"A- Ano i mean. okay naman. Nagreview kasi ako kagabi. iniisip ko lang baka makalimu-----"

"Okay." Putol ko na siyang ikanakunot ng noo niya. Bakit di nalang niya sabihin na si caira yung iniisip niya pwe!

Ngumiti siya. Oh how i miss that smile.

hindi! Galit ka! Wag kang magpabihag sa mga ngiting yan! Sabi ng aking Lukaret na konsensya.

Mabilis akong nakarecover charr!

"okay..." ulit niya.

Aalis na sana ako ng maalala ko yung flowers.

"Ahmm. oo nga pala, itatanong ko lang sana kung kilala mo ba tong may ari ng ganitong sulat. Secret Admirer daw." Tanong ko sa kanyang feeling proud pa na may bago akong admirer.

Interesadong tinignan niya ang card.

"Hindi e.. Sa ibang section siguro yan. Tsaka kaya nga secret diba? duh!" sagot niya.

"Hmm okay sige balik nako!" Paalam ko.

Bago ako tuluyang makalayo sa kanya,

"Wag ka kasing masyadong mag paganda." Rinig kong sabi niya.

Sinulyapan ko siya at binelatan. tumawa nalang siya. weird.

--------------------
+++++++++++

Tiffany

Niyaya ko si kia para mag lunch. at sumama naman siya. Sana bumalik na yung dating kami. KAMI? Anong kami? charr!

"So where's your boyfriend?" Tanong niya. like what? Kami ang magkasama! Pati ba naman si justin sinisingit niya sa moments namin?

"Practice" Malamig nasabi ko.

"Oh yeah i forgot."
Painom inom nalang siya. Ugali ng nagda diet.

"Nagda diet ka na ulit?" tanong ko.

"Hindi. naman masyado. wala lang akong gana."
Oh yeah.. nakakawalang gana na ba yung pagmumukha ko ngayon? O di kaya dahil hindi niya kasama si caira kaya di siya makakain ng maayos!

"Oh" Simpleng sagot ko. Konti nalang talaga magwawala nako dito.

"So kamusta kayo ni justin." Tanong niya ulit.

"We're good. He's a good guy. Gentleman,Hamble, At Sweet. Hindi siya nagsasawang pakiligin ako araw araw." Paglalarawan ko na akala mo naman tunay."At syempre sobrang pogi niya and i can say he is such a perfe----"

"Enough" Putol niya na halatang iritable. really kiara? magtatanong tapos mambibitin.

I rolled my eyes.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Umiwas siya ng tingin.

"Oo naman."

Tumahimik nalang ako.

Ilang minuto pa biglang dumating si Caira.

Paepal talaga tong babaeng to. Ipadispatsa ko kaya to kay justin ng di makasabagal ng moments.

"Hello girls!" Bati niya. At tumabi kay kia. aba't gusto niya yata talagang bumulagta ngayon a.

Hindi ako sumagot.
Tinignan ko si kia at afghhjjkkkk! Lumiwanag ang aura ng bampira. pag untugin ko kaya sila no?

"Naglunch ka na? Teka ako na magoorder para sayo." Like whattttt!!! Yung samin nga ako pa umorder e!

"Sige thank you." Sabay ngiti.

Asheshesheshe! arte! Sungalngalin kita ng kutsara diyan e..
Nakakaiyak naman talaga! Kung hindi ko lang iniisip na babae si kia. Iisipin kong sila nitong manananggal na to!

"Ang sweet talaga ng bestfriend mo no?" Sabi niya ng makaalis si kia para i-order siya ng pagkain

Tinignan ko siya ng matalim. Yun obvious na irita ako sa kanya para malaman niya na una palang ayoko na sa kanya! Inaagaw niya yung bestfriend ko! NAKAKAIYAK!

"Oo. BESTFRIEND KO YAN E.." my eyes automatically dropped down to my plate.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sakin. seriously caira? Nangiinis ka ba?

"Maganda pa. Perfect girlfriend"

Bigla akong napatingin sa kanya. Nakita ko namang papalapit na si kia. pati si justin papasok.

Todo ngiti naman ako ng makalapit si justin. na akala mo naman tunay na inlove ako sa kanya. tumabi siya sakin at sumubo pa ng isang fries ko.

Inilapag naman ni Kia yung pagkain nung manananggal niyang kasama. at tsaka tumabi.
O tapos ano? Papasubo ka pa? Sapak you want? -_-





The Way You Look At Me (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon