Kabanata 1

31.7K 489 21
                                    


Kabanata 1

Maria Montedelarama


"Surround yourself with a person who doesn't just look at you—but actually see you."

Nakatunganga lang ako sa matandang speaker namin sa harapan. "That is why we encourage every teacher in this world to see their students as what they could be rather than looking for who they should be."

Napatango ako sa kanyang sinabi. Akala ko mabobored lang ako sa seminar na ito, hindi pala. Bawat salitang kanilang binibitiwan ay may hugot na magpapanatili sa iyo na makinig. Noon, pumupunta lang ako sa seminar para sa snacks. Ngayon ay mag-iiba na ang pananaw ko. Kung sana ganito lahat ng aming seminar ay noon ko pa sana na appreciate ang mga ganito.

"Snacks are given once you passed the exit area. Thank you all for coming and hope you learn something today. May God bless you all."

Nagpasalamat ako sa aming president nang mabigyan na niya ako ng snacks. Sandwich ito at may del monte pineapple juice.

"See you guys sa pasokan! Good luck sa atin. Isang taon na lang!" ani Monique na siyang pinakamaingay sa lahat kong kaklase.

Yeah... isang taon na lang.
Agad kong pinara ang kadadaan lang na jeepney. Huminto ito sa aking harapan at sumakay ako. Medyo punuan na kaya hindi ako nakaupo ng maayos.

"Saglit lang Ma'am. May bababa naman po sa unahan at makakaupo din kayo ng maayos." Ani ng konduktor sa akin. Tinanguan ko siya at napatingin sa aking katabi na siyang galaw nang galaw. May anak siyang dinadala at panay ang iyak nito. Napangiwi ako.

"You want some?" tanong ko sa bata sabay lahad sa kanya sa sandwich. Tumahimik siya at tumingin sa aking hinawakan.

"Ay naku Ma'am, huwag na po." Singit ng kanyang ina.

"No, it's okay. Here." Agad namang tinanggap ng bata ang pagkain. Tumahimik ito at buong puso akong nagpasalamat. May babaeng bumaba sa aking unahan kaya napaupo na ako ng maayos. Dahil medyo ilang minuto pa ang aabutin ko bago ako makarating sa subdibisyon, ipinikit ko na lang ang aking mata at umidlip.


"Maria!" sigaw sa akin ni nanay nang makita niya ako sa pintuan. "Kamusta ang inyong seminar?" nakangiting tanong niya.

"It's fine. Masarap ang snacks." Biro ko sa kanya.

"Naku! Hindi ka na talaga nagbago bata ka."

"Joke lang po. Maganda po nay. I like the speaker, mahugot." Sabi ko at hinalikan siya sa kanyang noo.

"Mabuti naman. O, anong gusto mong ulam ngayon?"

"Kahit ano na lang po." Tipid kong sagot at sumalampak agad sa sofa. Napatingin ako sa malaking picture frame sa aking harapan at bumuntong hininga.

"Ay tama. Pwedeng mo bang puntahan si Mrs. Marites, anak? Iyang bahay sa ating harapan. May ulam nga pala siyang ibibigay sa atin dahil birthday daw ng kanyang apo kanina at wala silang bisita."

Napasimangot ako. "Nay, may pera pa tayo di ba?"

"Meron, bakit?"

"Bakit tayo nanghihingi?"

"Hindi tayo nanghingi anak, ibibigay iyon sa atin. Masama pa namang tanggihan ang grasya. Sige na baka kanina pa iyon naghihintay. Ihahanda ko lang  ang kanin."

Kahit labag sa aking puso ay napatayo na lang ako.


Nag doorbell ako ng dalawang beses bago tumunog ang intercom sa gilid ko.

"Sino ito?" I bet that's Mrs. Marites.

"Maria po." Sagot ko sa intercom.

"Hello dear, wait lang. Pupuntahan kita diyan."

Hindi na ako sumagot pa. Dumistansya ako sa kanilang malaking gate at humarap sa daan.

May bolang tumama sa aking paa kaya agad ko itong pinunot at hinanap ang pinanggalingan nito. Nakita ko ang dalawang lalaki na ang isa ay nakakamot sa kanyang ulo habang papalapit sa akin. "Sorry miss." Aniya. "My bad."

Napatingin ako sa kanyang mukha. Familiar. I think schoolmate ko ata ito? I'm not sure. Parang varsity? 

"It's okay." Sagot ko sabay bigay sa kanya ng bola.

"France. I'm France."

Naguluhan ako sa pagpapakilala niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala." Nahihiyang sabi niya bago umalis sa aking harapan. Anong nangyari sa lalaking iyon? May mali ba sa ginawa ko?

Nagkibit balikat na lang ako at napatingin sa bahay ni Mrs. Marites dahil sa pagtunog ng kanilang gate.

Lumabas dito ang lalaking matangkad na may hawak na plato na may lamang ulam. Tumigil siya at tumingin sa akin. Nahanap niya ang mata ko kaya natigilan ako.

"Hi Maria. Ito. Sabihin mo sa nanay mo ha na may meeting ang home owners bukas ng hapon." Nagising ako st napatingin kay Mrs. Marites sa tabi ng lalaki.

Kinuha ko ang inilahad niyang plato na may lamang pagkain katulad ng dala ng lalaki.

"Sige po Mrs. Marites. Salamat sa pagkain." Magalang kong sagot.

"Walang anuman. Sige na."

Tumango ako't tumalikod. Sumabay ang lalaki sa akin kaya nilingon ko siya at tumigil ako sa paglalakad. Nagpatuloy siya sa paglakad at naningkit ang mata ko. Isa lang ang alam kong anak ni Mrs. Marites at babae pa. Baka kapitbahay din namin iyon at binigyan din ng ulam. Tama.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa aking narealize. 

.


Maria Montedelarama (MUST Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora