~4~ Ang Side Mirror... Bow!

Start from the beginning
                                    

Nasa gitna ako ng pagkabadtrip nang biglang may nagsalita sa likuran ko. 

“Palagay ko, nabiktima ka ng sindikato.” =__=

Hindi na ako magtataka kung sino ang may-ari ng boses na yun. Naks naman, binalikan ako?! Hohoho. Pero ewan ko ba, I find his voice very calming na pati ako eh kumalma na rin. Kay lamig eh! 

I pouted my lips and folded my arms. “Pa’no na ‘to? Kauna-unahan kong kotse, naalisan ng side mirror? Patay ako nito kay Momsie.” >.<

Lumapit siya sa pwesto kung saan nakakabit ang side mirror. Medyo hinawakan niya pa yun tapos humarap na siya sa akin with his cold eyes. “Kawawa ka naman…” =___=

Napataas ang isa kong kilay. Maka-kawawa naman itong lalaking ito, wagas?! -____~

I stomped my foot on the ground. “Nakakainis! Hindi na nga ako nakainom ng kape tapos nawalan pa ng side mirror ang kotse ko? Imbyerna ah!” ~_~

Hindi ko alam kung bakit pero napahinto ako sa pag-ngawa nang marinig ko siyang tumawa. Oo, tumawa siya pero ang weeeeeird! Tumatawa na siya pero expressionless pa rin? Parang sarcastic nga ang dating eh. =____=

“Nang-aasar ka ba, Mister?” *insert subukan mong umoo kundi sasapakin kita look here*

Nagkibit-balikat siya. “Nah, I’m not. I just wanted to help… Excuse me,” tumalikod siya tapos kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa niya. Mukhang may tinatawagan.

Ito na ang aking chance para tignan ang katawan niya hohoho *O* Oy, hindi katawan talaga ah. I mean, yung tindig. Ang simple ng porma niya pero ang gwapo niya… Ang galing niyang magdala ng damit. Biro niyo, a pair of jeans and plain white shirt lang ang suot niya plus the shoes eh mukha pa rin siyang ramp model?!???? Duh! Eh kung ipapasuot mo yan sa ibang lalaki, aba magmumukhang construction worker lang eh! ^________^v

Napaiwas ako ng tingin at nag-pretend na nagdadabog ng paa nang humarap na siya sa akin. He-he-he-he! Munshunga lang, Chloe~ :P

“Kakainis naman!” >.<

“Mind if you join me? May malapit na coffee shop dito bukod sa shop na yan. Ano?” He asked coldly.

My forehead wrinkled. “Ayos ka lang, dre? May problema nga ako dito tapos yayayain mo pa akong magkape?” Sabay ikot ko ng mata ko. Kaloka ‘tong lalaking ito!

“Tss… Slow. Hindi ka ba nakinig sa pakikipag-usap ko kanina sa phone?” =____=

“No, paki ko sa kausap mo?” Labo din nitong lalaking ito eh. Busy kaya ako sa pagde-daydream kanina lels =))

Napakamot siya sa ulo niya. Mukhang naiirita na yata siya sa akin.

“Mainit dito kung hihintayin natin dito yung aayos sa kotse mo. Nagpatawag na ako ng gagawa dyan. Don’t worry, trusted ko ang mga iyon.” =____=

“Duh! Porsche kaya ito~ Paano kung hindi nila kabitan ng porsche na side mirror ito? Ayoko!” T_T

He sighed exasperatingly, “Ang pangit naman ng kotse mo kumpara sa kotseng inaayos nila sa akin.” =___=

“Excuse me?!” Ang ganda ng tabas ng dila nito ah! Naku naku! Hindi ko na nga siya crush----- W-wait? Crush ko pala siya? Eh kasi naman ang bait niya! Nagpahiram siya ng libro. Oh well, hindi na ngayon. >__________<

“Ano, sasama ka ba sa ‘kin?” =___=

I pouted my lips in annoyance and then I turned my back on him. “AYOKOOO!!”

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now