chapter 52 - forgive or not?

10.3K 214 30
                                    

Chapter 52 - forgive or not

"Kelangan niyo na pong sumama samin sa presinto." Sabi nang pulis habang pinoposasan si Genesis (Emperor)

Tumango ito at sinulyapan si TJ na nakakunot noo na nakatingin sa sahig.

"I'm sorry I need to leave you right now. Sana mapatawad mo ako anak." Pero hindi parin siya nililingon ni TJ.

Napabuntong hinga nalang ito at kusang sumunod sa mga pulis.

'Sana, sa paraang ito ay mapagbayaran ko man lang ang mga kasalanan ko.' Genesis.

Hindi man nilingon ni TJ ang ama, alam niyang nalungkot ito dahil sa hindi niya pagpansin rito.

Alam niyang nagsisisi narin ito, pero maski siya ay nagsisisi rin.

'Hindi pa kita kayang harapin dad. Dahil sa ngayon ay hindi ko rin maatim na nagawa ko ang lahat ng ito.' TJ

Lahat sila ay naghihintay ng resulta. Walang umalis sa pwesto nila.

Nilapitan naman ni Zach si TJ. Sumunod sina Dylan, Darryl, at Xander.

"Nasabihan ka na namin na tigilan mo ito. Hindi sa ikaw ang sinisisi namin, pero ikaw dapat ang nakakaintindi sa kanya dahil minahal mo siya eh. Kahit ano pa siya dapat tinanggap mo." Zach.

Satan's Daughter (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon