chapter 57 - date with TJ

8.6K 146 14
                                    

Chapter 57 - date with TJ

Akira's POV

Hindi na ako nagpahatid pa kay TJ sa pag uwi. Gabi narin kase eh. Malapit nang mag12.

Binalikan ko pa dun sa park, pero wala nang tao. Though andun parin mga kalat namin. Wala nga lang tao.

Pero nabigla ako dahil nakita ko si South na nakatayo sa gate namin. Anong ginagawa niya pa dito?

Agad agad akong bumaba nang sasakyan ko at nilapitan siya.

"South, what are you still doing here?"

"I was waiting for you. Hindi pa naman tapos ang araw na ito diba? Malapit na nga lang magtwelve. May sasabihin pa sana ako pero umalis ka nga lang." Naguilty naman ako sa sinabi niya.

"Ay, sorry. Akala ko kase emergency talaga eh."

"Hindi ok lang." Sabi niya. Nanninibago naman ako ngayon sa South na kaharap ko.

"Ano pala yung sasabihin mo?"

"Hindi ko alam kung yun parin ang sasabihin ko eh. Mukhang magbabago pa ata."

"Ano ba yun?"

Hindi muna siya nagsalita. Nanatiling nakatitig siya sa akin.

"Ang sasabihin ko sana, thanks for today. Pinayagan mo akong makasama ka nang buong araw. You really made me happy.. Pero Akira, nag iba eh. Pinasaya mo ako. Guarantee, pero nang nasa tabi mo na si TJ, bakit ganun? Nakalimutan mo agad ako?"

Hindi ako nagsalita kaya pinagpatuloy niya ulit ang sasabihin niya.

"I was really looking forward na ako ang makakasama mo, ako lang sa araw na ito. But because of your stupid lists, parang ako pa ang nabalewala."

"So you're saying my list is stupid?! Eh di sana hindi mo nalang ginawa?" Asar na sabi ko.

Satan's Daughter (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon