"Ano ba kasing ginagawa mo dito? At papa'no ka nakapasok?" tanong ko sa kanya bago ibaba yung gamit ko.

"Sa unang tanong mo, hinintay kita dahil gusto kong sabay tayong magdinner tulad ng sinabi mo kanina. At yung pangalawa, nabanggit mo sa akin kung saan nakalagay yung duplicate key mo kaya yun, nakapasok ako. May iba ka pa bang katanungan?" nakangiting sabi nya.

"Tapos na akong magdinner." malamig na sabi ko sa kanya. Aba, ang lakas ng loob nya ha. After nya akong itulak kanina kay Joel, may lakas pa sya ng loob na pumunta dito at yayain ulit akong kumain.

"Hindi ka nabusog." sabi naman nya.

"At papa'no mo nalaman?"

"Feeling ko lang. So please, tahimik na at kumain na lang tayo." mahinang sabi nya habang nakahalumbaba.

Naawa naman ako dahil halatang gutom na sya kaya kinuha ko yung dala nyang pagkain at dinala sa lamesa.

Natigilan ako nang maramdaman kong nagback-hug sya sa akin. Napapikit pa nga ako nung naramdaman kong inaamoy amoy nya yung leeg ko. Sheez!

"Bakit ganon, kahit kanina ka pa sa labas, ang bango mo pa rin?" goosebumps naman talaga dahil naramdaman ko yung lips nya sa tenga ko. Jusko naman Maine, nagtatampo pa ako sa'yo dahil sa ginawa mo kanina eh.

"M-maine." ewan ko kung reklamo ba yon o ano eh. Basta.

"Hmmm." Naman eh! Naaakit na talaga ko.

"B-bitaw na. Gutom ka na diba? Kain ka na muna." mahinang sabi ko. Para kasing ayoko din ng idea na yon eh. Mas gusto kong nakayakap sya sa akin. Okay Fi, ang landi lang.

"Eh, parang mas gusto ko dito eh." sabi pa nya na mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Sheet lang!

"Maine naman eh. Papa'no ako gutom na ako?" malambing na sabi ko. Haist, hindi ko sya kayang tarayan talaga.

"Hmmm. Sige na nga." sabi nya sabay bitaw sa akin at upo dun sa upuan sa tabi ko.

Uupo na sana ako sa tabi nya pero nagulat ako nang bigla nya akong hilahin paupo sa lap nya.

"Maine ano ba? Kakain tayo diba?" medyo lumakas yung boses ko dahil nagulat ako sa ginawa nya.

"Oo nga." nakangiting sabi naman nya.

"Bitawan mo ako. Tatayo ako." utos ko sa kanya.

"Ayaw. Dito ka lang sa lap ko. Subuan mo ako please?" pa-cute na sabi nya.

"No way!" sabi ko at akmang tatayo.

"Love naman eh. Sobrang pagod na ako at inaantok tapos gutom pa. Yan na nga lang yung gagawin mo para sa'kin eh, hindi mo pa magawa." malungkot na sabi nya.

"Eh sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na hintayin mo ako? Na pumunta ka dito? Kung gutom ka na pala at inaantok, sana umuwi ka na lang." mahinahong sabi ko. Ayoko namang sungitan, kawawa naman.

"Kasi nga po, alam kong may kasalanan ako dahil hinayaan kitang sumama kay Joel. Pero kasi po sana naisip mo rin na ginawa ko yon dahil ayoko namang maging rude sa prince charming mo no? Saka eto naman ako diba? Bumabawi sa'yo. So please, subuan mo na ako." nakapout pa nyang sabi.

My Love GuruWhere stories live. Discover now