IV

330 22 0
                                    

Samantha's POV

Pumunta ako agad sa forest nung narinig ko yung boses ni Vanessa sa forest. Binuksan ko yung flashlight ng phone ko at hinanap kung saan galing yung boses ni Vanessa. OMG, ang creepy dito.

I immediately heard Vanessa's voice again. Sinundan ko kung saan nagmula yung boses. 15 minutes na ata akong tumatakbo dito but I still can't find her. I'm really nervous and afraid. What if pinatay na pala si Vanessa?

Medyo napagod na ako sa pagtakbo so umupo muna ako sa puno para magpahinga. I'm not really a sporty person but I know how to defend myself. Napatingin agad ako sa phone ko nung may unregistered number na tumatawag sa akin.

Hindi ko nalang pinansin kasi nga may kasabihang "don't talk to strangers". Paulit-ulit tumawag yung unregistered number kaya sinagot ko na.

"Sino ito?" tanong ko.

"Scarlet, nasaan ka na? I'm really worried na. Wala ka pa din daw sa dorm mo sabi ng room mate mo. Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap tapos bigla ka nalang nawala sa CR." sunod sunod na tanong ng tumawag sa akin. Teka? Pamiliar yung boses niya.

"Sino ba ito?At paano mo nakuha number ko?" tanong ko.

"Si Vanessa ito! Hiningi ko yung number mo sa room mate mo. Uy, nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap! Pawis na pawis na ako kakatakbo para hanapin ka." mabilis na sagot ni Vanessa.

"VANESSA?! NASAAN KA BA? Hinahanap din kita eh. Narinig ko kasi yung sigaw mo sa forest" tanong ko.

"Huh? Hindi naman ako pumunta diyan sa forest eh. Wait, don't tell me andyan ka sa forest?!" nagaalalang tanong ni Vanessa.

"Oo andito ako sa foorest. So kanino yung sigaw na narinig ko? I'm pretty sure na boses mo yun Vanessa" sabi ko.

"Hindi talaga ako yun. Baka naman ka-boses ko lang? Wait pupunta na ako diyan isasama ko na rin yung mga guards baka kasi mapahamak ka diyan. Sabihin mo sa akin kung saang banda ka sa forest?"tanong ni Vanessa.

Tumingin ako sa paligid ko at may nakita akong kweba. Wait?! Kweba sa gitna ng forest?

"Nasa may bandang kweba ako tapos may mg--" naibagsak ko bigla yung phone ko nung may narinig akong gun shot at malakas na sigaw. O my gosh! What was that? Tinignan ko yung phone ko at basag basag na yung screen kasi mabato yung lupa. Pinulot ko iyon at triny kong i-on pero ayaw bumukas.

Paano na ako magsu-survive dito? Hindi ko pa naman alam yung way pabalik sa school. Paano nala--. Nahinto yung pag-iisip ko ng makarinig na naman ako ng gun shot. Sabi ko na nga ba at may murderer dito eh! Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba kung saan nanggaling yung gun shot o hindi.

Paano kung mangyari na naman yung nagyari kanina? Hindi nga ako namatay kanina pero natutukan naman ako ng baril. Pero kaya ba ng konsensya ko kung papabayaan ko lang yung mga narinig kong sigaw. Lord help me po. Bigyan niyo po ako ng sign.

Kapag may sumigaw ulit pupunta na po ako doon at susundan kung saan nanggaling yung sigaw pero kung wala pa din pong sumigaw in the next 10 seconds papabayaan ko nalang po at hahanap ang daan pabalik. Okay magbibilang na po ako.

1

2

3

4

5

6

7

8

"TULONG!"

Bigla nalang ako tumakbo sa pinangagalingan nung sigaw. Siguro dapat ko ngang tulungan kung sino mang nilalang ang sigaw ng sigaw. Sign na ito ni Lord. Nagpray ako habang tumatakbo. Lord, kapag mapahamak po ako sa gagawin ko dapat po sa heaven ako mapupunta hah! Sinunod ko lang po yung sign niyo.

Napahinto ako sa pagtakbo at buntikan na akong mapasigaw nung makita kong may 3 lalaki na nakatalikod tapos may hawak silang baril. May 3 patay na babae tapos 2 lalaki, yung bata naman umiiyak tapos punong puno ng sugat.

Nagtago na naman ako pero this time sa puno naman. Wala ng bush eh. Paano kung mamatay ako dito? Hanggang dito nalang ba ako? May dala silang baril tapos ako physical strength lang ang kaya ko. Pero kawawa naman yung bata. Pero di naman kakayanin ng konsensya ko kung hahayaang kong patayin nila yung bata.

