Wade:

Kakatapos ko lang mag linis. Maliligo na ako.

Para akong tanga sa kakangisi. Bakit ganito? Wala namang something sa mga text namin ni Wade pero bakit parang tanga akong nakangiti.

Natulugan ko siya. WTF? Sa sobrang saya ko, natulugan ko talaga siya ah! Kinaumagahan, mabilis akong bumaba para tignan kung may practice ba sina Wade ngayong araw.

"Manang," Untag ko sa katulong namin. "Asan po si Noah?"

"Maagang umalis, Reina. Practice daw."

"Ha? Saan? Hindi ba sila dito mag papractice?" Tanong ko.

"Wala siyang sinabi, eh. Alam mo naman yun. Nagagalit pag nang-uusisa kaya hindi ko na tinanong." Nagkibit-balikat si manang.

Napabuntong-hininga ako. Sayang naman! Hindi ko alam kung saan yun pupunta! Siguro kina Warren? Bakit naman kasi hindi na lang dito mag practice? Kaya nga may music room, diba?

"Hey, Reina..." Hinagkan ako ni Kuya Dashiel.

Kumunot ang noo ko nang nakita ko siyang kakagising lang.

"Kuya, wala ka bang trabaho?" Tanong ko.

"Meron. Aalis muna ako ng bansa. Hindi pa kasi makakauwi sina mommy at daddy galing Camino Real dahil sa mga lupang binibili nila para sa plantation. Ako yung nautusan." Ininom niya ang kapeng nasa kamay. "How bout you? School festival, right? Bakit nag mumukmok ka dito?" Nanliit ang mga mata niya at tinignan akong mabuti. "May ginawa ka ba sa mukha mo?"

"H-Huh?" Napakurap-kurap ako sa tanong niya.

Ngumuso siya at ngumiti.

"May pumuporma na ba sayo?" Tumaas ang kilay niya.

"W-W-W-Wala ah!"

Tumawa siya sa pagkakautal ko. Ginulo niya ang buhok ko at umambang tatalikuran. Pero bago niya ako tinalikuran ay...

"Sino? Yung anak ba ng mga Madrigal?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

Umawang lang ang bibig ko at di na ako makapagsalita. Nag evil smile siya na para bang nakumpirma ang mga duda niya sa katahimikan ko.

"Good. By the way, puntahan mo si Noah mamaya sa isang bar o grill, may gig sila. I'll text you the address. Nakalimutan ko, eh. Malapit lang sa Tribal Lounge. You know that place?"

Tumango ako.

"Good."

Umalis na siya at naiwan akong tulala. Yung mga madrigal na binanggit niya ay isang prominenteng pamilya. Paano kung malaman ni Kuya Dashiel na si Wade Rivas ang... nagugustuhan ko? Matatanggap niya kaya? Si Rozen nga tinuturing na basura si Wade, paano pa si Kuya Dashiel?

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon