog ulet mga tanghali na lang ako babangon o kaya sa hapon. Depende kung anung trip ng katawan ko.

I rise up from my bed. Turned off the radio. Ni hindi ko nga alam pano ko nabuksan yung radyo na yan eh. Patay yan bago ako umalis ng bahay kagabe. And then I checked the time kaya pala ginigising na ko ni mama, eh almost 11 na pala ng umaga.

Labas ako ng kwarto, brush my teeth, wash my face, then head up to the kitchen and eat. Gutom na gutom ako eh. Mukang nagtawag nanaman ako ng uwak kagabe pamatay lang.

Ayun pag kakain dapat tutulong ako sa mga chores dito sa bahay, eh kaso mo nakakatamad kumilos, alam nyo yung pakiramdam na parang lahat sa paningin mo ay maaraw, mainit, ayaw mo makaranig ng masyadong ingay kase sa pandinig mo para kang sinisigawan, tas yung feeling na gusto mo pang mag second round sa harap ng inidor, pag ganyan ang hangover ko lagi ko tong sinasabi sa sarili. "Quit ako dyan ayoko na uminom! Tang inuh!"

So ayun ang ginawa ko tamang net muna saglet baka may magmessage sa facebook eh, or may interesting story na pwede ko basahin, pero madalas ang binabasa ko lang naman dun is the comments pag may article. Nakakaloko din kase mga comments ng tao ang tataba ng utak hahaha.

Then ayun napapikit ako goluts ulit. Well mahilig kami magbaliktad ng salita ngayon so tulog yun . Its a thing here in our ville.

Pag gising ko mag 6 na ng gabi. Ubos na ubos na yung oras ko agad agad ng ganun ganun lang. Sabi nga ng iba time is gold daw, use it on things like doing stuff that are productive, and helpful. Eh ako iba, make every moment memorable, enjoy enjoy lang sa buhay, live life stress free, ayun ang takbo ng buhay ko for now. Jobless.

Graduate na ko for almost 5 months, lagi nga akong tinatanung ng parents ko at ng mga kapatid ko kelan daw ba ako maghahanap ng trabaho, sabi ko na lang hinihintay ko lang mga tawag nung mga inapplyan ko, pero for now chill chill lang muna I'm not yet ready to face the world of reality. Yun nga lang, ang problema alaws arep, kaya kelangan minsan magsipag dito sa bahay. Dati natatandaan ko pa nagmamadali pa kame ng mga kabarkada ko sa college na grumaduate at tapusin ang lintik na thesis na yan, halos masira masira na pagkakaibigan namin dyan pati na dito sa bahay yun ang madalas pinagtatalunan namin during my senior years in college. But now I'm glad that its all over with. Kaso pumapasok pa din minsan sa isipan ko yung mga moments in college, ang sarap balikan parang gusto mo magaral ulet. Pero now its just a part of a memory and move on to another chapter of life which is called reality.

Labas ako ng bahay almost 9 ng gabi, titignan kung may tambay ba, and maybe have a couple of cigarettes habang nandun ako, buti na lang andun si Chester sa may tindahan nila, pinakamatalik ko na kaibigan sa aming magkakabarkada dito sa min.

Bili ako ng yosi, tsaka juice ayun tamang tambay at chill na kame dun. Hanggang sa nadagdagan na ang tambay, dumating na si Steve. Pag lumabas sya ng ganung oras, matic na pwedeng mag simula ang inuman agad agad.

Halos ganun lang din naman ginagawa ko sa araw araw na binuhay ko dito sa Mundo eh.

Tanung nga ng iba sakin eh" Di ka ba nagsasawa na lagi na lang ganyan ang ginagawa mo?

Ako naman si hindi, alam kong wala kaming napapala dito sa ginagawa namin na minsan ay ang pahinga lang namin sa inuman ay once a week. Pero ang habol lang naman namin dun eh is yung bonding naming magtotropa dito habang nagtatagayan, yung kupalan, asaran, tawanan, at minsan o madalas, ang pagshare ng drama namin sa buhay, madalas yun heartbreak stories na paulit ulit lang din ang advice sa bandang huli.

Alam ko ang inuman eh ginagawa lang yan occassionally. Onti onti ko ding napansin na nagiging bad habit na sya sakin. Almost everyday ba naman eh.

Wednesday night. Ayan na nagtipon tipon na kaming magtotropa kasama si Ches at Teban, nickname ni Steve yun.

"Oi Trevor asan na ambag mo?" Sabi ni Teban. "Par 30 lang tong pera ko ngayon di ako nakakubra ngayon eh"

Ayan nagkakasingilan na haha

"Lagi namang ganyan ambag mo eh walang bago, palag na yan!" Sabi nya.

"Hintayin mo man pag nagkatrabaho ako erbil ko kayo pati foodtrip natin hahaha!"

Ayun dahil tatlo lang kameng iinom ngayon ang nabili, gin lang. Ok na yun tamang pampatulog lang.

Nagsisimula na ang ikot. Kasama na pati kwento. At dahil may Wifi din sa pwesto namin, tamang fb din kaming lahat or youtube.

At habang nagkekwentuhan about sa random stuff in life, biglang nagtanung si Chester sakin.


  ♫ Girls- The 1975♫ 

"Trev musta na nga pala kayo ng gf mo?"

"Ayun I'm in the blue!" I'm bringing up the one dun sa fb messenger. Wala eh di na sya masayado nagoonline.

And right after that moment na tinanung nya sakin yun. Tumunog yung parang bell sound notification nung app. Inopen ko yung message. Pagkatapos kong basahin, eto na.


"Guys uwi muna ako. Sorry ah di ko kayo matutulungan ubusin yan, its kind of an emergency may kakausapin lang ako."


"Bakit anu meron?" Tanung ni Teban.

"Bukas ko na lang kekwento sa inyo pag tambay natin."

Saturday Night LightsWhere stories live. Discover now