Untitled Part 1

39.8K 240 8
                                    


Author's note:

I am not forcing anyone to read my stories. I'll understand that you won't like it or even hate it but reporting my story won't stop me from writing. I am open for constructive criticism and I so know that my stories are not perfect nor am I. If you don't like it tell me.. don't be such a coward who'll report it just because you're insecure. Thank you.

***

01: Meet up

Ciara's POV

Kinakabahan ako. Sobra. First time kasi makikipag EB , dito ko na sa mall napili makipagkita para at least safe maraming tao. Excited rin naman ako kasi sa wakas makikita ko na ng personal si Red, nakilala ko sya sa isang online dating site na sinabi sa akin ni Cheska, isa sa mga bago ko na kaibigan sa school. Mahiyain kasi ako at hindi masyadong palakaibigan, idagdag pa na bagong salta lang ako sa Maynila dahil sa probinsya naman talaga ako nakatira. Pumunta lang ako dito sa maynila para mag-aral ng college tapos nakilala ko sila Cheska at ang mga kabarkada nya. Masaya sila kasama at ang dame kong nasubukan mga bagay dahil sa kanila na hindi ko nagawa dati sa probinsya dahil panigurado papagalitan ako ng kuya ko, wala na akong mga magulang namatay sila 8 years ago at si Kuya Anthony na ang tumayo kong mga magulang, dalawa lang kame magkapatid at andun sya sa probinsya nagsasaka at ako naman eto nasa maynila para mag-aral. Ang alam ni Kuya Anthony puro pagaaral lang ang inaatupag ko dito sa Maynila, hindi nya alam natuto na rin ako manigarilyo,uminom ng alak at mag-cutting classes minsan, natutuhan ko lahat yun kila Cheska, sabi kasi nya "you only live once" so make the most out of it, kaya eto ako ngayon makikipag eyeball kay Red, napressure din kasi ako sa mga kaibigan ko dahil ako nalang ang walang boyfriend sa kanila, lahat sila may nagkaroon na ng boyfriend at may mga karanasan na sa pakikipagtalik. Noong una medyo asiwa pa ako pagnapaguusapan ang tungkol sa sex pero katagalan nasanay na ako sa kanila, inaasar pa nga nila ako na kailangan ko na daw madiligan dahil sobrang tigang na daw ako. Curious rin naman ako kung ano ang feeling ng may boyfriend at kung ano ang feeling ng nakikipag-sex, sabi kasi ni Katrina, isa sa mga kaibigan ko, sa una lang daw masakit yung tipong mahihirapan ka maglakad pero katagalan masasanay ka rin at masasarapan. Minsan nga pinapapanuod pa nila ako ng mga p*rn movies at videos, basta daw laging gumamit ng kapote para safe.

Napaaga ako ng dating dito sa mall kung saan kame magkikita ni Red, alas tres kasi ang usapan namin, hindi ko pinasukan yung isa kong subject para makipagkita kay Red. Si Red ay nagtatrabaho sa call center bilang supervisor, 15 years ang tanda nya sa akin pero based sa picture na nakita ko sa facebook nya mukhang hindi pa naman sya ganun katanda, baby face kasi sya ang gwapo pa. Alas dos ang tapos ng trabaho nya ngayon, eh 2:45pm na at nagtext na sya na andito na sya sa mall.

"Ciara?" tawag sa akin ng lalake sa likuran ko. Pagharap ko ay nakita ko si Red.

"Red?" hindi makapaniwala si Ciara na nasa harap na nya si Red.

"Gosh. Ang gwapo nya." Sabi ni Ciara sa isip nya.

"At last, Hi Ciara. My name is Red, nice to finally meet you." Sabay lahad ng kamay nito sa dalaga at inabot naman ito ni Ciara.

"Ako rin, it's nice to finally meet you in person." Medyo nahihiyang sabi ni Ciara.

"Sorry nga pala naghintay ka pa sa akin, medyo natagalan ako sa office e. Let's eat? I'll treat you." Pagaaya ni Red at sumama naman si Ciara. Nilibre sya ni Red sa isang restaurant sa mall at saka sila nag-usap ulit.

"Panigurado inaantok ka na, pasensya na mapupuyat ka pa tuloy dahil sa akin." Sabi ni Ciara, hinawakan naman ni Red ang kamay nya na nasa lamesa, medyo nagulat si Ciara dun pero hinayaan nya lang si Red.

"Okay lang yun, actually narecharged nga ako at nawala ang antok ko nung makita ka." Nakangiting sabi nito.

"Ganun? Ikaw talaga, bolero." "Hindi ako bolero no, nagsasabi kaya ako ng totoo. Saka kahit hindi pa ako matulog makita lang kita, ayos lang." sabi ni Red.

"Di ba panggabi ang schedule nyo ngayon?" tanong ni Ciara.

"Oo, pero sa susunod na linggo mababago na ulit ang pasok ko, magiging pangumaga na ulit ako. Ikaw kamusta ang school mo?"

"Okay naman, katatapos lang ng prelim exams naming kaya petiks na muna ulit." Sagot ng dalaga habang kumakain sila.

"Buti nalang sakto na wala kang klase at tapos na ang trabaho ko." "Oo nga e" pagsisinungaling ni Ciara.

"Wala ba talagang magagalit sa iyo? Kasi di ba nagkita tayo ngayon." Worried na tanong nito.

"Wala nga, wala akong boyfriend."

"Good. Naninigurado lang, kasi balak ko manligaw. Pwede ba?" tanong ni Red kay Ciara. Hindi akalain ni Ciara na tatanungin sya ni Red ng ganun.

"A—e..Okay." pagsangayon ni Ciara.

"Yes! Thank you." Masayang sabi ni Red, natawa naman si Ciara sa reaksyon nito.

"Ikaw wala kang girlfriend?" tanong ni Ciara. Maagap naman na sumagot si Red.

"Wala akong girlfriend, liligawan ba naman kita kung may gf na ako, pero kung magiging tayo na ngayon e di magkaka girlfriend na ako."

"Ang bilis ah! Haha! Manligaw ka muna." Nakangiting sabi ni Ciara. Nagusap pa sila tungkol sa ibang bagay pagkatapos ay inihatid ni Red si Ciara sa inuupahan nyang kwarto.

To be continue...


TuksoWhere stories live. Discover now