Chapter I

1 1 0
                                    

Mali ba mag-asam ng ibang bagay..?

Mali bang isipin na may bagay na nakalaan para sayo?

Na para lang talaga sayo?

Yung may magmamahal sa'yo? Ikaw lang. At siya.

"Against the world na naman ang drama mo dyan ano?!" Putol sa litanya ko ng best friend kong si Happy.

Sinamaan ko sya agad ng tingin, "Alam mo ikaw... Imbes na suportahan mo ko, lagi mo na lang pinuputol ang mga pangarap ko."

"Pinuputol ko para gumawa ka na ng paraan. Di gaya nyang nagsasalita ka lang mag-isa, para kang tanga. Ten minutes na lang, office hours na ulit. Kung tapos ka na kumain. Mag tooth brush na tayo."

Padabog akong kinuha ang mga pinagkainan ko sa table nya sabay balot ng mga plastic ng ulam sa scratch papers then shinoot sa basurahan. Three points.

"Alam mo ikaw, ang tamad mo talaga. Pwede namang itapon ng maayos ang basura, ginawa mo namang bola.", pagrereklamo niya.

"Happy, wag ka ngang choosy. Yung basura nga di nagreklamo na ginawa ko syang bola eh. Saka na-shoot naman ah. Di ako nagkalat. Saka alam mo, panira ka talaga. Dapat ang pangalan mo, Demise eh hindi Happy."

Nilakihan nya ako ng mata pero tinirikan ko lang sya ng mata sabay alis sa puwesto nya para kunin ang pouch ko kung nasan ang toothbrush at ang aking mga pampaganda kit. Pagkakuha, diretso na kong naglakad papunta sa pinakamalayong CR mula sa office area namin. Siyempre, para makagamit kami. May malapit nga na CR, puno naman. Makakagamit ka ng lababo, 25 minutes after one. Eh di parang ganun din.

Di ko na hinintay si Happy, alam naman nun na nauna na kong maglakad. Mag-a-out pa kasi yun. Paliko na ko sa susunod na pasilyo nang batiin ako ni Manong guard.

"Hi, Ma'am Single." Ngumiti lang ako.

Hindi niya ako inaasar dahil wala akong boyfriend.

Wag nyo kong kaawaan, hindi kayo ang Lumikha ng everything. Single is my name. Yeah, nakakatawa lang ang pangalan naming magkaibigan no? Pero ganun talaga.

Parating na ako sa comfort room nung maabutan ako ni Happy. "Girl, alam mo. Nagkita kami ni Manuel."

"Tapos?" Sabay na kaming naglalakad ngayon. Lumiko ulit kami.

"Sabi niya, samahan daw kita. Mukha ka daw malungkot."

"Bakit naman ako malulungkot?" Takang tanong ko. Nakarating na kami sa CR. Yes, konti lang tao. Agad ko nang nilabas ang toothbrush ko.

Naglagay ng toothpaste si Happy, "Kasi mag-isa ka daw."

"Eh gago pala sya eh." Inis na sabi ko.

Bwisit talaga yung si Manuel, palibhasa may girlfriend kaya kung makalait sa amin eh kala mo kami na ang nakakaawang nilalang sa lahat. Akala nya... Wala kayang forever!

*************************

Maaga akong umuwi ngayon. Sharp 5pm. Masama kasi pakiramdam ko. Feeling na-overload ako sa free sabaw ni Manang kanina. Sumakay agad ako ng bus. Nasusuka na talaga ako but I must endure.

Solo ko ang three seater na upuan. Mabuti naman. Feel na feel ko ang maduming hanging humahampas sa mukha ko nung biglang may umupo sa tabi ko. Mag-jowa.

Imbiyerna na ko.

"Honey, san mo ko dadalhin sa 14?" narining kong bulong ni girl sa jowakis nya.

"San mo ba gusto?" Masuyong sabi naman ng lalaki.

Tunguna. Yung totoo?! Nagbubulungan ba ang tawag dyan? Eh rinig na rinig ko silang dalawa.

"Sa park kaya." Sagot ni girl.

"Luneta?"

Cheap naman.

"Eh kasi dun tayo nag-celebrate ng first anniversary natin."

Napataas ang isang kilay ko. Nakakailang anniversary na ba tong mga to?

"Sige, honey. Malakas ka sa akin eh." Payag ni boy. Bigla namang tili na matinis ni girl. Natuwa sa sinabi ng boyfriend nya.

"I love you, honey." At doon na talaga lumabas ang nagbabadya kong suka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For SingleWhere stories live. Discover now