Chapter 2.1

170 5 5
                                    

Jessie’s POV

“Rin, tara na, I’m sure super dami ng tao niyan” aya ko kay Norin habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

“Ayan na, wait lang.” tapos lumabas na rin sa CR si Norin, kung makaihi naman kasi parang wala ng tinira para bukas.

Humarap ako kay Norin sabay tanong “Maganda na ba ako?”

“pfft, Siguro” psh, napakabait na kaibigan talaga.

“Eh ako maganda na ba?” pagtatanong niya.

“Malay ko” sabay irap ko sa kanya, haha, gantihan lang yan.

“Tara na nga. Baka naghihintay na si Tine sa baba” sabay hila niya sa kin pababa ng dorm.

Nga pala University night namin today remember. Kaya nakadress kami at todo make-up. Nakaka-excite, ngayon lang ako aattend sa ganito. Nung high school kasi di ko naman masyado na-enjoy yung prom. namin eh. Kaya parang di rin ako umattend. Sa University Night namin, may sayawan tsaka food, meron din mga magpeperform.

Nakarating na nga pala kami sa venue ng U-night. Grabe ang daming tao. Mga estudyante lahat ng NSU. Exclusive lang kasi to para sa min pwera na lang kung may guest sila na kinuha para magperform. Yung venue, bar siya pero pinasara siya today para sa event na ito.

“Grabe ang ingay” sabi ni Norin, medyo nagsisigawan kami para magkarinigan. Mukhang nagkakasarapan na ng sayaw mga people.

“Oo nga, let’s enjoy the night” sabay hatak sa amin ni Tine sa dance floor. Nung una nahihiya pa kami sumaway pero nung medyo matagal na kami sa DF (dance floor) wala na kaming paki. Hataw kung hataw na.aha

“Girl, nagugutom na ako. Ayaw niyo bang kumain muna?” tanong ni Norin.

“Sige tara, kain muna tayo” pagsang-ayon ko.

Pumunta na kami sa buffet table para kumuha ng pagkain. Tapos umupo na kami sa isang vacant table. Pagtapos naming kumain nagkwentuhan lang kami. Medyo tumahimik din ng kaunti kasi may nagpeperform eh. May naghip-hop dance galing sa IT department. Nakakatawa nga yung sayaw nila parang adik lang.

“Uy, Tine dito pala kayo nakapwesto?” biglang sulpot ni Stephen, tapos may kasama siyang lalaki.

“Ah, oo eh. Eto kasi yung vacant na nakita namin kaya dito na lang kami umupo. Kayo may place na ba?” tanong ni Tine.

“Meron na, iniwan lang namin sandali yung barkada, kukuha sana kami ng maiinom” Stephen

“You look good tonight Tine” singit naman nung isang guy. Ang alam ko kasali din to sa pageant kagabi eh. Ano na nga ba pangalan nito?

“Bolero ka talaga Wayne. Siya nga pala mga kaibigan ko si Norin at Jessie, girls’ si Wayne nga pala” Nakipagshake-hands kami kay Wayne. Yun pala pangalan niya.

“May maganda ka palang kaibigan. Bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin?” Nakaupo na sina Wayne at Stephen ngayon sa place namin. Napasarap yata sa kwentuhan. Bali round yung table. Yung pwesto namin: ako-wayne-norin-stephen-tine.

“Hindi ka naman nagtatanong eh. Tsaka alam ko na playboy ka kaya ayoko sila ipakilala sayo” parang pabirong sabi ni Tine.

“Hindi no, gwapo lang talaga ako kaya maraming babaeng lumalapit sa akin” ang yabang naman ata ng Wayne na to.

Christina’s POV

Biglang nagswitch yung song into love song. Yung tumutugtog ngayon yung My Valentine ba yun, I don’t know I’m not into love songs kasi.

Tumayo bigla si Stephen “Can I have this dance?” tanong niya habang nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Jessie. Alam ko kasi na super crush niya to baka magalit sa akin ang lukaret. Tinignan niya ko ng masama. Sasabihin ko na sana kay Stephen na ayaw ko kaso ngumiti bigla si Jessie. Gaga talaga to, pinagti-tripan na naman ako.

