Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion

Magsimula sa umpisa
                                    

“Aray!!! Ikaw ang may kasalanan!! kung hindi mo inaagaw sa akin!!! Edi sana nakain na natin!!”

Lumuhod ako kung saan sila nagtatago. “Amm… pwede bang tulungan niyo ko?” Alam ko… pag may nakakita sa akin, sasabihan nila akong siraulo.

Ikaw ba naman makipagusap sa daga.

“Uy, tulong daw.”

“Sira! Hindi tayo kausap niyan. Nababaliw na yan kung ganon.”

“Hindi pa ako nababaliw.” Sabi ko sa kanila.

“Oh! tamo! hindi daw… Ano!!?” Bigla silang tumahimik pero alam kong nagbubulungan sila.

“Ibibigay ko ito sa inyo. Just help me out.”

Ilang segundo ang lumipas, nakikita ko na ang kanilang buntot. Unang lumabas yung medyo chubby sumunod naman yung katamtaman ang laki.

Nakikita ko na naiilang sila sa akin, kahit ako ganun din sa kanila pero kailangan ko talaga itong gawin.

Medyo takot ako sa mga daga, naiinis din dahil isa sila sa peste sa mundo ng mga tao. Madalas na nangaagaw ng pagkaen at ang malala naninira pa ng gamit.

Pero hindi ko ngayon lubos maisip na sa kanila pa ako hihingi ng tulong.

“Hindi ka takot sa amin?” tanong ng matabang daga sa akin.

Umiling ako sa kanya.

“Yung iba kasi kapag nakikita kami ang sinasabi AHHH!!! DAGA!! DAGA!! PAALISIN MO!!” take note with action pa yun… bigla siyang sumimangot “Ganun ba kami kapanget para katakutan niyo at tabuyin.”      

“Ayaw niyo yon? Kayo nga ang pangalawang sikat at tinitilian ng mga babae. Daig niyo pa ang sikat na artista.” Ang nangunguna kasi sa listahan ay ang ipis kaya pangalawa lang sila.

Napangiwi yung isang daga. “Hay!! itigil na ang kalokohang ito. Ano ba gagawin namin?” sabay kamot ng paa niya sa kanyang tenga.

“Ikinulong ako dito. Tulungan niyo kong makaalis dito.” Pakiusap ko sa kanila.

Nagkatinginan yung dalawang daga. “Yun lang pala.” Hindi pala mahirap pakiusapan ang mga ito. Agad silang pumunta sa pinto at ilang sandali lang bumukas na ang pinto.

Laking tuwa akong sumalubong sa kanila. “Maraming salamat talaga.”

“Akin na! akin na!” sabi ng mataba.

Siniko naman siya ng isang daga. “Akin dapat! Ako napakahirap ng buksan yung pinto.”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon