I Don't Wanna Love You But I Do (Vice Ganda Intro - Part 2)

355 3 0
                                    

*GGV*

Vice: "Naisip ko sa sarili ko. Paano kaya kung ma-develop talaga ako sayo?"

Karylle: "Naisip mo talaga yun, ah!"

Vice: "Oo, kase diba lagi tayong magkasama, nagkukulitan. Tapos may nagsabi saken

paano kapag naiwan kayo ni Karylle sa isang kwarto tapos lasing kayo pareho?"

Karylle: "Ah, kaya pala nilasing mo ako nun, ah."

Nadulas ako, shit. Sa sobrang galak, eh nasabi ko tuloy bigla kay K yung tanong ni Buern saken. Natawa nalang ako, na medyo napahiya na ewan. Pero, nilasing ko talaga siya. Ang sama ko!

*GGV*

Vice: "Nilasing mo rin naman ako nun, ah! Tapos sabi mo, "Show me what you got."

Karylle: "Kelan yun? 'Di ko matandaan."

Vice: "Nung victory party tapos sinexy dance mo pa ako."

Karylle: "Ah, oo nga. Yun totoo yun."

Yung victory party na yon! Nakakaloka. Naglasingan kame ni Kurba habang naglalaro ng "Truth" or "Shot". Sariling game namin yan, walang pakialamanan kung ayaw niyong mapektusan sa atay. Ngarag na ang Showtime family. Kami nalang ni K ang standing still. Dahil wala nang pwesto sa sala, wala nang space sa sahig at natutulog na si Vhong sa sofa, pumunta kami ni Karylle sa kwarto para doon laruin yung game namin. Walang gusto mag-truth saming dalawa. Puro shot. Sana "Shot or shot" nalang nilaro namen, lokohan ang bet?

Karylle: "Wala bang available na music dito? Nakakalungkot ang tahimik."

Vice: "Eto nalang sa cellphone ko."

Pinatugtog ko yung "Careless Whisper". Tumawa si K at naghamon ng sexy dance.

Karylle: "Ah, yan pala gusto mo ha."

Vice: "Joke lang! Inaasar lang kita."

Ililipat ko na sana sa "I'm In The House" yung music pero tinapik ni K yung kamay ko. Nalaglag sa carpet ng sahig yung cellphone ko. Nawalan na rin ako ng imik. Natulala nalang ako kay Karylle. Sine-sexy dance niya ako, oh my gosh. Lasing na lasing na yata ang Kurba. Wala na sa sarili. Dinidikit niya yung katawan niya sa akin habang kumekembot.Feeling ko stripper ang sumasayaw sakin! Parang bachelor's party ang nangyayari. Then she wrapped her hands around my neck habang nakatalikod siya and dahan-dahan siyang bumababa tapos lumusot siya sa pagitan ng slim kong legs then she hugged me from the back. Hinawakan niya ang dibdib ko pababa sa bewang at papunta sa private area ko. Pero syempre, ayokong mahawakan niya si Junjun kaya bago mangyare yon, humarap ako sa kanya. Tinignan niya ako sa mata 'ko. At para may pantapat ako sa sexing-sexy na sexy dance niya, hinawakan ko siya sa bewang at itinumba sa kama. 

Vice: "Hoy, Kurba sumosobra ka na ha. Baka gu--..."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, pinigilan niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghawak sa labi ko gamit ang pointer finger niya. 

Karylle: "Show me what you got."

Wala naman akong balak na galawin siya. Wala talaga. Ginawa ko lang yon para matigil na yung sexy dance niya. Nai-intimidate na kase ang beki, hindi ko na keribels. Pero lasing na talaga 'tong babae na 'to kaya inintindi ko nalang. Nakatulog na rin siya agad pagkasabi niya ng fierce na fierce na "Show me what you got."

*GGV*

Vice: "Pero ito ha. Ayoko kayong lokohin lahat kase bakla naman ako. Pero... bakla ako pero

mahal ko si Karylle. 'Di naman kailangan maging girlfriend mo ang isang tao para ipakita mo ang

pagmamahal mo. 'Di naman kailangan ikasal at magtalik..."

Karylle: "Oo naman."

I like K so much. Pero tama naman ako, ah. Hangga't maaga, putulin ko na. Alam ko naman kasi sa sarili ko na bakla talaga ako at hindi mawawala sa tulad ko ang ma-attract sa mga kalalakihan. Ayokong mahulog kay Karylle dahil natatakot ako na baka masaktan ko siya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magagawa ko sa kanya yon. Kaya hangga't hindi pa lumalala ang lahat, hangga't sikreto ko palang ito, maganda nang linawin ko sa sarili ko na dapat itigil ko na ang kahibangan ko. Hay, Kurba... Maka-vorlog na nga.

-to be continued

I Don't Wanna Love You But I DoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang