BSK tuu :3

8.2K 257 48
                                    

Lumunok ako at huminga ng malalim. Kaya ko ito! pero nakaka ilang hakbang pa lang ako ay umalis na si Wine,sino kayang inaabangan niya?

Pagdating sa kanto ay may mga tambay,hindi ko man gustong marinig ang pinag uusapan nila ay narinig ko,ang lalakas kaya ng boses nila!

"Pwede na tayo ulit tayong tumambay dito."

"Oo nga,akalain mo yon? ang tagal din na madaming umiiwas na estudyante dito dahil kay Balok!" sabi pa ng isa,parang slow motion ang lakad ko tuloy.

"Si Wangwang lang pala kataat niya,ang lupit ng batang iyon,ano kaya ginawa niya kay balok at lumayas na dito?"

Pff! Wangwang? ano ba namang pangalan yon? so,hindi si Wine ang kinakatakutan dito. Lokong yun! humanda siya sa akin! pinagtripan niya ako!

Nilampasan ko na sila at dali dali na akong pumunta ng school,buti pinapasok pa ako ng guard,at matiwasay kong nakuha ang naiwanan kong sapatos.

Kinabukasan ay nagulat pa ako pagpasok ko sa room,naglapitan agad ang karamihan.

"Keiy,gaano kalawak ang hacienda niyo?" sabi ng isa.

"Huh? hindi ko alam,pero sobrang malawak." nagtataka kong sagot.

"Ang yaman mo! edi nabibili mo lahat ng gusto mo?"

"Hindi naman,wala akong hilig." sabi ko,sakto dumating si Wine kaya nagsi alisan sila. Takot sila sa walangyang ito?

Tahimik lang ako ng naupo siya sa tabi ko,kahit ako ay hindi niya pinansin,pa suplado pa? bigwasan ko siya!

"Wine! may sagot ka na sa assignments?" sabi ng kaklase kong babae.

"Oo,ikaw ba?"

"Wala pa,paturo naman."

"Sige."

Wow,mapagkawang gawa! hanggang sa ang dami ng lumapit at nagpaturo. Matalino pala siya,hindi halata sa image niya.

Dumating na ang prof at umayos na ang lahat,ito lang ang tanging pagkakataon ko na maka usap siya,dinumog kasi siya kanina eh.

"Alam ko na sikreto mo! hindi talaga ikaw yung kinakatakutan sa kanto,pinagtripan mo ako! bastos ka,bastos sa kanto." bulong kong ganyan.

Nilingon niya ako at bigla siyang tumawa,anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Wine Salcedo,bakit ka tumatawa?" puna ng prof.

"Sir,pinapatawa po kasi ako ng unanong katabi ko!" sabi nito at napahawak pa sa tiyan habang galak na galak

Unano? tinawag niya akonh unano?

"Bastos ka!" todo lakas kong inapakan ang kaliwa niyanh paa.

"Araaaayyyy!!" napasigaw siya at napangisi ako.

"Andrada! Salcedo! you two! get out! Ill see you tomorrow morning sa disciplines office!!" namumulang sabi ni Prof,kinuha ko ang bag ko at padabog akong lumabas ng room. Nawalan na ako ng gana,uuwi na lang ako at makikipag laro kay Tiny.

Nakalabas na ako ng campus,pag umuwi ako magtataka si Manang at magtatanong ng rason,ayokong malaman ni Papa.

"Ang liit mo pero ang bigat ng paa mo?" ang buwisit! at talagang sumunod pa?!

"Tse!" dire diretso ako ng lakad,sa gilid ako dumaan,hanggang sa. "Araaayy!"

"Wahahahahaha!" kainis! nahulog ako sa bukas na kanal! dito din nalusot isa kong paa kahapon eh!

"Sige! Tawa pa!" maiyak iyak na ako,sobrang baho ko,kahif sarili kong ilong nag breakdown!

"Tulungan kita gusto mo?" nang iinis na sabi ni Wine sa likuran ko.

"Paano  na ito,hindi ako pwedeng umuwi?" wala sa sarili kong sabi.

"Sa amin pwede ka maligo at magbihis,pero sa isang kundisyon."

Kakagatin ko na ito,wala na akong pagpipilian.

"Ano? ibibigay mo lahat ng gusto ko." nakangisi niyang sabi. Napalunok ako.

"Huh? parang sugar mommy? mamasang? matrona? ganon?!"

"Oo. Pero hindi tayo magpapansinan,huwag mo akong papansinin. Hintayin mong ako pumansin sayo."

"O sige,bahala ka na,payag na ako."

"Sumunod ka sa akin." aniya,hanggang nakarating kami sa kanto,may eskinita pala sa gilid,pumasok kami dun at narating namin ang sa kanila.

"Dito ka nakatira?" pinaghalong kahoy at semento ang bahay,tipikal na bahay ng mga normal na mamamayan.

"Oo,tara sa loob,nangangalingasaw kana."

Pumasok kami sa loob,nahiya na ako lalo na ng may sumalubong sa amin.

"Oh,Wang bakit ka umuwi? teka bakit ang baho?" sabi nito,mukhang siya mama ni Wine.

Wang? siya yung Wang?

"Ma,blockmate ko si Keiy. Nalusot siya sa kanal at inalok ko na dito na lang maligo."

"Magandang araw po at pasensiya na."

"Naku ija,bakit naman kasi nahulog ka sa kanal. Nandiyan sa kaliwa ang banyo."

Ija? napagkamalan pa akong babae.

Agad ko ng tinungo ang banyo,ngayon ang problema ko ay ang susuotin ko.

"Dalian mo diyan." katok ni Wine.

"Oo!"

Habang naliligo ay iniisip ko ang kundisyon niya,hindi kaya lugi ako? ganon ba talaga siya?

Ang Bastos Sa Kanto IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon