"Mama, Bakit pinahinto niyo po ako ngayong college?" Hindi ko kasi maintindihan bakit ngayong mag cocollege pa ako pinahinto, ngayon pa na mag 18 na ako. Doon pa naman madaming party, gala at inuman. Hayyyssst bakit ba kasi.
"Maiintindihan mo rin anak at wag mo nga ako sinisigawan. Para sa iyo ito at walang kahit anong libro ang pwede mong hawakan. Binabalaan kita anak" sabi ni mama na galit na galit
"Bakit pati naman libro ma, alam mo naman na iyon ang pastime ko diba. Ano ba ma? Andami niyong alam sa buhay problemahin niyo nalang problema niyo." Para naman kasing napaka irrational nung mga pangyayari bakit ba naman kasi ganun di man lang ako bigyan ng explanation dun sa mga sinasabi niya ngayon.
Sinampal niya ako ng malakas. Di nag sync in sakin yung ginawa ni mama.
"Nathan Summer, Umakyat ka sa kwarto mo. Napaka bastos mo na. Para sayo ito anak. Para sa iyo ito. " Tumutulo na ang luha niya.
Ako naman ito umakyat agad dahil alam ko kahit papano may kasalanan parin ako bakit ko siya sinagot at bakit di ko man inintindi yung side niya.
Pagbukas ko nung pinto parang walang laman yung kwarto ko.
Lalo akong naguluhan bakit ginagawa ito nila mama di ba nila alam na napaka halaga sakin ng mga libro na iyon.
Nahiga nalang ako at natulog baka kasi panaginip lang lahat ng iyon. Sana nga panaginip lang lahat ng ito.
Pag gising ko ng 3 pm ganun pa rin at lalo akong nagalit kari mama para kasi silang may itinatago sa akin parang gusto nila akong ikulong.
Bumababa ako para kausapin ko naman si papa at para sa kanya naman magtanong kung ano ba talaga ang nagyayari.
"Pa, Paexplain naman po sakin lahat ng ito para di po ako naguguluhan ngayon. Ano po ba ang nangyayari?" Di ko kasi sila magets. Ano ba talaga gusto nilang mangyari sakin.
"Nathan para sa iyo ito. Bukas na bukas may susundo sa iyo ini enroll ka na namin ni mama mo sa college." Ang gulo talaga nila ngayong araw na ito ano ba talaga ang nangyayari bakit sabi ni mama kanina hindi ako magcocollege bakit ngayon magcocollege daw ako
"Papa ano po ba talaga ang nangyayari?"
"Wala nang tanong tanong pa anak basta lahat ng ito para sa iyo. Mamimiss kita anak doon ka nga pala ng buong taon" Sabay yakap sakin ni papa sabay yakap sakin. Lalo tuloy ako nagduda kung ano ba talaga ang nangyayari.
Kumain nalang ako kasabay nila ng walang imik at salita. At umakyat sa kwarto ko para matulog at nakatulog naman ako ulit agad.
YOU ARE READING
Power Inside
Teen FictionThis Story is not what you expect it to be. Hindi ito normal na kwento na makikita mo sa tabi tabi. Kailangan niyo lang pakingan lahat ng sasabihin ko.
