BSK por :3

14.7K 395 276
                                    

Isang araw,napag desisyunan kong isauli na ang mga damit na pinahiram ni Wine. At saka isa pa,parang may kung ano sa loob ko na mas gusto pa siyang kilalanin. Ayaw kong maniwala na ganon siya kahit harap harapan siyang nag demand sa akin,kasi wala pa naman siyang hinihingi.

It was sunday,nakalagay sa paper bag ang mga damit,nadaanan ko si Papa sa veranda na nagbabasa ng news. Masaya ako na napromote si Papa,idagdag pa na binalitaan kami na umaayos na at bumabangon na ang aming lupain at hacienda sa tulong ni Tito na kapatid ni Papa.

"Oh,Keiy? san ka pupunta? how was school anak?" ani Papa ng napuna ako.

"Masaya naman at maayos sa school Pa,nagustuhan ko. Yup lalabas ako saglit,ibabalik ko lang to sa kaklase ko. And by the way,congrats Pa!" ani ko ng lumapit.

"Salamat anak,pagka graduate mo babalik tayo sa hacienda." ani Papa at may kinuha sa bulsa. "Binigyan ako ng company ng phone,its necessary. Ikaw din,you should buy kung anong meron mga kaklase mo dapat meron ka."

Tiningnan ko ang phone,tulad ito ng sa mga kaklase ko. Naengganyo ako,pero ano ang bibilhin ko at saan?

"Para din may communication tayo." dagdag ni Papa at nag abot ng pera. Napanguso ako,saan ako bibili?

"Salamat po,Pa!" niyakap ko siya at ginulo niya ang buhok ko saka ako nagpaalam.

Paglabas ko ay nakita ko sa labas si Tiny,nag sa-sun bathing! buti hindi siya marunong mag bukas ng gate!

Naglakad na ako papunta kina Wine,ganon parin naman ang lugar nila. Pagdating ko sa kanila ay naabutan ko ang mama ni Wine na naglalaba sa tapat ng bahay nila.

"Magandang araw po! nandiyan po ba si Wine?" nakangiti kong bati,ngumiti din ito at sumagot

"Ganon din sayo,Keiy. Nako,baka nagbabasketball pa yun."

"Ganon po ba? ibabalik ko lang po itong mga damit niya."

"Ganon ba? ilapag mo lang diyan sa gilid. Nako pasensya ka na,busy ako sa paglalaba."

"Ayos lang po,pero may tanong po ako. Saan po ba may malapit na Mall? bibili po akong cellphone eh."

"Wala din akong alam." tumingin siya sa likuran ko. "O? nandiyan na pala su Wang!"

"Anong ginagawa mo dito?" masungit na sabi ni Air.

"Umayos ka Wang! sasabuyan kita ng chlorine! sinauli lang niya ang damit mo. At saka,pwede samahan mo siya sa mall? bibili daw siya ng cellphone." direderetsong sabi ng Mama niya. Tiningnan ako ni Wine ng masama kaya napalunok ako.

Medyo pawisan pa siya pero ang bangi ng natural niyang amoy.

"May gagawin pa ako,Ma!"

"Okay lang po,tita. Mauna na ako. Salamat." umalis na ako ngunit narinig ko pa ang sinabi ng mama ni Wine.

"Wala kang ginagawa kundi magpalaki ng itlog! kawawa naman si Keiy,baka maligaw yun! alam mong galing yon ng probinsiya eh!"

Magta-taxi na lang siguro ako at magpapahatid sa pinaka malapit na mall. Pero kanina pa ako dito sa kaka intay ay walang taxi na dumadaan.

"Hindi dumadaan ang mga taxi dito. Maglalakad pa papunta sa sakayan."

Napalingon ako sa nagsalita,si Wine bagong ligo at naka porma pa.

"Ganon ba? saan ba ang sakayan?"

"Sasamahan na lang kita kung hindi abala sayo." anito at ngumuso.

"Talaga? sige! tara na!"

Naglakad pa kami ni Wine hanggang sa sakayan ng taxi,sa wakas nakasakay din kami. Panay ang tingin ko sa labas,nakaka panibago lang sa aking paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bastos Sa Kanto IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon