Prologue

3.4K 67 12
                                    

Prologue


"Ate! Buksan mo na yung TV, dali! Magsisimula na yung big announcement, o!" utos nito sa nakakatandang kapatid. Nakaupo ito sa maliit nilang sofa na kaharap ng TV set.

"Bakit pa ako manonood nyan kung 'di naman ako interesado dyan?" pagsusungit ni Hani.

"Kung hindi ka interesado, pwede ka namang hindi manood. Ang gusto ko lang naman ay buksan mo yung TV." At tinignan siya nito ng masama.

"Aba, kung makautos ka dyan! Sino ba ang mas matanda sa'tin? Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo!" litanya niya. Nagiging bossy na naman kasi ang kapatid niya; isa sa mga pinakaayaw niyang ugali nito bukod pa sa pagiging tamad.

"Tsk, sabi ko nga mas matanda ka ng dalawang taon." Tumayo ito at binuksan na ang TV tapos naupo ulit sa sofa.

"Kakamadali mo dyan… patalastas pa nga lang, eh," komento ulit ni Hani at dumiretso na siya kaniyang silid. "Matutulog ulit ako," sabi niya at sinarado ang pinto ng kaniyang silid.

**

EXO planet. Mukha rin siyang planet Earth. Ang pagkakaiba nga lang, mas advance ang technology rito dahil na rin sa tulong ng mga natatanging abilities ng mga mamamayan.

Limitado rin ang populasyon dito kumpara sa Earth; hindi masyadong crowded dahil may sinusunod na tamang bilang ng anak ang bawat pamilya. Marami-rami din ang mga buildings pero hindi parin naman mawawala ang mga naggagandahang puno at mga bulaklak.

Hindi rito gumagamit ng mga kotse kaya walang polusyon. Ang kanilang means of transportation? Via teleport. May nakalaan namang station kung saan pwedeng maghire ng magteteleport sayo.

At syempre ang pamahalaan. Monarkiya ang sinusunod nilang pamahalaan. Oo, gaya ng nakasanayan, pinapasa ang titulo ng hari sa kaniyang anak. Pero dahil sa nangyari dati na walang kakayahang mamuno ang prinsipe sa planeta, itinayo ang EXO Royal Academy. Dito pinag-aaral ang mga anak ng makapangyarihang angkan ng EXO. Dito sila nagiging prince o princess candidates, at sa pagtatapos ng kanilang edukasyon sa academy ay nagiging ganap na nobles at royals: prinsipe o prinsesa—na maaaring maging hari o reyna.

**

Natapos na ang patalastas at tutok na tutok na si Max—ang nakababatang kapatid ni Hani—sa panonood. Nabalitaan niya kasing may announcement ngayon ang monarkiya. Live ito galing sa palasyo kaya talaga namang inaabangan niya. Gusto niya kasing tignan ang palasyo kahit sa TV lang, alam naman kasi niyang hindi pwedeng magpunta sa palasyo ang isang ordinaryong mamamayan.

Taimtim siyang nakinig sa speech ng kasalukuyang prime minister. Kung anu-ano pa ang nabanggit sa speech nito at wala pa ang pinakahihintay niya.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng kaniyang kapatid. Nagising na pala ito. "Nakatulog na ako ng isa't kalahating oras, andyan ka parin sa harap ng TV," obserba nito.

"Hinihintay ko ang announcement," simpleng sagot niya. Tumabi sa kaniya sa sofa si Hani at sinamahan siyang manood ng TV.

"Ang tagal naman. Mga announcement talaga ng monarkiya masyadong pa-suspense. Baka iaanunsyo lang na maglalagay na ng teleport station na malapit sa'tin," sabi ni Hani na humihikab pa.

"Ewan. Feeling ko iba 'to, eh. Ayan, natapos na ang speech ng prime minister."

"Moving on… ang highlight ng conference na ito. Napagdesisyunan ng Royal Council na baguhin ang ilang house rules ng EXO Royal Academy."

Nagkatinginan sina Max at Hani. At sabay na nagsalita ng, "Babaguhin?!"

"I'm proud to say na sa taong ito ay magkakaroon ng isang transfer student ang EXO Royal Academy galing sa isa sa mga pampublikong paaralan natin."

"'Di nga?!/Sana ako yun!" sabay na komento ulit nina Hani at Max. Ibinaling ulit nila ang atensyon sa TV kung saan nakatutok parin ang camera sa prime minister.

May isang reporter naman na biglang nagtanong dito. "May napili na po ba kayong transfer student, prime minister?"

Bilang sagot ay ngumiti ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "May napili na kami… pero hindi ko sasabihin ngayon kung sino. Gusto ng Royal Council na hindi ipaalam sa media kung sino ito para protektahan ang pamilya ng napili namin. Hanggang dito na lang ang aking announcement. Magandang araw, citizens of EXO planet."

**

Pagkatapos ng anunsyo ay pinatay na agad ni Max ang TV at hindi na natahimik buong araw sa pagtatanong ng 'Sino kaya yun? Ang swerte niya!'. Sumapit na rin ang hapunan at iyon parin ang bukambibig nito.

"Sino kaya yun?" tanong nito na ikinainis na talaga ni Hani dahil ilang oras na itong pauli-ulit kakatanong.

"Hindi namin alam, Max. Paulit-ulit ka ng tanong at paulit-ulit din ako ng sagot," sabi ni Hani.

"Who knows naman, 'di ba? Malay mo, ako yun. Hahahaha!"

"Hindi ka parin pwedeng makapasok sa royal academy, Max. Sixteen ka pa lang," pahayag ng kanilang ina.

"Sayang. Pero si ate… pwede na. Eighteen naman siya, eh."

Nasamid si Hani sa sinabi nito. Siya, papasok sa royal academy? Malabo yun! Kasinglabo na makita niya ang EXO Princes sa personal. "Ano ka ba, Max! Imposible yun!" saway niya dito.

"Nothing is impossible, ate. Hindi natin alam kung sino yung napili kaya maraming possibilities…"

Yearned (EfEP #1)Where stories live. Discover now