Chapter 29

10 1 1
                                    

Space and time

Yes. We kissed for so many times, after we broke up he kissed me again. I felt his fresh breath in me. His touch in me. His eyes lingered on me. Why ranz? Why did you leave me? I am longing for this guy so much. Im drowned. Yes i will give in to him, everything.

Nag usap kami. He said he still love me. He assured me. But then he just need time and space. We promised each other na walang ibang makikisalamuha sa aming dalawa. Kami parin, kahit na hindi. Ang gulo di ba? Ako nga din naguluhan. Ewan ko ba. Ano talaga ang gusto ni ranz. Sabi niya sa akin, walang kami. Pero parang kami. Pero masaya ako. Dahil kahit na ganoon. Okay parin naman kami. Kumbaga mutual understanding.

Hindi ako pala kwentong tao. Depende sa kung ano lang ang gusto kong i share. Tsaka depende sa kausap ko. How I treat a person is how they treat me. If they will treat me nice, then i will treat them nice also. If you will treat me hard, palaban yata to. Don't try me. Weak lang naman ako kay Bam. Kapag siya na ang mag treat na hard? na ewan ko. Fck this love.

I didn't tell bam what happened to me when he left me. I know, he don't want to know either.

He hugged me. "Mag hintay kalang muna please. Babalik ako sayo" he said. Tumango lang ako bilang sagot.

We stayed almost 4 hours in his room. We sat beside each other on the bed. Im lying on his arm as if its the pillow that supports my head. Siguro nangangayayat na iyong kamay niya... Pero gusto ko kasi humiga katabi niya, gusto ko humiga sa bisig niya habang yakap yakap ko siya. Hindi man din siya umaangal. Kung ayaw niya sana kanina niya pa ako sinuway. Pero wala e. Pabebe talaga to si Bam.

After two days we met again. Pumunta kami ng
Port Pilar Shrine. Nag light ng candle nag dasal. After that umupo muna para tumambay. I wanna check his phone, coz i know marami siyang katext. Alam kong masakit na meron siyang ibang katext, kahit mahirap tanggapin dahil gusto ko na ako lang ang katext niya. Pero pinili ko na intindihin siya. And in the first place walang kami. Hindi ko man alam kung anong pinag uusapan nila sa text. Pero deep inside me nag seselos at nasasaktan ako. But he assured me na walang iba. Na text lang naman yun, wala namang namamagitan pero kahit ganoon pa man nag seselos pa din ako. Gusto ko mag tampo sa kanya. Gusto ko manumbat. Pero in the first place wala namang kami. Anong karapatan ko di ba? Hindi ko naman siya pag-aari. Though sinasabi niya na ganoon. Hindi pa rin ako sigurado because of the action he's doing.

For the first time na kasama ko siya. Hinawakan niya kamay ko, habang naka upo kami sa chair sa shrine. Hinawakan niya kamay ko. Sabi ko nga hindi kami na parang kami. Tinanong niya ako noon. "Na miss mo ba ako?" Gusto ko siyang murahin. Tangina mo ranz kung alam mo lang gaano kita ka miss. Kung alam mo lang talaga. "Na miss kong hawakan ang kamay mo" dagdag niya pa. Alam kong maraming nagbago. Alam kong hindi na siya ang ranz na sa akin lang. Dahil kung talagang mahal niya ako hindi niya gagawin mga bagay na hindi ko gusto. Ka gaya ng magtext siya sa iba. Which is hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan. Pero kahit ganoon pa man hindi ko ma i tanggi sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Oo naman siempre walang nagbago. Siya parin. Kahit ang dami na niyang ginawa na masakit. Nangingibabaw parin ang pagmahahal ko sa kanya.

"Parang tayo lang kahit hindi. Parang hindi lang tayo nagka hiwalay, pero walang tayo, ano ba naman to" sabi niya sakin noon, while holding my hands. Ano nga ba talaga ranz? Bakit nga ba kasi ganito? Bakit hindi nalang tayong dalawa?

Alam kong bilang girlfriend. Hindi ako perpekto. Ang dami kong pagkakamali. Demanding, gusto ko ganito, ayaw ko ganyan. Maarte, oo nga may mga bagay talaga na maarte ako. Pero nasa tamang lugar. Hindi naman yong sobra sobra. Hindi ko alam ano ang meron na special sa akin. Sa totoo lang, wala naman talaga. Kaya siguro ganoon lang ako kadaling iwan. Ganoon lang ako kadaling iwasan, o siguro ipag palit. Lahat ng tao nagkakamali. Sabi nga nila learn from your mistakes. Ano nga ba pagkakamali ko? Nagka mali ba ako ng minahal ko si ranz ng ganito? Kasi mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili ko. Ayaw ko maging obses. Ayaw ko noon. Kasi alam kong in the end, iiwan niya parin ako. At baka hindi kona kakayanin. Pero ina amin ko... Yong nasa port pilar kami, masaya ako, masaya ako na hindi ko maintindihan. Masaya ako na kasama ko parin siya. Despite of all.

