Author's note: Sorry dahil unang una, alam kong pinanggagago ko yung mga pangalan ng bts. To be honest, fan po nila ako. ARMY AKO! Kaya sa mga army rin jan ay sana maintindihan nila ako.
Pangalawa, sorry kung puro trashtalk yung mababasa niyo jan. Kung masyado kayong mababait, I'm begging you, wag niyo ng ituloy pang basahin itong story ko.
Inspired by playfull kiss at story ni @jiminism na "Daddy Kookie"
Yun lang, sige, enjoy reading! :**
~~~~~~~~~~
Hani's POV
*Riiiiiinnggg!*
Pagbaba ng pagbaba ko sa sasakyan ay sakto namang nagring yung bell.
Tumakbo na ako papasok sa gate ng school pero agad akong napatigil at naglakad ng maayos ng makita ko ang crush kong si Jim Pork. Member siya ng grupong BonTchingS (bonjings talaga yan) o mas kilala sa tawag na BTS dito sa school.
Since first year, may gusto na ako sakanya. Ewan ko ba, marami naman akong nakikitang mas gwapo sa kanya. Oo naattract ako sa iba pero hanggang dun lang yun. Hindi ako umaabot sa tipong macrushan sila.
Kasama ni Jim ang iba pa niyang tropa. Sila Nam, Jin, Tae (tey), Jung, Yoong, at Seok.
Ganun pa rin naman, hanggang ngayon maingay at bulabog pa rin sila. Wala namang pinagbago.
"Hani Chan! Hali ka dito may sasabihin ako sayo!" Sigaw ni Wendy, bestfriend ko.
Lumapit naman ako sakanya. Ano ba yan nagtime na nga eh.
"Ano ba yon?" Iritang tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam?"
"Ay bugok ka rin 'no? Itatanong ko ba kung alam ko?" Napairap naman ako.
"Ano ka ba! OWEMJI!!!! Magkaklase tayo! HAHAHAHAHA" Humagalpak naman siya sa tawa niya. Yun na yon? Sus, akala ko naman kung ano na.
Aalis na sana ako pero agad rin naman niya akong hinila.
"Meron pa!" Sambit niya.
"ANO?!" Sigaw ko sa kanya.
"KAKLASE RIN NATIN SI JIM AT TAE! HUWAAAAA!!!"
Agad naman lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Si Jim at Tae kaklase namin? Holy moly cowly shit!
"Weh?"
"Tss! Oo nga! Hali ka tingnan mo yung list ng pangalan natin sa section 3. Andun yung pangalan natin pati nila Jim at Tae."
Pinuntahan naman namin ang room. Haaayy, buti naman at umiimprove ang utak namin ni Wendy. Dati kasi nasa section 4 kami ngayon pang third na. Hindi lang yon kaklase pa namin sila Jim.
"Ayan oh. Basahin mo." Tinuro naman niya yung pangalan nila Jim at Tae.
19. Kim, Tae
27. Pork, Jim
Yan yung nakasulat sa list.
"AAAAAACK!" Sigaw ko dahil sa kilig. Nagsitinginan naman ang mga tao samin. I mean, sakin lang pala.
"ANO KA BA HANI! WAG KANG SUMIGAW! NAKAKAHIYA TAYO OH, PINAG TITINGINAN TAYO NG MGA TAO!! WAAAAAHH!!!!!"
"ANG BOBO MO NAMAN! SUMISIGAW KA RIN EH!"
"PARA MARINIG MO! TANGA!"
"Ayy. Sige wag na tayong maingay."
So ayun, tumigil na rin kami sa kakasigaw. Pumasok na lang kami sa classroom.
