"Wala naman akong ma-kukwento. Boring ang buhay ko." I said then binuhay ko yung tv. Humiga naman si Miles sa tabi ko.
"Anung boring? Eh as I can see kanina, you're having FUN there. Anu ba kasi yun gurl!!!!" pangungulit sakin ni Miles. May kasama pa yung alog.
Hindi ko lang siya sinagot kaya mas lalo niya kong kinulit. "I know may something kayo ni Tito Chase. I smell something Aryana! Now tell me na!!" Shemay! Kung di ko lang talaga kaibigan tong babaeng to baka nasapak ko na to kanina pa. As in kanina pa talaga simula nung tinutukso niya si Stephanie at Chase bilang hottest teen love team 'daw'.
"Hoy anu na gurl!! Pipi ka ba? Bat ayaw mong magsalita!"
"I like him" matigas kong sabi habang nakatingin lang sa tv.
"What?! Are you for real?" gulat na gulat siya. Sabagay ka-gulat gulat naman talaga lalo na't boyfriend ni mommy ang gusto ko.
Ni-lingon ko siya and I flashed an evil smile, "Yes Miles. You heard it right. I like him. And I will do everything just to get him. Dahil lahat ng gusto ko, makukuha ko."
"I don't like your idea." first time mag seryoso ng bruha. Concern na concern lang?
"I didn't ask na magustuhan mo ang idea ko. Ang sakin lang wag ka nalang maki-alam. Besides, we're just having fun." I said and balik ako sa panonood ng tv.
Bumuntong hininga lang siya, "Hindi ba ikaw na ang nagsabi sakin na hindi tamang pinaglalaruan ang feelings ng isang tao? Kasi pag love na ang gumanti doble ang sakit na ganti nito."
"Wala naman akong pinaglalaruan dito. I just want him. And wala akong planong sirain ang pamilyang to. Kaya nga secret affair diba?"
"Mag-ingat ka. Baka ikaw din ang mahulog sa sarili mong patibong." nag-aalalang sagot ni Miles. Hindi ko masisisi ang bruha, mula pagkabata kami na ang bestfriends. Siya lagi ang nagtatanggol sakin. Kaya parang kapatid ko na din yan. And na-attach na din siya kay Mom. Tinuturing niya din siya bilang nanay at barkada.
"Iba ang like sa love. There's no way that I will fall for that guy. At wala akong planong kainin lahat ng sinabi ko. Don't worry Miles. Malaki na ko, I know what I'm doing. I can handle myself na."
"Gurl, siguraduhin mo lang na hindi ka ma-iinlove ha? Pag nagkataon ikaw lang din masasaktan. I can see kasi na mahal talaga nila ang isa't isa. At hindi na fun kung iwan ka na ni Tito Chase at piliin si Tita."
"Whatever Miles. Dami mong alam." dahil dun binato niya ko ng unan. Napatitig ako sa kanya then yung tingin niya parang naghahamon.
Bring it on!
Ilang saglit pa'y makikita mo sa ere ang flying pillows. Walanjo, halimaw tong babae na to.
YOU ARE READING
Lie With Me (On-going/Editing)
General FictionSi Stella Venice ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Mayaman, humihiga sa pera— pero nararanasan din niya ang karaniwang problema ng mga anak mayaman. Salat siya sa atensiyon, at iyon lang ang tangi niyang hinahangad. Dun niya nalaman kung p...
Lie 3
Start from the beginning