Hindi lang isang beses magkasama kami. Simula noong nagkahiwalay kami. Apat na beses na nakasama ko siya na hindi kami. Bago naging kami ulit. Yong pangatlong beses kami magkasama. Sobrang arte niya. Hindi niya ako pinapansin sa daan. Ayaw niya kasi ng suot ko. Ang arte nga niya talaga. Bakit daw kasi ako naka heels. Ang topak talaga. Gusto niya yung simple lang, yung walang dating. Ayaw niya na maganda suot ko. Ewan ko hay. Hindi niya ako pina pansin noon. Ayaw niya ako kausapin dahil siguro sa porma ko. Once kasi ayaw niya ayaw niya talaga. Akala ko pa naman magugustuhan niya. Pero deadma. Ayaw niya. Suplado at hindi niya ako pinapansin.

Hay nako ranz. Ang dami dami mong arte. Anong kinalaman ng porma ko sayo? Okay lang kahit hindi mo ako pansinin. Kahit nauuna ako na maglakad at nasa likod kita. Pinagdadasal ko na sana hawakan mo man lang yong kamay ko. Para maramdaman naman kita. Para naman may kasama ako. Nag lalakad nga ako sa town na ikaw ang kasama. Pero ang totoo ang layo layo mo sa akin. Ang totoo mag isa kolang talaga. Naisip ko kung ganito nga lang tayo, ipag palagay nalang natin sa scene na lumalayo ako sayo. Sa scene na ako nang iiwan, ako nakikipag hiwalay. Siguro ganoon. Hindi mo ako pipigilan. Hahayaan mo kung ano ang gusto mo. Hindi mo ako ipag lalaban. Ang dami ko nang ini isip. Ang dami ng tanong sa isip ko. What if? Kung hindi na kaya ako aasa sayo? Kung uuwi nalang kaya ako? Pipigilan moba ako? Mamahalin mo pa kaya ako? Alam kong kaya mo na wala ako sa tabi mo. Alam kong kahit walang ako. Kahit hindi tayo. Masaya ka parin. Coz you have everything and i don't have. Yong mga barkada mo na sobrang ka close mo. Pwede kang mag kwento. Open ka sa kanila, nakakasama mo palagi, yung kuya mo, na bestfriend mo at palagi mong kasama sa bahay si kuya rey. ako hindi. Hindi kasi ako open, tsaka minsan lang ako mag kwento. Meron naman akong kaibigan pero hindi ko na sha-share sa kanila ang nangyayari sa buhay ko.. Why beacause i dont want to be attouched sa tao. I dont want to tell them how weak i am. Tsaka hindi ako open sa kanila.

May naging kaibigan ako noon, actually marami na akong naging kaibigan na sobrang naging ka close ko. Once na makuha mo loob ko, lahat gagawin ko for thr sake of friendship. Kahit alam kong hindi na tama. Kahit ginagamit nalang ako okay lang. Pero iminulat ko mga mata ko, i realize na its better to be alone. Complicated ang life kapag may mga taong ginagamit kalang para sa ikabubuti nila. Kumbaga pineperahan lang ako. Yon lang ang habol sa akin. Nag trust ako, naging close ko. Hindi friendship ang habol nila sa akin kundi pera, basta lahat ng bagay na kaya ko ibigay na meron ako. Kaya ayaw kona mag tiwala sa kaibigan. Walang kwenta. Lahat mangagamit. Lahat mga mukhang pera, well siguro sa hirap ng buhay or di kaya luho lang.

Ang swerte swerte mo nga kasi you have my attention. You have me. Hindi ako tumingin at nag hanap ng iba. Bam. Hindi ako nag entertain ng iba. Kasi ikaw lang yong gusto ko. Mahal na mahal kita. Pero yon yon e...

While walking. Thinking of us, our memories together. Mga what if, yong buhay na wala ako sa tabi mo, yong buhay na wala ka. Paano kaya kung hindi kita nakilala? Paano kaya kung wala ka? Ano kaya nangyari sa akin? Ano na kaya ako ngayon? Saan na ako?

Too many what ifs sa isip ko, to many questions. And i am in between. Tama ba tong ginagawa ko? O siguro mag stop na ako. Hayaan ko na lang ang mga bagay na ano man. Let it flows gaya ng tubig sa ilog. Enjoyin nalang ang nangyayari.

Bago paman ako sumuko, bago pa ako mawalan ng lakas ng loob na kung tama ba itong ginagawa ko. Hinawakan mo kamay ko, while walking. Nag holding hands tayo. Hindi lang ako kumibo. Hinayaan lang kita. Na hawakan yong kamay ko. Ikaw si ranz dy rigo. Ganyan ka. Magulo. Masarap mag pa kilig. Sobrang sakit kung may ginAwa ka na ayaw ko. . Iba ka, ang laki ng epekto mo sa akin. I need to compose my self. Hindi ako dapat masanay na andyan ka palagi for me. Na gagawin mo ganito palagi. Kailangan kong masanay na wala ka. Pero i love you so much... Though marami akong ini isip. Isinantabi ko yon at inenjoy ko nalang ang moment na yon na hawak mo ang kamay ko kahit hindi ka mag salita. Maging ako tahimik lang tayo pareho na nag lalakad patungong simbahan.

Pakakasalan mona ba ako bam?

-authors note.
Updated feb 23. Umiyak ako kainis kasi. Tsaka naiiyak ako sa scene. Naisip ko, ganoon pala kasakit. Hahahaha. Tapos pakiramdam ko nag hihirap na ako. Hindi ko alam anong nangyayari sakin. Siguro na ho homesick na ako. Ewan ko. Bahala na. Nga pala salamat sa pag basa.

Pa follow sa ig hehe @cresfallnex thanks heheheo

When It Comes To Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon