Chapter 1

232 10 4
                                    

‘Candidate no.5 Wayne Martinez’

“Woohh..Woohh..We love you Wayne. KyAHHH..ang gwapo mo”

‘Dalian mo nag-uumpisa na yung pageant, late na tayo’

‘Sandali lang naman..Alam mo namang di ako biniyayaan ng mahahabang binti

‘Hinihintay na tayo ni Tine niyan’

‘Wushu, sabihin mo nagmamadali ka dahil gusto mo na makita si Stephen’

‘Hindi kaya’

‘Weh in denial ka pa’

Nagtataka ba kayo kung sino kausap ko?? Siya si Jessie (Jess)  Dela Torre, “gorgeous lady” ng grupo .Isa syang easy go lucky. Hindi naman sila mayaman, tama lang naman. Nagtatrabaho sa ibang bansa yung father niya at ang mother naman niya ang nagmamanage sa bahay nila.

‘Candidate no.12 Mark Stephen Enriquez’

woohh..go Stephen..Ang gwapo mo talaga..

Narinig niyo yung pangalan na yun.. Pangalan lang naman yun ng crush ni Jessie..sshhh..wag maingay, wag niyo sabihin na chinika ko sa inyo yun. Secret kaya  yun kahit halata naman. hahah,,

‘Dali na girl, ang kupad naman eh’  atat talaga tong si Jessie

‘eto na nga oh..grabe ka naman,,kakastart pa lang naman eh..porket narinig mo lang neym ni Stephen,,YOUR LOVE..aiihh.. “ pambibwisit ko sa kanya.

‘che,,bad woman..pinaka emphasize pa talaga yung YOUR LOVE eh noh..’ psh, halata namang kinikilig siya.

By the way papunta nga pala kaming U-gym now..University days kasi kaya may Search for Mr. & Ms. NSU 2011…

‘ouch..ano ba??tingin ka naman sa dinadaanan mo.’ tama bang banggain ako, infareness may muscles ah.

Aba antipatikong lalaki, di man lang nagpasorry, hello. Nabangga kaya niya ko,,ang sakit kaya non.

‘Ano ka ba? wag mo na pagaksayahan ng panahon yan’ ewan ko sayo Jess

Hay salamat…nakarating din..daming people..kaya pala kahit so far away pa namin..hear na hear na namin sigawan..

‘And our last, but not the least candidate for female’

‘Candidate no.12 Christina Herrera’

‘woohh..we love you girl..go..you can do it..hwaiting..’ todo cheer namin ni Jess.

Bigla tumingin samin yung mga babae sa taas, yung mga nakaupo sa bleachers.  Ano ba naman mga babaeng to, kung makatingin ,mga inggiterang frog..bakit ba?? di naman bawal magcheer eh…hypocrites..inggit lang sila sa kagandahan ni Christina (Tine) Herrera, siya lang naman kasi ang “pageant lady” ng grupo..maganda siya at super charming kaso mapili sa boys kaya sawi pa rin hanggang ngayon. Mayaman family nila kaya keribels niya yung gastos sa mga pageants, yung father niya kasi ang president ng Omni. Yung paliparan ba yun basta yun na yun. Itanong niyo na lang sa kanya. Waha.

Kanina ko pa pinapakilala ang iba, di ko pa pala naintroduce self ko..Oh well..sabi nga nila save the best for last..I’m Norin (Rin)  Alegre..”genius lady” daw ng barkada..P.L kasi ako, sabay rank 1 pa..

Journey for LoveWhere stories live. Discover now