Nagtawanan lang kami. And gumalaw kusa ang katawan ko at niyakap siya, "Thank you Miles for always being there for me." Sincere ako sa sinabi ko. Even though na 'mabait' ako, she never take me for granted.
"Pakyu too" ganda ng sagot no? Sinabunutan ko lang ang bruha.
"Na-uuhaw ako. Kuha lang ako ng tubig sa labas." paalam ko.
"Sama!" nagsuot lang kami ng slippers and lumabas na. Pansin ko ang tahimik yata ng bahay compared kanina. Nakaalis na kaya si Chase?
I don't know kung bakit ganito ang feeling ko. Parang ayaw kong mawala siya sa paningin ko. Attracted lang ako sa kanya. That's all period.
"Ya, nakaalis na po ba yung bisita?" tanong ko dun sa katulong na naglilinis ng sala.
"Opo ma'am! Kanina pa po." umalis siya ng di nagpapaalam sakin? Napaka-ungentleman talaga ng lalaking yun.
Nagtungo kami sa kusina. Habang kumukuha kami ng tubig napadaan si Stephanie. Great timing.
"Ma!" tawag ko. Napahinto naman siya, "Bakit anak?"
"San po ang address ni Villafuente? May nakalimutan akong ibigay sa kanya." napa-isip naman siya sa sinabi ko. Sana kumagat ka.
"Ah ano bang ibibigay mo?"
"It's a father-daughter thing." yan nalang na-isagot ko. Na-uubusan na ko ng pang cheat sa exam eh. Haha.
Kumuha siya ng papel at sinulat yung address. Then inabot niya sa'kin, "Gusto mo samahan na kita? Baka kung mapano ka sa daan." Sus, palusot niya. Kung alam ko lang gusto niya lang makita si Chase.
"No thanks ma. Like what I said, it's a father-daughter thing." lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya, "I'm so glad na mabubuo na din ang pamilya natin. Pero ma, are you sure na si Mr. Villafuente na ang gusto mo? Pano kung niloloko ka la--"
She cut me off, "Alam mo anak, sa tagal ng pagsasama namin ni Chase. Never niya kong binigyan ng dahilan para pagdudahan siya. Malaki ang tiwala ko kay Chase na hindi niya ko sasaktan dahil mahal niya ko at mahal ko siya."
Sana nga lang hindi siya masaktan sa desisyon niyang yan. Sa dinami daming lalaki sa mundo bat sa iisang lalaki pa kami na-attract? Sheet.
"Hindi porke't matagal mo ng kasama ang isang tao. Kilalang kilala mo na siya. Minsan yun pang akala mong hindi ka kayang saktan, yun pa ang makakasakit sa'yo ng sobra." I said to her with a blank expression.
Hindi na si Chase ang tinutukoy ko. I was pertaining to myself. I just want to warn her. Katahimikan ang sumakop sa aming dalawa.
"Ehem! E-Ehem! Eheeeem!" nag-ubu ubuhan si Miles to break out the silence.
"Grabeng ubo yan. May tb ka na ata eh. Pa-check up ka na." pang-aasar ko kay Miles. "OA ka gurl" maarteng sabi niya. Idol niyan si Kris Aquino eh.
"Sige na ma, I will go na. Bago pa magdilim sa daan." then nakipagbeso beso ako sa kanya.
After that nagpa-drive ako sa driver papuntang bahay ni Chase. Hindi naman kalayuan ang bahay niya samin. Paglabas mo ng subdivision konting drive lang andun ka na. Kaya nakarating kami kaagad.
xx
"Kuya Driver, pasabi kay Mom na kina Janella ako matutulog. Umuwi ka na, ayos na ko dito" sinara ko yung door. And nag drive na palayo yung driver.
This is it. Mukhang ito na yung bahay niya. Naandun kasi sa labas si Chase eh, malamang sa kanila to. May kasama siyang guy na mukhang tatay niya. And hindi naman sa chismosa, narinig ko ng konti yung pag-uusap nila. Tinawag ni Chase yung lalaki na "daddy"
"Oh iha. May kailangan ka?" sabi nung Tatay ni Chase. Lumapit kasi ako ng bahagya at nakita niya ko.
Lumingon naman si Villafuente sakin at nanlaki yung mata niya. "A-A-Anung.."
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya "Hello po daddy ni Chase! Ako po yung girlfriend niya!"
Sheet, nakakahiya ka Stella! Gora tutal makapal na ang mukha mo. Mas kapalan mo pa!
"G-Girlfriend?" Tanong ni Chase na mukhang gulat na gulat sa sinabi ko. Ngumiti ulit ako, yung mapang asar na ngiti. Haha. "Yes, ako lang naman po ang nag-iisang magandang girlfriend ni Chase."
Napatawa yung daddy ni Chase sa'min. "Ganun ba iha? Ikinagagalak kitang makilala. Alam mo bang palagi kang na-ikukwento samin ni Chase? Mahal na mahal ka nitong anak ko. So you must be Stephanie, right?"
Nawala ng bahagya yung ngiti sa labi ko. "O-Opo.. Ako nga po yun. S-Stephanie.. Soon to be Villafuente." Shems! Bat ako nagkakaganto. Natural si Stephanie ang kilala nila, siya naman talaga ang girlfriend eh. HAYY Kaya ko to! Someday ako na ang papalit! Haha.
"Nakakatuwa ka naman iha. Nakapag meryienda ka na ba?" nagliwanag naman ang mundo ko sa tanong ng daddy ni Chase. "Hindi pa po eh. Gutom na nga po ako! Pwede po bang pakain sa loob ng bahay niyo?"
Wait, parang ang pangit lang ng pagkaka-sabi ko nun. Parang patay gutom lang ang dating. =___=
Pero ayos lang, atleast ngayon ma-uungusan ko na si Stephanie. Siya man ang unang nakakilala kay Chase ako naman unang makakapasok sa bahay niya. Haha.
"Halika iha. Dito ka na din maghapunan." pag yaya ni Daddy ni Chase. "Oo naman po! Pagkain na ang pinag-uusapan, di na ko makakatanggi diyan!" nagtawanan lang kami ni Daddy ni Chase. Habang si Chase poker face pa din.
Pumasok na kami sa loob. At grabe ang laki ng bahay nila! Mas mayaman pa yata tong si Chase samin.
So I guess, mag-sstay ako ng isang gabi dito. I'll do my first move na.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Lie With Me (On-going/Editing)
Ficção GeralSi Stella Venice ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Mayaman, humihiga sa pera— pero nararanasan din niya ang karaniwang problema ng mga anak mayaman. Salat siya sa atensiyon, at iyon lang ang tangi niyang hinahangad. Dun niya nalaman kung p...
Lie 3
Começar do início
