Chapter 31

43 4 7
                                    

Til the last

Madaling araw na ng dumating kami sa singapore. Grabe yong airport nila ang ganda parang mall sobrang laki. Ang mga tao mga respetado din talaga. Always fall in line. Pagdating namin nag pa palit kami ng pera. Haha. Hindi ko alam kung magkano ang rate sa philippines basta nagpapalit lang ako. Nag taxi nalang kami papuntang woodlands. Sumalampak agad ako sa kama ng dumating kami.

Kinabukasan gumala kami. I cannot believe na nasa singapore na talaga ako. Sobrang nakaka amaze ng lahat ng nakikita ko. Ang ganda ng mga structures ng building nila. Lahat ng pag kaka gawa sobrang perpekto. Ang layo layo ng nilakad namin. Nag stroll lang kami. Hinanap namin ang marina bay sands. Hanggang sa nakarating kami doon. Sobrang napa woah nalang talaga ako sa sobrang ganda ng tanawin. It was so so amazing. Grabe! Tuwang tuwa kami at halos maubos na ang memory ng ipad ko kaka picture. Sana ganito nalang palagi. Gala nalang lagi. Para wala ng problema. Para masaya.
Sa marina bay sands may mga malalaking bola doon na pwede ka mag sulat ng mga pangarap mo sa buhay. Mga wishes. Sinulat ko "advance happy monthsarry bam, iloveyou" because tomorrow is December 7 and its our monthsarry. Kahit malabo ang boyfriend ko. Kahit minsan nakakainis sya. Pero mahal kopa rin siya. Another thing i wrote is that "elijah montefalco sana mahanap na kita" bakit ko sinulat yon? Dahil isang fictional character lang si elijah. Sana mahanap ko siya sa totoong buhay. Yong kagaya ng pagmamahal na meron sya kay klare. Ina amin ko minsan hindi ako kontento sa binigay na attention ng bam ko. Kaya maybe just maybe i wrote that. The last thing na sinulat ko is "travel one place at a time" siempre kasi pangarap ko ang libutin ang buong mundo. Pag uwi namin nag train kami. Bumaba kami sa train station woodlands. Grabe talaga, we break a rule. Ang pasaway talaga namin. Buti hindi kami hinuli. Nag run for your life kami. Huhu nakakatakot. Halos 5minutes din yon. Parang tunnel. Doon kami dumaan sa baba ng riles tapos sobrang dilim mabato bato pa. Akala kasi namin may dumadaan na bus sasakay sana kami. Kaso yun pala wala at sobrang dilim doon. Grabe pinawisan talaga kami ng bongga. That was so close. What if nahuli kami? What if nakulong kami? Thank God hindi nangyari. Paglabas namin ng tunnel tawa nalang kami ng tawa. Sobrang pagod na. Hinanap namin ang woodlands pero nawala nanaman kami almost 2 hours kaming nawala kakahanap ng casablanca kung saan kami nag-sta stay. Gabing gabi na its 12:30 am nag adventure pa kami kakahanap sa casablanca. Its so tiring. Sobrang sakit na paa ko. Hinubad kona nga lang ang sapatos at nag paa paa. Pagdating sa bahay. Naka salampak agad ako sa kama. So tired pero sobrang worth it. Sobrang nag enjoy kami.

The next morning nag stroll ako sa casablanca. May malaking pool. Grabe talaga nakaka relax shits ang cool ang ganda. Breathtaking ang view. Ang sarap at ang ganda ng buhay ko. Haha! Gusto kona lang lagi na manatili doon. Walang taong naliligo. Sobrang linis din talaga ng tubig. Ang ganda talaga.

On the following day nagpunta kami ng sentosa island. Shet! It was so breathtaking sumakay kami ng cable car para tumawid ng isla. Sentosa is a man made island in singapore. Grabe talaga nakaka amaze at sobrang ganda. So perfect and surreal. Namasyal lang kami at kumain. Nag picture taking at nag trick eye museum. Nakakatuwa at sobrang enjoy na enjoy kami. Wala akong ibang inisip kundi magpakasaya. Magpakasawa sa pictures at sa gala. Kahit sobrang pagod na pero sige parin oks parin. Carry lang basta enjoy. Uulit ulitin ko ang singapore. Everything is so foreign to me. Babalik ako siguro after 5years or 10years hahahah

Bam musta kana? Naalala mopa kaya ako? Walang signal yung tm ko dito sa singapore. Kumusta kana? Naalala mopa kaya ako? Mahal na mahal kita. Hindi parin kita nakakalimutan. Ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin pilitin man iwasan ay hindi ko magawa. Alam kong hindi healthy ang samahan natin. Alam kong hindi tayo okay. Alam kong kaya mo na wala ako. Kaya ko din naman. Kaya ko. Pero sana kakayanin ko talaga till the end. Ayaw kona ma saktan bam. Paulit ulit nalang bam ko. Hilig mo ba yon na saktan ako? Wala kang alam talaga sa ginagawa mo. Hindi ako laging vocal sayo talaga. Gusto kitang igreet ng happy monthsarry bam ko. Mahal na mahal kita. Sana maalala mo pa rin ako. Kahit pala saan ako mag punta mahal parin kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When It Comes To Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon