Chapter 1

314 28 26
                                        

Fransheska Ivonica. 16.

"PWEDE BANG 'WAG MAINGAY?! Wala kayo sa palengke for Pete's sake, nasa classroom kayo!" Sigaw ko sa mga ka-klase ko at nagsitigilan naman sila. Buti nga.

Nagpatuloy ako sa binabasa kong 'He's Into Her' na isang kwento galing Wattpad.

Pero hindi pa nga ako nakakagitna ng pagbabasa ay nag si ingayan naman sila. Ugh! Tsismis dito, laro doon, tapos may mga PDA pa! Wala naman siguro sila sa playground o park 'no? Kainis. Naglakad nalang ako palabas. Fudge, saan na ko pupunta ngayon?

Ahh, sa CR. Saan pa ba? Ayoko namang mag cutting 'no.

"Respeto naman guys!" Sigaw ng Vice Mayor naming si Joyce Te Eng Fo, half chinese, pure maganda. Oh diba? Charot.

Rinig na rinig ko pa ang boses niya kahit nasa labas. Grabe talaga ang power ng section namin eh, napaka energetic. Oo, napaka energetic na siguro ang boses nila kaya ng umabot sa Manila hanggang Davao.

Hindi naman ako galit sa kanila eh, naririndi lang. Kaya pumanhik ako sa CR para mag unwind.

Kaya parang may chaos sa classroom dahil 1-3 hours ang free time namin ngayon. Sa kondisyon ng section namin, hindi mo talaga dapat pabayaan pag walang teacher. Kahit Grade 10 na kami, ewan ko lang talaga sa mga ugali nila. Parang kinder.

Dili gyud ka kasabot. (Hindi mo talaga maintindihan.)

Hayys, pero kakayanin ko parin. Syempre dahil ako ang class mayor, bumalik ako. Hindi ko naman sila kayang pabayaan eh. Kaya, lumabas na ako ng CR.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng classroom, kaso may naunang nagbukas. Lumabas si Vane, classmate ko at the same time, crush ko. Hearthrob 'yan eh. Kaya andami kong kaagaw pero 'di bale, classmate ko siya kaya advantage narin yun para saakin. Hahaha.

Pero asa naman ako, hindi niya nga ako masyadong pinapansin eh. Kahit anong pagpapansin ko; kahit mag thumbling, mag skate, mag ingay, matulog, kumanta, tumae, o kumain man ako, mukhang imposible na ata.

Pinapansin lang ako niyan pag may kaylangan eh! Saklap.

Tinaasan ko ng kilay ang mga ka-klase ko pag pasok ko sa classroom. Tinitingnan kasi nila ako na para bang may dala akong pagkain o something.

"Problema niyo?" Mataray na sabi ko. May dumi ba sa mukha ko?

"Ehhh, kasi..." si Frances, ang bestfriend ko, at the same time ang mabait sa klase.

"Kasi ano?" Takang tanong ko. Ano na naman bang kalokohan ang ginagawa nila?

"Kasi ano eh..." Kishia said obviously hesitating. Kung ano man 'yon, siguro pwede na akong kabahan. Si Kishia kasi ang taong diretsyong magsalita o yung taong sasabihin niya ang gusto niyang sabihin kahit na nakakasakit pa ito ng damdamin.

"Ano ba 'yan Kishia Mae! Diretsuhin mo nga, pa-suspense ka pa eh." Sigaw naman ni Trishia. Hay nako, wala naman siguro sila sa bukid ng makasigaw sila.

"Ano," Kishia said at tinaasan ko siya ng kilay. Why hesitate? Ano ba ang tinatago nila?

"Ako na nga lang ang magsasabi," sabi ni Jhosa, ang pinaka malakas ang boses sa aming mga babae, "kanina kasi, si--" then someone cut her remark.

Unti-uting nawala ang pag-asa kong malaman ang sekreto nila dahil sa isang nakakawindang na sigaw.

"GUYS, RECESS NA!" Sigaw ng isang ka-klase ko, which I thought Kenneth--ang pinakagutom sa klase. Lol.

Ano ba 'yan! Malapit na sana yun eh.

"Uy Sheska, sama ka? Pupunta kaming second floor." Ani Haguia, isa sa mga bestfriend ko din dito sa classroom na crush na crush si Joshua Shw--something, ah basta.

Umiling ako, "ayaw ko. Busog pa ako"

Ayaw ko kasing bumaba, dahil sa well, tamad.

"Sure ka ah?"

"Ye" sabi ko at bumalik na sa upuan at nagbasa.

As if on cue, nagsilabasan na ang mga ka-klase ko at pumasok naman si crush--este, si Vane.

Fudge.

So, okay.

Ayaw ko ma-tense. Sana pala sumama nalang ako eh. Tsk.

Eh, kami nalang kasi dalawa ang naiwan.

* *

Dedicated to darlingmarshmallow :) I know you well Guia bwahaha. Official hashtag nga pala, #klassmeyor.

Class MayorStories to obsess over. Discover now