' Sana magka-girlfriend na din ako '

' Sana ako din. Mukha kasing masayang magkaroon ng karelasyon '

' Isang tingin mo lang kay noona at hyung alam mo nang masaya talaga sila '

Napabuntong hininga ako.

Akala nila masaya pa kami.

Akala nila perpekto ang relasyon namin.

Hindi nila alam na hindi kami nagkikibuan sa di ko malamang dahilan.

' Kiss na ! '

' Yieeee ! '

' Tokwa't Baboy is hart hart ! '

Nagulat ako nang bigla akong iniharap ni Joshua sa kanya. Mas lumakas ang sigawan nila.

Unti-unti nyang nilapit yung mukha nya sakin.

H-Hahalikan talaga nya ako ?

Konti nalang, maglalapat na yung labi namin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dapat ba kong pumikit ?

Hindi ko inaasahan yung sunod nyang ginawa.

Bigla syang lumayo ..

' Ayoko '- malamig na sabi nya.

Isang salita lang yun pero sobra na akong nasaktan.

' KJ mo naman hyung ! '

' Isang kiss lang eh ! '

' Hayaan nyo na nga sila '

' Oo nga. Privacy na din '

Napaiwas ako ng tingin.

Hahayaan ko nalang na isipin nila na dahil sa privacy kaya hindi tinuloy ni Joshua yung halik.

Kesa naman maapektuhan pa sila sa tunay na status naming dalawa.

Maya-maya pa, narinig na namin yung busina nung sasakyan nila kaya lumabas na kami ng dorm.

Sumakay na kami at nakita namin sa loob si Manager Yumi at si Manong.

Napagitnaan ako ni Vernon at Joshua kaya halos hindi na ako makagalaw. Gusto ko sanang maupo sa shotgun seat para tabi kami ni Manong kaso nandun na si Manager.

Ang awkward talaga. Pakiramdam ko sobrang bagal ng oras.

Buong fanmeet, nakatuon lang kay Joshua tung atensyon ko.

Pinapanood ko kung paano sya ngumiti sa mga fans. Nakakainggit. Buti pa sila, nangingitian nya.

Sobrang lalim na talaga ng nahukay ko sa isip ko pero wala akong naalala na ginawa kong mali para maging ganyan sya.

' Argh. Ano ba talagang problema ? '- frustrated na bulong ko sa sarili ko.

' Yan ang problema sa mga taong hindi muna pinapatapos yung nagsasalita tapos magagalit agad '

Napatingin ako bigla sa tabi ko nang may biglang sumulpot na babae at biglang nagsalita.

' Parang yung mga tao din na hindi naman alam yung buong kwento tapos magja-judge agad '

Napakunot ang noo ko.

' Magja-jump into conclusions kahit hindi naman sila sigurado kung tama ba yung hinala nila '

Sino bang kausap neto ?

' Ayos ka lang ? '- tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako tapos naglakad na palayo.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now