Chapter Thirteen

17.9K 417 28
                                    


**RUSH UPDATE, SORRY SA TYPOS.


MAY kasayahan sa kanilang baryo at nasisiyahan siyang isa siya sa kinuha para mag-sponsor. Kinausap niya si Kira na umupa nang ilang tauhan para tumulong sa bakery para makahabol sa ihahandang iba't ibang uri ng tinapay.

Natutuwa ang kapatid niya dahil mula raw nang siya ang humalili sa bakery ay mas lalo raw dumami ang parokyano nila. Ewan ba niya, basta magaan at masarap sa loob ang pagbi-bake para sa kaniya.


"Ate, relaks ka lang ano ka ba. Hinay-hinay lang baka mapa-anak ako ng hindi oras sa pagiging aligaga mo riyan," tudyo ni Kira.

"E kasi naman, ang daming tao. Akala ko simpleng event lang ito pero tingnan mo naman, buong baryo na yata e naririto." Pinunasan niya ang pawis na namuo sa noo.

"E kasi naman, minsan lang may magpakain sa buong baryo kaya hayan, siyempre dudumugin ang libre. Isa pa, gusto nilang makita ang bagong talk of the town na kagwapuhan ni Mr. Skyke. Tingnan mo iyong mga babae, pakapalan ng makeup at lipstick, nakuuuu...mga trying hard mabingwit siya." Masasamang pinagtititigan nito ang mga babaeng naroroon.

Napalunok siya sa narinig. Huminga siya ng malalim para pawiin ang pagkabog ng dibdib. Siguro naman ay hindi nito alam na naririto siya at coincidence lang talaga ang pagbili nito ng nesgosyo rito.

"Ate, look! OMG! My favorite model is here, si Mindy, si Mindy ate!" kalbit nito na tuwang-tuwa.

Hinawakan niya ito sa braso, "Ano ka ba, buntis ka at kabuwanan mo pa, huwag ka ngang tumalon diyan," saway niya.

"Oh gosh, ang ganda-ganda niya. Ang kinis niya. Teka, teka...don't tell me, girlfriend siya ni Mr. Gwapo?" tila nadismaya ito sa naisip.

"Tutulungan mo ba ako rito o tutunganga ka na lang diyan?" napailing siya.

"Sayang naman...pero okey na rin, mukhang bagay naman sila," she resigned.

Saglit niyang tinapunan ng sulyap si Mindy at tama nga ang hinala niya, iyon ang babaeng nakita niya sa kuwarto ni Devon noon. Nagpakawala siya ng hininga at saka pumunta sa likuran para tingnan ang bilang ng kanilang mga tinapay. Hindi pa man nag-uumpisa ang kasiyahan ay halos mangalahati na ang tinapay nilang dala.


Nagsimula na ang kasiyahan at ipinikilala si Devon bilang panauhing pandangal. Pinasalamatan siya ng Mayor ng bayan dahil sa mga trabahong ibinigay nito sa mga tao rito. Tapos ipinakilala rin si Mindy bilang espesyal na panauhin.

Nasa likuran siya, sa madilim na bahagi kung saan ay hindi siya makikita ni Devon. Papadalim na rin kasi at marami nang masyadong tao. Medyo humaba ang buhok nito pero nakasuklay pahiga. At ang suot nito, ni hindi man lang nagdamit ng magara, simpleng maong na pantalon at tinernuhan ng dark blue na t-shirt with collar at saka sandals. He looks so relaxed and...

"Ang guwapo niya talagaaaa!" narinig niyang sabi sa harapan niya na grupo ng mga babae.

Muli siyang tumingin kay Devon, ngumiti at kumaway ito sa mga naroroon na lalong ikinatili ng mga kababaehan. Nakagat niya ang labi...ang guwapo nga niya.


Nagbilin siya kay Kira na babalik sa bakery para maglinis kasi naiwan nilang nakatiwangwang ang mga kalat doon kanina dahil sa pagmamadali na magpunta rito. Madilim na kaya sinindihan niya ang ilaw sa kusina lang at nagsimulang maglinis.

Betrayal 2: A Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon