Chapter 7- Aid

20 4 0
                                    

Rin PoV

"Anong ginagawa mo?" nagugulat pa rin ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Bakit ang lapit ng mukha niya sakin?

"Iana" nabigla ako sa sinabi niya. Kilala niya ako?

"What?" nagpanggap akong di ko siyang maintidihan.

"No, nothing." Sagot niya at bigla na lang tumalikod at umalis.

Kilala niya ba ako? Pero imposible wala akong natatandaan na nagkaroon kami ng pagkakataon na magkaharap.

Tinitingnan ko parin siya habang papalayo siya at nakita kong may lumapit sa kanyang babae.

Habang tinitingnan ko siya di ko maintindihan ang nararamdaman ko pero agad ko ring iwinaksi ang iniisip ko.

No, kailangan kong magfocus. Hindi ko kailangan ng kahit anong distraction.

Naglalakad ako ng biglang lumapit si Jeanne.

"Oi, Rin. Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Sabi sakin ni Jeanne.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi po pupunta napo tayo sa Grand Hall magsisimula na ang Aid Ceremony." Sabi niya.

"Aid Ceremony?" tanong ko.

"Aid Ceremony ito ang pagpili ng elite class ng magiging Aid nila sa Red Class which is tayo. Swerte ka nge eh, kakapasok mo lang tapos kasabay pa ng pagpili ng aid kadalasan kasi every 10 years ang pagpili ng aid. Ako hindi pa napipili kasi 3 years ago pa akong pumasok sa school." Sabi niya.

Kung ganon kailangan ko maging isang Aid ng isa sa elite class? Hindi ko alam kong swerte nga o mala sang Ceremony na iyon sakin. May pisibilidad ng hindi ko magugustuhan ang pipili sa kin o may posibilidad rin na ang sino mang pipili sakin ay makakatulong sakin sa gagawin kong mga hakbang. Alin man sa naiiisip ko sana iyong huling ang mangyayari.

"Halika ka na nga baka wala pang pumili sa atin pag nahuli tayo." Sabi ni Jeanne sabay hila sakin.

Habang naglalakad kami nakikita ko ang mga Red Class na masaya at lahat nakangiti. Nang tingnan ko si Jeanne siya man ay nakangiti.

"Bakit parang natutuwa sila at pati na rin ikaw?" tanong ko.

"Syempre tayong mga commoner at nasa Red Class lahat ginagawa ang lahat para magustuhan at mapansin ng mga taga elite class o ng kahit sinong nakakataas na bamipra pero swerte ka kung isa sa elite class ang pumili sa iyo dahil makapangyarihan sila. Iyon naman ang role natin bilang commoner, nabubuhay tayo para magsilbi sa mga nakakataas satin na bampira. Ano man ang magpapasaya sa kanila ay gagawin natin." mahaba niyang sabi. Napansin ko habang sinasabi niya iyon nasa mukha niya ang kasiyahan. Pinagmasdan ko siya ng maiigi. Alam ko na magiging magaling at tapat siyang aid ko.

"Ako ang pipili sa iyo bilang Aid ko." Sabi ko.

"Ha?" taking tanong niya.

"Pipiliin kitang aid ko. You will be my aid." Sabi ko pero bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad at tumawa. May nakakatawa ba kong sinabi?

"A-anong gagawin mo akong Aid mo? Hindi ka pwedeng pumili ng aid kasi commoner ka parehas ko at ang mga Royal, Silver, Violet eyes lang na bampira ang pwedeng magkaroon ng Aid." Sabi niya.

Ou nga pala alam niya isa lang akong commoner katulad niya.

"Ganun ba?" nanghihinayang kong tanong.

"Ou, kaya halika ka na." sabi niya.

"Sana pagmaypumili sa iyo bilang aid niya sana alagaan ka niya at ingatan." Sabi ko.

"Ano ba ang drama mo ata ngayon?" sabi niya at humarap sa isang malaking pintoan. Ito na siguro ang Grand Hall.

Pagpasok naming sa Grand Hall marami ng bampira ang nasa loob. Ang lawak ng Grand Hall meron itong napakalaking chandelier sa gitna at sa dulo ay may magkahiwalay na hagdanan at sa taas nun nakaupo si Headmistress Lyra at si Pierce kasama ang ibang pang mag-aaral na sa tingin ko ay mahahalagang bampira ngayon.

Nakalinya ang mga commoner o mga Red Class. ANg ibang Silver at Violet na bampira ay nakaupo sa isang mahabang upuan na mayroong mahabang mesa sa magkabilang gilid at ang Commoner or Red eyes na bampira ay nakalinya sa gitna ng Grand Hall.

"Ay naku naman, nasa huli tayo. Kasalanan mo ito, Rin." Nakabusangot na sabi ni Jeanne. Naguilty tuloy ako sa sinabi Jeanne.

"Pasensya ka na, Jeanne." Sabi ko.

"Oi, joke lang iyon. Ito naman sineryoso." Natatawang sabi niya sabay kalabit.

"Pero alam ko kasalanan ko kaya pagpasensyahan mo na ako." Sabi ko sabay yukod.

"Hala! Anong nangyari sa iyo?" Nanghihintakutang tanong niya.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Kahit ako ay kabilang sa Royal Family tinuruan parin ako ng aking mga magulang lalo na ng aking ina na aminin ang kasalanang ginawa at humingi ng paumanhin ano man ang estado niya sa buhay.

"Magandang Umaga sa lahat, Ngayon araw na ito gaganapin Aid Ceremony. Ito ay isang matandang tradisyon ng ating lahi na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin natin. Nawa kayong mga Royal, Silver at Violet students ay maging isang magandang halimbawa sa inyong mga magiging Aid. Inyo sana silang alagaan bilang kanilang pinaglilingkuran. Iyon lamang at pwede na kayong pumili ng inyong mga Aid." Paninimula ni Headmistress Lyra pagkatapos ay biglang tumingin sakin bago umopo sa kanyang upuan.

Ang maikling tatlumpating iyon ay nagging hudyat sa mga estudyante na maglakad at piliin ang kani-kanilang maga Aid. Isa-isang nababawasan ang mga estudyanteng walang Klio o amo.

Tiningnan ko si Jeanne parang natutulala kasi siya sa harapan niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya nakita ko ang palapit sa kanyang isang lalaki. Ang lalaking iyon iyon ay kasama sa mga estudyanteng nakaupo sa stage kasama si Headmistress Lyra at Pierce kasama ang talo pang iba.

"Pinipili kita bilang Aid ko." Iyon ang sabi ng lalaki.

"Opo, Klio Angelo De Guzman. Tinatanggap ko ang iyong utos." Iyon ang sagot ni Jeanne. Makikita sa mukha niya na kinakabahan siya pero nadnoon parin ang kilig.

"Angelo Guzman? Anak ni Ministro Guzman." kausap niya sa sarili.

Bata pa lang siya kilala na niya si Angelo o Gelo kung tawagin niya. Kasama ito palagi ng kanya ama at palagi silang naiiwan para maglaro kasama ni Reverie.

"Hey!" napukaw ako sa iniisip ko dahil sa pagtawag non. Nang tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin nakita ko si Pierce sa harap ko at kinakausap ako.

"Ano poi yon?" sabi ko sabay yukod. Ngayon pa ako yumukod ng napipilitan pero dapat kong gawin bilang respeto.

"Ikaw! Aid na kita." Sabi niya ng maypagka-angas. Napanganga ako at Napatingin ako bigla sa kanya.

Ano daw?



Hi salamat po if may nagbabasa dito :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLOODWhere stories live. Discover now