Chapter Fifteen

16.9K 386 36
                                    

**SPECIAL THANKS TO MY READERS, LALO NA SA MGA HINDI NAKATIIS AT NAG-COMMENT.THANKS PEEPS, ITS REALLY APPRECIATED. SALAMAT DIN SA MGA BOTO.

gracel0005, blackniger0822, strawberrysangria, dannise07, MichelleMangubat397, YhabhieParejaBigalba, irisINFINITE, queenv925, DiannaRaiz, REZELverLining, annaalmoro, SherylCaaPardines.

***

"DEVON, sabi mo maghihintay ka, bakit parang hahalik ka na yata?" bulong ni Katrina, nalalanghap niya ang hininga nitong may halong kape.

"I thought you won't notice..." he smiled, and then felt embarrassed.

"You sure are sly. Umalis ka na at may gagawin pa kami ng kapatid ko," tulak nito sa dibdib niya.

Hinawakan niya ang kamay nito at saka marahang pinisil. Hindi na siya nakapagpigil, dinala niya iyon sa labi at saka hinalikan. "Sorry, I can't help it," saka sabi.

"Keep your distance from now on—five meters and no less. Kung ayaw mong pagtaguan kita," hindi ngumingiting sabi nito.

Nawala ang kaniyang ngiti. Pagkuwa'y huminga siya ng malalim, alam naman niyang hindi ganoon kadaling mapapa-ibig ito, handa siya, pinaghandaan niya ngunit...ang hirap pala.

"Sige na, Devon..." muling tulak nito.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Malungkot ang mga matang nilingon niya muna ito bago umalis na dala ang takot sa dibdib. Sana ay totoong mapatawad siya nito, sana...





"Krisrofer!" tawag niya sa assistant.

"Ano 'yon, boss?" agad naman itong lumapit sa kaniya.

"Pauwi ka na niyan?" sabay nguso sa dala-dala nitong lunchbag.

"Oo, boss e. Bakit, may ipagagawa ka pa ba?"

"W-wala...ah...baka lang gusto mong ihatid na kita sa inyo," naa-alangan niyang tanong.

Saglit siyang tinitigan nito at saka napapalatak. Tumawa pa bago mahinang sumuntok sa kaniyang braso. "Gusto mong makita ang hipag ko ano, boss?" tukso pa.

Marahan siyang tumango. He really felt pathetic but he has to go through with this. This is nothing compared to what he did to her. There's not an inch of excuse for him to get it easy because he gave it hard to her. He deserves this, all of these.

"Sige, boss...para naman maka-uwi na ako agad, gutom na ako e. Gusto ko ng matikman ang inihandang pagkain ng misis ko," nakangiti nitong pagpayag.

Tinunghay ng wrangler jeep and madilim na daan papunta sa bahay nito. Apat na araw niyang hindi nakita si Trina dahil masyado siyang naging busy. At sa susunod na araw kailangan niyang lumuwas ng Maynila para asikasuhin ang dapat asikasuhin. Ilang buwan na kasi siyang hindi nagagawi roon. At bago siya umalis gusto niyang makita ang mukha nito kahit silip lang.

"Narito na tayo, boss. Halika at sumabay ka na sa amin mag-dinner. Masarap kumain nang may kasalo," aya nito at nagpaunlak naman siya.

"Mahal, 'andito na ako," sigaw nito habang papasok sila sa bakuran.

"Oy, medyo ginabi ka yata?" bungad ni Kira.

"Oo e, marami kasi kaming tinapos. Gutom na ako, mahal..."
"Halika na. Nauna na kaming kumain ni ate kasi ginutom na kami e."

"Ayos lang iyon, may kasalo naman akong kakain. Kasama ko nga pala si boss, sana may sobra sa niluto mo."

"Ay, meron. Lagi namang may sobra kung magluto ako para sa agahan natin. Halika, Devon, pasok, pasok..." at niluwangan pa nito ang pagbukas sa pinto.

Betrayal 2: A Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon