Di Na Mababawi

1.4K 32 39
                                    

A/N: This story is highly protected by the Author. Plagiarism is a crime.

~

Di Na Mababawi

"Hindi na kita mahal. Patawarin mo ko, hanggang dito nalang tayo."

Ang mga salitang nagpabago sa buhay ko.

Ang mga salitang hinding-hindi malilimutan ng puso ko.

At higit sa lahat,

Ang mga salitang nagbigay tuldok sa aking mga "baka sakali" at "sana".

"Bakit ko ba yun inaalala?" Umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Ako nga pala si Eugene Uy. Isang lalaking patuloy na binabangungot ng nakaraan. Ang nakaraan na kung saan may mga bagay na nangyari na hindi ko pa din matanggap-tanggap hanggang ngayon at patuloy pa din bumabagabag sa puso't-isipan ko. Lalaking abno ako. Oo, abno. Sabi nila yun eh, Ang manhid ko daw kasi. Pero hindi ko pa rin talaga alam kung paano nagkaroon ng konekta ang pagiging manhid sa pagiging abno.

Gabi na at sobrang lamig na ng hangin na nanggaling sa terasa ng aking kwarto pero ito pa din ako ngayon, nagkukulong, nakaupo at nagsusulat. Napatingin ako sa gilid ng papel na sinusulatan ko.

July 24, 2012. May petsa kasi eh, bigla lang din napukaw yung mga mata ko. Akalain mo nga naman mag-iisang taon na din pala. Di ko man lang napapansin. Tanda lang na hindi pa rin talaga ako nakakausad kahit napaka-daming oras, araw, lingo at mga buwan na ang lumipas.

Hindi ko alam, kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang makalimutan at ang mga salitang binitawan niya na labis nalang talaga akong nasaktan. Sabi nila, 'It's always better to accept the fact that you are not appreciated, than to insist yourself to someone who never sees your worth.' Ewan ko ba. Bakit hanggang ngayon, ikaw pa din. Pwede na akong mag-alyas ng 'Mister Dakila'─ dakila sa ka-bobohan at ka-tangahan.

"Hoy Eugene!"

"Ay, mahal pa din kita Rain!" Automatic na napatakip ako sa bunganga ko. At para ba akong binuhusan ng mainit na tubig dahil bigla na lamang ako nakapagbanggit ng di kaaya-aya na mga salita.

"Wow naman, pare! May effects ka pang 'Ay, mahal pa din kita Rain'?" Sabay gaya nitong lalaki na 'to sa boses ko. Kinutusan ko nga ng malakas sa ulo.

"May pagka-luwag talaga yang tornilyo ng utak mo, Andrei 'no? Sino kayang halimaw na bigla-bigla nalang susulpot at manggugulat? Kitang may ginagawa yung tao eh." Pa-bagot na sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Inikot ko ang upuan ko at humarap ulit sa munting kwaderno na sinusulatan ko.

"Sus, iniisip mo na naman si Rain eh! Kunwari ka pa!" Pang-aasar sa akin ng mokong na 'to habang umupo siya sa kama kong puno ng kinusot na papel. Nanahimik nalang ako baka sakaling hindi na rin magsalita 'to. Atsaka, medyo totoo naman. Hindi pala medyo, totoo naman talaga.

"Tsktsk. Pare, talaga. Isang taon na, ay isang taon na ba?" Pagtatanong niya na akala mo naman talaga ay may pakealam sa akin. Di hamak na wala naman 'tong ginawa kundi sabihan ako ng mga ka-gaguhan eh.

"Bukas pa." Pag-sagot ko naman sa tanong niya. Di kasi talaga 'to titigil kung di niya nasisira araw ko.

"Aba! Iba 'to! Alam na alam!" Pang-aasar na sabi sa akin ni Andrei. Napa-buntong hininga nalang ako at napakamot sa ulo. Paano ko ba naman kasi makakalimutan 'yon? Wala eh. Yun yung araw na pinagbagsakan ako ng langit at lupa, siguro pwede na rin isama yung purgatoryo. Hindi ko talaga lubusang maisip kung bakit nagawa niya sa akin yon.

Di Na MababawiWhere stories live. Discover now