"Psh. Edi wag kang bumili. Problema ba yon?" tanong ko.

"Hayyy.. halika na nga" nalulumbay na sabi niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang bigla naming nakasalubong sina Grey. Remember him?

"Babes ko!" bati niya sa akin.

Bigla akong napangiti ng nakita siya. Last time na nakita ko siya ay yung time na....magkasama kami ni King.

"Hi babes!" Sorry. Nakasanayan na namin ang tawagan namin eh, hehe.

"Anong ginagawa mo dito? Si Pare, kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Naga-ala solo fighter ngayon. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong naman nya sa akin.

"Uhm, hello. Andito rin kami?" sabat ni Riley sa usapan namin kaso hindi siya pinansin ni Grey.

"Nakipaglaban kami... nabisita mo na ba yung website ng gangste--"

"Oo. Nakita ko na. Akala ko kasi..fake yun. Di ko akalaing totoo nga. So..uhm..."

"HOY KOLAY ABO. LINTEK KA, BAT MO KO INIWAN!!!"

Biglang sumulpot ang isang babae na biglang hinampas-hampas si Grey. "A-aray ko naman! Isa pang hampas mo, susuntukin na kita!" banta ni Grey.

"ANONG SABI MO ABO?! EH KUNG GINAWA KITANG ABO DIYAN?!" sigaw ng babae.

"Eh-ehehe.. joke lang. Sorry na, nakita ko lang kasi si babes k--"

"SINO KAMO?!"

"Sabi ko si First!" Biglang natigilan yung babae at napatingin sa amin. Nanlaki ang mata niya nung nakita niya kami.

"F-first? Yung Q-queen?" pautal-utal niya pang sabi.

Ngumiti ako sa kanya at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. "Hi. Janine Park nga pala" pagpapakilala ko.

Sa totoo lang, ang tagal ko ng gustong alamin kung sino itong babaeng to na malakas ang loob na sigaw-sigawan etong si Grey eh. Aba, first time!

"Ahm, Nicole Anne Asher. Nice to meet you Queen" sabi niya at nakipag-shake hands sa akin.

"Mag-ano nga pala kayo ng babes ko?" tanong ko.

Mukha siyang nagulat ng narinig ang tinanong ko. "Ah..hehe. Sorry, tawagan kasi namin yun eh. Nasanay lang" sabi ko.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Där berättelser lever. Upptäck nu