Gulong gulo na yung utak ko. I mean alam ko namang wala akong masyadong matutulong pero atleast pupunta ako sa heaven kapag mamamatay ako. Atleast safe yung bata. Kumuha ako ng bato at lumabas sa pinagtataguan ko. Tumakbo ako at hinampas ng bato yung nasa gitna.

Napatingin silang tatlo sa akin at bigla akong tinutukan ng baril. Isa lang ang masasabi ko, Ang gwapo nung taong hinampas ko ng bato kahit dumudugo yun noo niya. Diba sinabi ko kanina na yung lalaking nameet ko kanina ang pinakagwapong nakita ko sa buong planet earth binabawi ko na po iyon itong kaharap ko na ang pinakagwapo na nakita ko sa buong UNIVERSE.

Napatigil ang pagpupuri ko sa lalaking kaharap ko. May time pa talaga akong puriin siya eh nakaharap na nga yung mga baril nila sa akin! Bigla nalang nagsalita yung hinampas ko.

"Any last words?" seryosong tanong niya.

"Eros, don't kill her."utos nung nasa left niya. Gwapo rin siya pero mas gwapo yung guy na kaharap ko. Eros pala name niya. Wait bakit ko ba kinocompare yung physical apperance nila? Eh nakatutok na nga yung baril ni Eros sa akin. Kung kanina tatlo yung baril na nakatutok sa akin, ngayon naman baril nalang ni Eros.

"And why would I listen to you? Ikaw ba yung nahampas ng malaking bato sa ulo?" seryosong tanong ni Eros pero nakatingin pa din siya sa akin.

"Sayang ang ganda pa naman niya kaso katapusan na niya." narinig kong bulong nung lalaking nasa right side niya.

Lord marami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pa pong magmodel tapos gusto ko din pong magka-boyfriend at magka-asawa at magka-anak. Pero kung hanggang dito nalang talaga ang buhay ko wala na akong magagawa.

Kinalabit na niya yung trigger at pinaputok na niya sa akin yung bala. Hinihintay ko na yung pag-flash ng mga memories ko sa mata ko pero wala namang nag'flash'. Sabi kasi nila kapag mamatay ka na magf-flash yung memory mo sa mata mo.

Pinikit ko nalang yung mata ko at hinintay yung bala na tumama sa katawan ko. Bakit ang tagal naman nung bala? Binuksan ko yung mata ko at nagulat ako nung nag-ilaw yung necklace na bigay sa akin nung mom ko dati nung baby ako. Pati sila Eros at yung dalawang lalaking kasama niya ay nagulat din.

Tinignan ko yung bala sa may bandang heart ko. Tumagos yung bala pero bakit buhay pa din ako? Or multo nalang ba ako? hinawakan ko yung mukha ni Eros pero hindi naman tumagos yung kamay ko. Sinubukan ko namang sampalin yung sarili ko pero nasaktan ako so hindi ako nananaginip.

"Psyche." mahinang bulong ni Eros.

Bigla niya akong hinawakan sa mukha. Napatingin ako sa kulay golden brown niyang mata. Sobrang familiar nung mata niya. Lumapit yung mukha niya sa mukha ko. Magkalapit na yung pagitan namin. Isang galaw lang namin baka magkiss na kami.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Ramdam ko ang bawat pagmamahal sa halik niya sa akin. Parang may gustong kumawala sa puso ko. Pagkatapos niya akong hinalikan bigla nalang niya akong niyakap.

Sobrang bilis ng tibok nung puso ko. At parang magkakaroon na ako ng heartattack. Bigla nalang ako nahilo at sumakit yung ulo ko. Napabitiw naman ng yakap sa akin si Eros habang ako nakaupo sa lupa at hinahawakan ko yung ulo ko. Sobrang sakit na parang binibiyak.

Tumayo ako at bigla nalang ako natumba buti nalang sinalo ako ni Eros. Tinignan ko yung mata niya at nakita kong nag-aalala siya. Habang sumasakit yung ulo ko may mga ala-ala akong unti-unting natatandaan.

May babae at lalaki na magkahawak ang kamay at tumatawa. Wait si Eros ba iyon? Pero I'm pretty sure na hindi ako yung babae kasi hindi ko naman kamukha at sobrang ganda nung babae. Unti- unting bumabalik yung mga ala-ala ko dati at bigla akong napatingin sakanya.

"Are you okay, Psyche?" tanong ni Eros.

Napangiti naman ako at bigla siyang niyakap.

"I miss you, Ros" bulong ko sakanya and the everything turned black.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck with CupidWhere stories live. Discover now