Honolulu (Part3)

239 1 0
                                    

12:45 am

On the way to Hawaii

Makalipas ang ilang oras, nagising si Karylle mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Chi-neck niya ang relo niya at nakitang medyo matagal pa pala ang ita-travel nila. Tumingin siya sa paligid at napansing tulog ang  lahat ng mga pasahero. Isinandal niya ang ulo niya sa seat niya at napalingon sa window nang napansin niyang nakapatong ang ulo ni Vice sa balikat niya at nakayakap pa sa bewang niya. Napangiti siya dahil sa nakita at hahawakan pa sana ang kamay nito nang biglang nagsalita si Vice habang natutulog.

Vice: "AY! AY! AY! Walang ganyanan, brad! Lumayu-layo ka diyan, akin 'to. Ako nakauna dito!"

Sabay higpit ng yakap sa bewang ni Karylle.

Lumayo si Karylle ng konti at tatayo sana pero mahigpit ang yakap ni Vice at hindi siya makaalis. Nang malamang nag-sleep talk lang pala si Vice, napakagat siya sa labi at napangiti. Inilagay niya ang kanang kamay niya sa likod ni Vice at ipinatong ang ulo niya sa ulo nito.

Karylle: "Kahit sa panaginip, makulit ka paren. Ano kaya yang ayaw mong ibigay sa panaginip mo?" *smiles*

Vice: *manly voice* "Ikaw."

Nagulat si Karylle sa sinabi ni Vice. Hindi siya nakagalaw. Parang feeling niya naging bato sa tigas ang buong katawan niya. Nanatiling nakapatong ang ulo niya sa ulo ni Vice at ang kamay niya sa likod nito.

Vice: *deep voice* "Ikaw, Kurba."

Karylle: *kinakabahan na medyo ilang* "Uhm... Vice?"

Vice: *inalis ang pagkakayap sa bewang ni Karylle* "Ikaw Karylle."

Karylle: "Uh, yes Vice? Uhm... Nananaginip ka... Yata..."

Vice: *inaantok* "Hinde. Hindi ako nananaginip. Gising ako. Gising na gising."

Karylle: *inalis ang pagkakapatong ng ulo niya sa ulo ni Vice at tumingin sa mukha nito sa sobrang gulat*

Vice: *inaantok na boses* "Ikaw K, ang bigat ng ulo mo! May bukol na yata ako."

Napalayo na nang tuluyan si Karylle at kunwari ay natawa. Pero sa loob-loob niya, nahihiya siya na hindi mo maintindihan ang nararamdaman. Awkward.

Karylle: *fake laugh* "Hahahaha! Sorry! Mabigat ba? Madami kasing laman, eh. Hahahahahaha!"

Vice: "Huy, ang ingay mo. Pero mabigat nga ha, ano ba dati ka bang barbel? Haha! Sino ba laman niyan? Si Yael?"

Karylle: *smiles* "Hindi, family ko."

Vice: *lumapit kay Karylle at ipinatong ang baba sa balikat nito* "Hindi mo naiisip si Yael?"

Karylle: *kinilig sa ginawa ni Vice* "Hinde, nandyan ka naman eeeh."

Vice: *kinilig ng sobra pero hindi pinapahalata* "Hala, hala, hala ka! Ayan ka nanaman, K ah. Nato-tomboy ka nanaman!"

Karylle: "'Di naman, ang gwapo mo kasi ngayon eh. Para kang lalaki." *smiles at yakap sa kaliwang braso ni Vice*

Vice: *kinikilig* "Ay, nako Karylle tigilan mo nga ako. Masamang jino-joke ang baklang bagong-gising. Hahaha!"

Karylle: *smiles* "Pogiiiiii!"

Nagising si Teddy na nakaupo lang sa likod ng dalawa dahil sa ingay nila.

Teddy: "Huy, yung Vicerylle diyan sa Hawaii na magharutan, Magpatulog muna kayo."

Nagtinginan si Vice at Karylle at tumawa ng mahina. Makalipas ang ilan pang oras, nakarating narin sila finally sa Hawaii.

I Don't Wanna Love You But I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon