25. Shifted

107K 3.6K 586
                                    

Change is a funny thing and not everyone can handle it. It can sneak up on you. Things aren't what they used to be. Your whole world has transformed. You realize the ground beneath you has shifted. Things are uncertain and there's no turning back. The world around you is different now, unrecognizable, and there's nothing you can do about it. You're stuck. Your future is staring you in the face and you're not sure you like what you see.

- Grey's Anatomy

"Why is everyone rushing? What's happening?"

Arsenal smiled at me. Para bang hindi niya ako narinig dahil patuloy pa rin niyang hinahawakan ang kamay ko na para bang dahan-dahan niya akong dadalhin sa pnakatuktok ng ospital na ito at itutulak sa rooftop.

"Arsenal, anong nangyayari? May sunog ba?"

She stopped walking and finally faced me.

"Alam mo ban a leap year ngayon? Sa ibang bansa, naniniwala sila na okay lang ang mag-propose sa lalaki kapag leap year."

"Alam ko, dito naman sa atin sa Pilipinas, okay lang mamikot, pero ano bang point ng sinasabi mo? Magpo-propose ka ba sa akin? Kagagaling ko lang sa operasyon. Apat na linggo akong nakahiga sa kama, pwede bang pagalingin muna natin ang sugat sa dibdib ko at ang sugat na mismong naiwan sa puso ko na kahit kailan ay hindi na magagamot ng kahit na anong klase kapsula at ng kahit na sinong doctor?"

Ngumiti si Arsenal sa akin at ginulo ang buhok ko. I saw a tear escaped her eyes. Nakasuot pa rin ako ng hospital gown habang siya naman ay nakasuot ng putting bestida. Sa tagal ng pagkakaibigan naming dalawa ay noon ko lang nakitang inilugay niya ang buhok niya at nagsuot ng ganoong klaseng damit. It was as if she was readying herself for my funeral which she failed by the way.

The doctors told me that they had already fixed my heart. But who am I kidding? Even Cristina Yang, Preston Burke or even Maggie Pierce cannot fix what's wrong with my heart anymore.

Hinaplos ni Arsenal ang mukha ko.

"Abel, mag-move on ka na. Alam mong hindi na pwede diba?" Marahan ang mga katagang binitiwan niya kaya lang nasaktan pa rin ako. Hindi talaga kahit kailan magiging okay sa pandinig ko na hindi na pwede, na iyong babaeng halos kalahati ng buhay ko ay pinaglaanan ko ng pagmamahal at halos isinama ko sa lahat ng plano ko sa buhay ay hindi ko na pwedeng makasama dahil lang sa magkadugo kami.

"Arsenal, babalik na lang ako sa silid ko. Baka hinahanap na ako ng mga doctor ko."

Ako na mismo ang bumitaw sa kamay niya. Wala akong balak sumama kay Arsenal kung saan man niya ako gustong dalhin. Ako na mismo ang humatak sa swero ko. Hindi ko alam at wala akong ideya kung gaano ako katagal sa ospital na ito, ang mahalaga naman sa akin ngayon ay ang maayos na ako – natupad ko ang pangako ko kay Nanay na hindi ako mamamatay agad – na matagal pa kaming magkakasama.

Mula nang bumalik ako galing sa isla, ay hindi ko na naisip na tanungin si Nanay tungkol sa kung anong nangyari noon. Sapat nang sagot sa akin ang ipinakitang resulta ni Helios Demitri noong huli kaming nag-usap. Noong araw na rin na iyon ay ibinalik ko sa kanya ang singsing na ibinigay niya sa akin noong nag-usap kami. Nag0-resign na rin ako sa kompanya nila at sinabi ko sa kanya na h'wag na sana nila akong guluhin dahil wala naman akong balak na maging parte ng pamilya nila.

I'd rather have Hyan in my memory than be with her as my niece. It will break my already broken heart.

Nakarating akong muli sa silid ko. Nginitian ako noong nurse at tinulungan niya akong dalhin ang swero ko. Pumasok na kami sa silid ko at doon nakita ko si Hyron Demitri na nakaupo sa kamang hinihigaan ko. He was looking at me. Nakahalukipkip siya at tila ba inip na inip na siya habang naroon.

Once MineWhere stories live. Discover now