"Lelay, alas 9 na, matulog ka na." Baling ko sakanya at hinila patayo si Kath. Hinawakan ko ng mahigpit kamay niya. "Nood na kami."

"Ate Kaaaaath!!" Binitawan naman agad ni Kath yung kamay ko at kinausap si Lelay. Mabuti nga't pumayag na. Sinabihan kasi ni Kath na magba-bonding daw sila next week. Tapos hindi daw ako kasama. Nagliwanag naman agad ang pagmumukha ng kapatid ko. Si Magui rin todo ngiti nung hindi ako sasama. Mga loko to ah.

Paglabas namin ng kwarto, dumiretso na kami sa kwarto ni JC. Doon kasi kami nanonood ng movie.

"BUBUUUUT!" Napa-baba ang dalawang balikat ko. Nakalimutan ko'ng may Jordan pala. Dapat dinala ko nalang to sa kwarto para wala akong kaagaw!

Tuwang-tuwa naman si Jordan ng makita Ninang niya. Sumalampak agad si Kath sa tabi nila Tita Anna. "I missed youuuu!!" Sabay hug at kiss sakanya. Tumabi ako sakanila. Ayan na. Hindi na ko papansinin niyan.

"Hi Kath." Bati sakanya ni JC na ngayoy hawak hawak ang cellphone niya. Katext na naman si girlfriend niya. Ano pa nga pangalan non?

"Hi Jace. Ano yan? Ah, seventh son." Yakap-yakap habang kandong niya si Jordan. Wala ako dito no. Wala. Wala talaga.

Sumandal si Jordan sakanya. Ibig sabihin magkaharap sila. Nakasandal yung ulo niya sa dibdib ni Kath habang binitawan yung lagayan ng milk niya.

"Dede," nagsitawanan naman silang lahat—maliban sakin.

"Tita, tanggalin mo nga 'yan. Anong dede, Bubut! Alis." Ako na sana magaalis sakanya kay Kath eh mas niyakap nila pareho ang isa't-isa. Aba, mahusay!

"Dedeeee" sabi pa ni Jordan.

Itong girlfriend ko naman, tawa ng tawa! Ako lang pwede dumede sayo, kagatin kita jan eh.

"Baby, ala pang laman yung akin eh." Natatawang sabi ni Kathryn kay Jordan. Tumingala lang si Jordan sakanya at tumitig.

"Sa susunod na baby, ha?" Sabi pa niya. Sila Jc at Tita naman tawa lang ng tawa. "Lagi ka magde-dede kay Ninang, okayyyy?"

"Bal, ibigay mo na 'yan kay Tita Anna." Seryoso ko'ng sabi. Tss. Anong sa susunod? Wala. Walang sa susunod. Ang OA man pakinggan pero kahit bata pa si Jordan at alam kong di makakadede yan kay Kath basta just the thought of may ganon ganon ayoko. Ayoko talaga! Paano pa kaya kung talaga sh-t, paano kung magkaroon na ng asawa si Kath tapos hindi ako 'yon?? Tapos hahalikan na siya at literal na gagawa non sakanya. Tapos sh-t, ayoko. Putangina talaga, mababaliw ako!

"Bal, anong iniisip mo?" Nabalik ako sa katinuan ng tapikin ako ni Kathryn.

"Wala" sumama na naman ang tingin ko sakanya. Kandong-kandong parin kasi si Jordan! Kainis! Sumandal nalang ako tapos tinuon ang tingin ko sa tv.

Eh di pala dapat natulog nalang ako no? Hindi nalang ako nag-expect na ako agad yung pupuntahan niya... nakakainis lang kasi. Minsan na nga lang kami magkaroon ng free day magiging ganito pa. Nasa iba yung atensyon niya, iba yung niyayakap niya.

Tumayo ako. "Tulog na 'ko." Nakakawalang gana. Tangina. Napahinto naman sa paguusap si Tita tsaka si Kath. Si Jc rin na tumatawa kanina napahinto rin. Kilala nila ako. Alam nila kung badtrip na 'ko. Padabog na lumabas ako ng kwarto ni JC. Pumunta nalang ako sa kwarto ko, matutulog nalang ako. Mas mabuti pa siguro. Wala namang pake sakin si Kathryn eh.

Sinirado ko yung pinto. Ilo-lock ko ba? Edi ilock.

Loko lang. Alam ko'ng susundan ako nun eh.



TURNING PAGESWhere stories live. Discover now