“Sure” sabi ko sabay hawak sa kamay niya at tumayo na rin ako.

Naglakad na kami papunta sa dance floor tapos inilagay niya yung mga kamay niya sa waist ko. Nung una naiilang pa ako na ilagay yung mga kamay ko sa leeg  niya pero nung tumagal okay na din.

“You’re so beautiful tonight” sabi niya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako bigla.

“Ngayon lang?” pabiro kong tanong.

“No, always” ano ba yan? Lasing ata to.

“Mula noon hanggang ngayon maganda ka pa rin” pagdagdag niya

“Mula noon?” nagtataka kong tanong. Eh halos kakakilala pa lang namin. Naging close kami dahil dun sa pageant.

“I mean mula noong una kitang nakita dito sa NSU. Nung freshman ka palang. Remember, sabi ko sayo, madalas na kita mapansin noon?” paliwanag niya.

“Yeah, right” pagsang-ayon ko.

After nun dina ulit kami nagimikan. Parang ang awkward tuloy.

Norin’s POV

Andito ako ngayon sa labas ng venue. Ang dami kasing tao sa loob parang di ako makahinga. Kaya napagpasyahan ko munang lumabas. Si Tine kasi inaya sumayaw ni Stephen. Tapos si Jessie naman inaya nung Wayne. Nagulat nga kami kasi kakakilala palang namin sa kanya. Mukhang mabilis nga sa mga babae yung lalaking yun at sa tingin ko type niya si Jessie.

“Do you love me babe?” dinig kong sabi ng isang babae sa may di kalayuan. Tinignan ko sila. Yung babae nakakapit sa leeg ng lalaki tapos yung lalaki naman nakapulupot yung kamay sa bewang nung babae.

Hindi nila ako napapansin kasi hindi naman ako ganun kalapit sa kinaroroonan nila tsaka medyo madilim dito sa kinatatayuan ko.

“Tch, Uumpisahan na naman ba natin yang bagay na yan?” ang layo naman ng sagot niya? tinatanong siya, sinagot din naman niya ng tanong. Grabe lang ang chismosa ko.

“Iiihh, syempre, I want an assurance” parang nagdadabog na sabi nung babae.

“Assurance? Are you doubting my feelings for you?” kita mo to? pag ganyan kausap mo sarap iumpog sa pader. Pero infareness gwapo siya ah. Siya kasi yung nakaharap banda dito sa direksiyon ko kaya nakikita ko mukha niya. Yung girl ewan ko kung maganda.

“That’s not my point. It’s just that, aish. Okay ganito na lang, if you truly love me then kiss me” huwaw ah. Di na nahiya si girl, siya pa talaga humingi ng kiss.

Biglang inilapit nung guy yung mukha niya sa girl. Hahalikan nga yata niya. Sabagay, ano pa nga ba aasahan mo sa mga lalaki, mabilis yan sa mga ganyan eh, pero pag tatanungin mo kung mahal ka nila. Paligoy-ligoy lang kayo hanggang sa makalimutan na yung topic. Medyo nagulat ako nung halikan nga ni guy yung girl.

“Mapicturan nga” sabay labas ko nung phone ko then click. Aha..ang sama ko talaga.

Tapos nun tumalikod nako sabay bulong ng “Grabe, get a room” paano naman kasi ang tagal nila maghalikan ah, to think na nasa open place pa sila.

Di paba sila tapos? Malapit kasi sila sa pinto nung venue eh. Nakakahiya naman dumaan habang naghahalikan sila. Teka nga, diba dapat sila yung mahiya kasi naghahalikan sila, tama. Papasok na nga ako.

Pagharap ko. Wala na yung naghahalikan. Pumasok na ko sa loob. Bakit ang dilim? Nakapatay lahat ng ilaw. Di ko tuloy makita yung dalawa. Biglang may lumabas sa stage. Di ko maaninag yung mukha, madilim kasi.

“Oh my God” laking gulat ko ng may bumukas na spotlight at nakita ko ang hitsura nung lalaking nakatayo sa stage. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Hindi ako makagalaw. Kanina lang naririnig kong nagsisigawan yung mga tao, bakit ngayon parang pakiramdam ko, wala akong kasama dito?

Journey for LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora