Picture: Kath smiling in the camera while DJ kissing her cheek.
CAPTION: Out of all of the girls you my one and only girl...

At siyempre hindi naman nawala ang mga kaibigan ko'ng walang sawang nagco-comment. Kung ano-ano nalang. May mai-comment nalang. Mga sira.

Nailagay ko na ang cellphone ko sa side table. Hindi ba talaga siya pupunta? Nakakalungkot. Dati kasi lagi siyang andito sa tabi ko pag may lagnat ako, pag gusto ko magpalambing, kahit na magka-away kami—gusto ko andito siya.

Mahal na mahal ko si Kathryn. Yung tipong hindi ako nagsasawang titigan siya pag malungkot man o masaya siya. Hindi ako napapagod pakinggan yung tawa niya over the phone or personal man. Hindi ako nauumay sa kaka-hawak sa kamay niya, sa bewang niya, sa kakahalik sa labi niya, sa kakayakap sakanya. Hindi ako nagsasawa, hindi ako napapagod, hindi ako nauumay.

Napapikit ako. Sobrang miss na miss ko na agad siya. Hindi ko talaga kakayanin kung hindi ako yung lalaking papakasalan niya, hindi ako yung.... ayan na naman. Naiiyak na naman ako. Tarages na 'yan. Napakabakla man pero talagang oo tanginang 'yan. Naiiyak ako pag naiisip ko lang na hindi ako ang makakasama niya sa future. Parang nakakapanghina. Parang nakakawalang ganang mabuhay. Minsan nga, naiiyak ako pag jino-joke niya lang ako tungkol diyan sa iiwanan niya ko, hindi niya na 'ko mahal. Dati naman, hindi ako naiiyak with what's with my mind. Pero putangina ngayon makakapatay talaga ako pag may umagaw kay Kathryn saakin.

Ramdam ko'ng mas lalo akong nag-iinit. Kaya niyakap ko pa lalo yung unan ko. Ang totoo niyan, hindi talaga ako umiinom ng gamot kahit dati pa. Si Kathryn lang naman nagpauso niyan. Na painomin ako. Dati hindi ako pinipilit nina Mama na uminom kasi alam nilang ayoko pero nung nakita nilang napapainom ako ni Kath.... gumaya na ulit sila.

Iidlip nalang ako. Baka maya-maya, andito na siya sa tabi ko. Gaya ng dati.

Matutulog na sana ako ng bumukas na naman ang pinto.

"Brother!" Si Lelay.

Naku, sakit sa ulo 'to. Mas makulit pa 'to sa makulit eh.

"Lelay. Matutulog ako."

Tinabihan niya ko. "Kuya, inom ka na raw sabi ni Ate Kath." Nu bang trip non? Isa-isahin mga tao sa pag utos mapainom ako? Eh ayoko nga. Gusto ko nga siya lang!

"Kuya, 'wag na tigas ulo."

Hindi parin ako sumagot.

"DANIEL JOHN!" Napatawa ako ng konti. Siraulo tong si Lelay. Ginaya pa si Mama.

Narinig niya yung pagtawa ko kaya niyakap niya ko. "Kuyaaaa." Back to being Lelay. "Kuya please. Alam mo ba, when tumawag si Ate Kath hindi ako pumayag na puntahan ka kasi hindi ka naman papayag. But when she said na maggi-girl bonding kami, pumayag nalang ako because I want to. Kaya please Kuya. Kuyaaaa." Talagang ginawa 'yon ni Kathryn? Hah.

"Eh di mas mabuti kung hindi ako papayag. 'Di kayo makakapag bonding." Medyo paos ang boses ko.

"Grabe Kuya, you're so mean. Sumali ka nalang sa Mean Boys."

"Ha ha."

Hinampas-hampas niya 'ko. "Kuyaaaaa, have mercy." Hinarap ko ang kapatid ko'ng mukhang flamingo ngayon. "Ayoko nga. Gusto ko si Ate Kath mo lang ang mag-aalaga sakin—"


"You're so OA. Para namang hindi tayo magkapatid. Okay lang 'yan, friend." Hinampas niya pa 'ko sa huling sinabi niya. Aba't tangina. Nagaya na si Jhaiho!

"Eh sa siya nga lang gusto ko."

"Kuya naman, lagi kang parang Tatay samin. Bawal ganito. Bawala ganyan. Bawal arte-arte. Tapos you? You're not a good example to the pipol of the Republic of the Pi-Etch!" Tamo. Dapat kasi talaga boyish to eh! Nahawaan na ng mga kabaklaan ng nanay ko!

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now